Naghiwalay ang Mag-Asawa Dahil Nalaglag sa Sinapupunan ang Kanilang Anak, May Pag Asa pa Kaya Silang Magkabalikan?
Dalawang buwan na ang nakalipas nang malaglag ang sanggol sa sinapupunan ni Janna. Mula noon, hindi na naging katulad ng dati ang pagsasama nila ni Tyrone, ang kanyang mister. Para bang kasama ng kanilang anak na namatay ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Bagong kasal lamang sila pero napakalamig na ng kanilang turingan.
“Can you atleast talk to me? Kung itrato mo ako, parang hangin nalang ako rito sa bahay,” malungkot na sabi ni Tyrone sa misis.
Sa halip na sumagot ay sinulyapan lamang siya ng babae, at malungkot itong ngumiti.
“Ano’ng gusto mong sabihin ko sayo?” parang balewalang sagot ng misis sa asawa.
Bumuntong hininga naman ang lalaki, hindi niya na alam kung paano pa maaayos ang kanilang relasyon.
“Alam mo, mas mabuti pang-“
“Maghiwalay na tayo? Para makahanap ka na ng ibang babae? Na kaya kang bigyan ng anak, di tulad kong hindi healthy ang matris. Pupunta kana sa kanlungan ng iba,” tinapos ng babae ang kanyang sasabihin.
Natulala naman si Tyrone, ang sasabihin niya sana kasi ay magpahinga muna ito at bukas na sila mag usap ng masinsinan. Pero iyon ang lumabas sa bibig ng asawa niya, marahil ay iyon na rin talaga ang gusto ng misis niya. Ang sakit, pero dahil narito na at nilamon na rin ng pride ay pinanindigan niya na.
“Oo,” matigas na sagot niya. Saglit namang tinitigan siya ng babae at tila pinipigil nito ang maluha bago tumango.
Noong gabi ring iyon ay nag empake si Tyrone at nilisan ang kanilang tahanan. Laglag ang balikat niyang umuwi sa kanila, doon na muna siya.
Nang marinig ni Janna ang tunog ng makina ng kotse ng mister ay doon siya napahagulgol ng iyak.
Ilang linggo pa ang lumipas, talagang nagtiisan ang mag asawa.
Maski na nalaglag ang baby niya ay nag-maternity leave pa rin siya sa kumpanya dahil kinailangan niya rin namang magpahinga. Dalawang buwan iyon at bukas ay makakabalik na siya sa trabaho. Ang malas lang, dahil magka-opisina sila ng kanyang mister.
Ayaw niya sanang magtrabaho pa kaya lang ay mababaliw siya kung nasa bahay lang. Bukod doon, ayaw niyang obligahin si Tyrone na sustentuhan siya gayong wala naman silang anak, napangiti siya nang mapait nang maisip ang mister. Kumusta na kaya ito?
Pagkarating niya sa opisina ay agad siyang naglakad patungo sa table ng kanyang boss, hihilingin niya sanang ilipat sya ng upuan dahil katabi niya ang table ni Tyrone. Ayaw niyang mapalapit sa lalaki.
Pero hindi niya na pala kailangang gawin iyon dahil nang masalubong niya ang kaibigang si Mae, ibinalita nitong si Tyrone mismo ang humiling na malipat ng upuan.
“Sis! Na-miss kita sobra. Ano, okay na ba kayo ni Tyrone? I mean friends naman ba kayo?” tanong nito agad sa kanya.
“O-oo naman, okay kami as friends.” pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay di naman sila nag uusap ng mister.
“As friends? So okay lang pala sayo na nilalandi siya nung bagong pasok na seatmate niya, ayun sila o, magkatabi,” palihim na turo nito.
Gumuhit ang sakit sa dibdib ni Janna nang marinig iyon, nang sulyapan niya ang itinuturo ng kaibigan ay lalo siyang nasaktan. Katabi ng mister niya ang isang magandang dalaga at tila tinuturuan itong gumamit ng computer. Nang mapasulyap sa kanya si Tyrone ay nagulat ito pero nakabawi rin naman, bago ay ibinalik na ang mata sa computer.
“Dito na muna ako Mae, ang dami ko pang gagawin,” malungkot na sabi nya. Nagtrabaho siya na mahapdi ang puso.
“Hi, okay ka lang ba?” noon lang siya napalingon sa kanyang katabi. Halatang isa ito sa mga bagong pasok dahil di niya ito namumukhaan. Nakangiti siyang tumango.
“Ay, nalimutan ko. Ako pala si James, kaka-start ko lang yesterday,” nakangiting sabi nito at kinamayan siya. Tinanggap naman iyon ni Janna.
“Janna,” simpleng sabi niya. Mabait si James at kahit bago palang silang magkakilala ay magaan na ang loob niya rito, nakakita siya ng isang kaibigan.
Kinabukasan, pagpasok ni Janna ay may bulaklak sa ibabaw ng kanyang table. May maliit na note na nakasabit sa gilid nito.
You’re beautiful
Tinignan niya ang likod pero wala namang pangalang naroon. Imposibleng si Tyrone, masaya na ito sa buhay nito. Nang sulyapan niya si James ay ngumiti lamang ito sa kanya.
Ah, baka si James. Mabait talaga ang binatang ito, hindi naman siya makaramdam ng kilig dahil isang lalaki lang naman ang nasa puso niya. Araw araw ay nakakatanggap siya ng iba’t ibang bulaklak at wala namang pangalan. Tuwing titignan niya si James ay ngiti lamang ang isinusukli nito, pa-mysterious pa.
Isang araw ay tahimik na kumakain sa canteen si Janna, hinihintay niya si James na kinuha ang packed lunch nito sa locker.
“May I join?” napapitlag pa siya nang marinig ang pamilyar na boses. Ang mister niya-mali, ang DATING mister pala. Ayaw niyang pumiyok pag nagsalita siya kaya sa halip ay tinanguan niya ito at nagpanggap na walang pakialam. Kahit ang totoo ay ang lakas lakas na ng kabog ng dibdib niya.
“How are you?” usisa nito nang di siya nagsasalita.
Eto nabu-bwisit sa katabi mong haliparot, pag untugin ko kayo eh, gusto niyang isigaw sa mukha nito pero di na siya nagsalita. Wala na siyang karapatan diba?
“Okay lang,” tipid na sagot niya.
“You look good-“
“You know what? Di ko alam kung anong intention mo. If you wanna be friends with me, no. Not yet. Di pa ako ready sa ganoon. Tsaka, may nanliligaw na sa akin at hindi magandang nakikita ka nya,” dire diretsong sabi niya.Imbe-imbento niya lang iyon, naiinis kasi siya na makikipaglapit ito sa kanya gayong may bago na ito. Baka umasa lang ang puso nyang tanga.
“Yung katabi mo ba?” matigas na sabi nito.
“Yes, si James.” sasagot pa sana si Tyrone pero biglang dumating ang walang ideyang si James.
“Babe, dito ka na sa tabi ko, sit here. Naki-join lang si Tyrone,” sabi niya rito, tinititigan nya ito at umaasa siyang mage-gets nito ang senyas niya.
Hindi naman umimik ang lalaki at tinabihan siya. Bigla namang tumayo si Tyrone at walang imik na lumipat ng mesa.
Pagkatapos ng tanghalian ay nakaramdam ng biglaang pagkahilo si Janna, naisip niyang pumunta sa clinic upang humingi ng gamot, pero ang makulit na nurse ay nagpumilit na magpregnancy test raw siya. Para matapos nalang ang usapan ay pumayag na siya, sigurado naman siyang hindi.mahina ang matris niya.
Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang resulta, positive!
Kinabukasan, matamlay na pumasok si Janna. Bukod sa morning sickness niya, problemado siya kung ano ang gagawin sa kanyang buhay. Bago pala sila maghiwalay ni Tyrone ay nagdadalantao na siya, nagpacheck up siya kaagad kahapon at nabilang kung ilang weeks na ang baby niya.
Masaya sana.. kung sila pa ng mister niya. Kaya lang ay iba na ngayon.
Pag minamalas nga naman, papunta na siya sa table niya nang makasalubong niya ang lalaki at ang katabi nito. Tila nang aasar pa dahil inakbayan nito ang babaeng nakangiti sa kanya.
Iniiwas niya na lamang ang tingin, ang sakit sakit. Hindi makakabuti sa kanya na nakikita niya pa ito, baka sumuko nanaman ang kanyang baby. Kaya napagpasyahan niyang dumiretso sa table ng kanilang boss, magpapaalam na siya at magre-resign.
Gulat na gulat man ang kanyang boss sa biglaan niyang desisyon ay sinabi niyang emergency ang kanyang dahilan at di na makakapaghintay pa na magkaroon siya ng kapalit.
Kinabukasan ay di na siya pumasok pa, nagpahinga na lamang siya sa bahay. Hilong hilo siya at nanghihina. Inis na inis pa siya nang may mag-doorbell, pagbukas niya ng pinto ay isang nakangiting binata ang naroon.
“Hi, gusto ko lang po kayong i-invite sa couple’s for Christ, kung may asawa po kayo join po kayo sa amin para naman mapagtibay lalo ang samahan nyo,” sabi nito at iniabot sa kanya ang isang papel.
Kinuha niya ang papel at tumango lang, “Pag may time. Wala na akong asawa eh,” malungkot na sabi niya. Nakakaunawa naman ang lalaki at sinarhan niya na ito ng pinto.
Maya maya pa, hindi pa siya nakakaakyat muli sa kwarto nang tumunog nanaman ang doorbell. Inis na bumalik siya at binuksan ang pinto.
“Kuya, sinabi ko na, hindi ako sasali sa couple’s for Christ, wala akong asawa, iniwan na ako ng mister ko at sumama na sa iba,gets mo? Di ako magjojoin sa-“
Natulala siya nang makita kung sino ang nakatayo sa kanyang unahan.
Si Tyrone.
“Anong ginagawa mo rito?” maang na tanong niya.
“Bahay ko rin ito diba?” balik tanong nito sa kanya. Sasarhan niya sana ang pinto pero mas malakas ang lalaki at naiharang agad ang braso. Dali dali itong pumasok sa loob ng bahay at binuhat siya hanggang sa sofa.
“Ano ba! Papansin to! Ibaba moko ano ba!” nagpupumiglas na sabi niya.
“Tama na ang arte misis! Bakit ka nag-resign?! Ganoon mo ba ako ka- gustong iwan na talaga, at iwas na iwas ka?! Dahil ba kay James?!” singhal nito.
Dahil siguro sa kanyang sitwasyon, at sa matagal nang iniipong sakit ay napaiyak na lamang siya bigla. “Sana nga dahil nalang kay James! Kasi ikaw na bwisit ka kahit alisin kita sa buhay ko, kahit na may iba kana, nandito ka parin!” sigaw niya at itinuro ang kanyang dibdib.
Napatulala naman ang lalaki.
Nagtuloy sa pagsasalita si Janna habang humahagulgol, “Nagkamali ako na sinisi kita sa pagkawala ng anak natin, pinagsisihan ko yun. Pero ano ang ibinungad mo? Ibang babae? Dahil ba ano, dahil kaya ka nyang bigyan ng anak hindi tulad ko? Wag mong isumbat sa akin si James, kaibigan ko lang yon. Gawa gawa ko lang yon para makaganti sayo kasi nasasaktan akong may iba kana. Nag-resign ako dahil di ko na kayang nakikita ka araw araw na hindi ako ang mahal. Ayan, masaya kana? Talo nako!” bulyaw niya, hinahabol niya ang hininga dahil sa sobrang sakit.
Nagulat siya nang bigla siyang siilin ng halik ng lalaki. Ang lintek na puso niya, nawala ang galit. Parang gustong matunaw ang tuhod niya at matumba, buti nalang ay malakas ang kanyang mister at hawak siya nito sa baywang. Ang isang kamay nito ay nasa likod ng kanyang ulo, na idinidiin iyon upang di sya makawala sa halik nito.
“Mahal kita, mahal na mahal kita. Wag mong iisipin si Dannielle, pinsan ko siya. Nalimutan mo na? Galing syang US, sya yung ipapakilala ko dapat sayo, baby, mahal na mahal kita at miss na miss na kita.. Walang iba. Kahit kailan walang iba,” bulong nito habang paulit ulit na dinadampian ng maliliit na halik ang buong mukha niya.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ang lalaki, nakangiti na ito at nagsalita, “Gustong gusto ko nang yakapin ka tuwing makikita kitang nakangiti dahil sa mga bulaklak na ipinadadala ko araw araw, kaya lang baka di ka pa handa ulit. Patawarin mo ako kung sumuko ako agad, promise magiging mas malakas na ako this time. Hindi na ako aalis sa bahay na ito, promise asawa ko,” sabi nito at hinalikan siyang muli.
Parang lumulutang sa alapaap si Janna, nagulat pa siya nang muli siyang buhatin ng mister at iaakyat siya sa kwarto.
“Dahan-dahan, baka matalisod ka. Bawal kaming masaktan,” nakangiting sabi niya.
“Kayo?” nakakunot ang noo na sabi ng lalaki, pero nanlaki rin agad ang mata nang maisip ang sinasabi niya. Di makapaniwalang tumingin ito sa kanya.
Nakangiti naman siyang tumango, “Daddy kana ulit,”
Halos mapatalon si Tyrone pero natatawa niyang pinaalala na baka malaglag sila. Mula noon ay mas tumibay ang kanilang pagmamahalan, makalipas ang siyam na buwan ay isinilang ni Janna ang isang malusog na kambal.
Pag may nawawala, may ipinapalit ang Diyos.
Minsan talaga, kailangan lang dumaan ng mag asawa sa mga pagsubok upang mas tumatag pa ang samahan. Basta ba magkahawak kamay na haharapin ang buhay, walang hindi kakayanin.