Agad na Nagtiwala sa Delivery Boy ang Dalagang Ito, Tunay kaya ang Kabaitang Ipinapakita Nito?

Agad na Nagtiwala sa Delivery Boy ang Dalagang Ito, Tunay kaya ang Kabaitang Ipinapakita Nito?

InspiringMysteryStories

“Naku, kuya, hindi mo naman agad sinabi sa akin na ngayon mo agad idedeliber ang inuming tubig ko! Wala tuloy akong pangbayad sa’yo! Mahihintay mo ba ako? Kukuha lang ako ng pera sa bangko,” gulat na sambit ni Gwen nang makitang dumating na naman ang delivery boy ng pinagkukuhanan niya ng inuming tubig. 

“Ay, hindi na po, ma’am, kahit huwag niyo na po ‘yang bayaran. Sobra lang naman po ‘yan sa dala kong inuming tubig. Naalala ko lang po kayo nang mapadaan ako rito sa lugar niyo,” nakangiting wika nito dahilan para siya’y labis na matuwa. 

“Ang bait mo talaga, kuya, ‘no? Masaya akong makakilala ng isang tulad mo, lalo na’t bagong salta lang ako rito,” tugon niya saka agad na inanyayahan papasok ang binata upang ipasok ang inumin niyang tubig. 

“Wala ‘yon, ma’am, ganito naman ako sa lahat ng kustomer namin,” katwiran nito na lalo niyang ikinatuwa. 

“Salamat talaga! Gusto mo ba ng makakain? Halika, nagluto ako ng sinangag at tuyo, sabayan mo ako kumain saglit!” yaya niya pa rito saka agad na kumuha ng plato upang pakainin ang mabait na binata. 

“Hindi na po, nakakahiya. Saka, marami rin po akong kailangang ideliber na inuming tubig ngayon. Maraming salamat po! Alis na ako!” dali-dali sagot nito saka agad na lumabas ng kaniyang bahay. 

“Sige, mag-ingat ka! Salamat ulit!” sabi niya habang pinagmamasdan ang pag-alis nito. 

Wala pang isang buwan ang dalagang si Gwen sa bago niyang inuupahang bahay sa Tondo pero marami na kaagad siyang nakapalagayan ng loob doon kabilang na ang delivery boy ng pinagkukuhanan niya ng inuming tubig.

Kailan lang siya natanggap sa isang airline bilang isang flight attendant dahil sa ganda, tangkad, at talino niya. Ngunit dahil nga wala naman siyang malaking pera pang-upa sa mamahaling mga condo malapit sa airport, pinagtiyagaan niyang manirahan sa Tondo kung saan siya nakatagpo ng murang bahay. 

Laking tuwa niya dahil agad siyang nakibagay sa mga tao rito sa bago niyang tirahan. Hindi man tulad sa bahay nila sa probinsya na malawak at may sariwang hangin, mayroon namang masasayahing taong nagkalat sa kanilang lugar.Ito ang dahilan para agad na mapalagay ang loob niya sa mga taong narito kabilang na ang mabait na delivery boy na halos araw-araw siyang dinadalhan ng inuming tubig. 

Nang araw na ‘yon, pagkaalis ng binata, agad na siyang nagsimulang kumain ng almusal nang bigla siyang makarinig ng galabog sa may banyo. 

Dali-dali niya itong tinignan at agad niyang napansin ang isang damit na hindi naman sa kaniya. Binuklat niya ito at siya’y napaisip dahil pamilyar ang unipormeng ito. 

“Hindi ba ito ang damit na suot ng delivery boy kanina?” tanong niya sa sarili, sa kaniyang pagmamasid, napansin niyang nakabukas ang kaniyang bintana at may kaunting tuklap, nakakita pa siya ng ilang bakas ng sapatos na kaniya nang ikinabahala. 

Agad niya itong ipinagbigay alam sa kinabibilangan niyang barangay at nagulat siya sa sinabi ng mga ito. 

“Hindi ka dapat kumukuha ng tubig sa lalaking iyon, hija. Pinupuntirya niya ang mga bagong saltang dalaga, ginagamay niya ang bahay ng mga ito at hahanap ng lugar kung saan siya makakapamb*oso,” kwento sa kaniya ng kapitan. 

“Pe-pero parang mabait naman po siya,” giit niya. 

“Akala mo lang, ito ang listahan ng mga babaeng nagrereklamo sa kaniya. Hindi lang namin maipakulong dahil hindi namin mahuli sa akto,” sambit pa nito na kaniyang ikinahina. 

Dito na nag-isip ng paraan ang kapitan upang mahuli nang tuluyan ang dalaga. Pinlano nila itong mahuli sa akto. Sakto namang kinabukasan, muli na namang nagdala ng tubig ang binata. Umarte siyang normal katulad dati at mayamaya pa, pagkaalis ng binata, agad niyang tinawagan ang mga tanod. 

Katulad ng inaasahan niya, nakarinig na naman siya nang mahinang kaluskos sa banyo dahilan para agad niya itong puntahan. 

Pagkabukas niya ng pintuan, wala na roon ang binata at pagkasilip niya sa bintana, hawak-hawak na ng mga pulis ang naturang binata na nakababa ang pang-ibabang damit. 

“Sabi sa’yo, hija, may masamang intensyon ‘to sa’yo. Hayaan mo, kami nang bahala rito,” wika ng kapitan dahilan para siya’y agad na mabunutan ng tinik. 

Doon niya labis na napagtantong hindi siya dapat agad na magtiwala sa mga taong mabait sa kaniya kaagad dahil hindi lahat ng ito, may mabuting intensyon sa kaniya. 

“Maging aral na sa’yo ito, hija, ha? Mag-ingat ka sa pagkakatiwalaan mo, lalo na’t maganda ka at mag-isa sa bahay,” payo pa ng kapitan, matapos nila itong dalhin sa pulisya. 

More Stories