Ikinahihiya ng Batang Lalaki ang Kanilang Luma at Maliit na Bahay; Mapagtatanto Niyang Mapalad Siya sa Kaniyang Nanay at Tatay

“Paul, bunso, magpapapunta ka ba ng mga kaibigan mo rito sa bahay sa birthday mo? Maghahanda tayo kahit paano.”

Napatingin lamang si Paul sa kaniyang inang si Aling Leah. Malapit na pala ang kaniyang ikasampung kaarawan.

“’Nay, eh… nakakahiya po kasi magpapunta rito sa atin.”

Narinig naman ng kaniyang Tatay ang mga sinabi niya.

“Bakit naman, bunso? Ikinahihiya mo ba kami?”

“Hindi naman po Tatay. Kaya lang…” at napahinto sa kaniyang pagsasalita si Paul. “Maliit lamang po ang bahay natin, luma at medyo sira-sira na po ang bubong. Marami na pong mga tumutulo kapag umuulan.”

little boy portrait - asian little boy stock pictures, royalty-free photos & images

Lumapit ang kaniyang tatay sa kaniya.

“Anak, huwag kang mag-alala, maluwag naman ang bakuran natin. Puwede tayong humiram ng mga dagdag na mesa at upuan sa mga kapitbahay natin. Kukumpunihin ko rin ang mga butas sa atip natin, para naman kung sakaling uulan, hindi tutulo rito sa loob,” pahayag naman ni Mang Celso.

Advertisement

“Sige po, kayo po ang bahala,” nasabi na lamang ni Paul.

Saan ba nagmumula ang pagkahiya ni Paul sa kanilang munting bahay?

Iyon ay dahil nakapunta siya sa bahay ng kaniyang kaklaseng si Jonas. Nalula siya sa magandang bahay nila. Isinama siya minsan doon upang makapaglaro sila.

Ang bahay nina Jonas ay may dalawang palapag, may balkonahe, at napapalamutian ng mga tiles.

At ngayon nga, pagkatapos ng klase, ay sumama siya rito sa bahay nila, tutal ay Biyernes naman.

“Ang ganda-ganda talaga rito sa bahay ninyo, Jonas! Ang laki-laki!” bulalas ni Paul sa kaniyang kaklase.

“Oo nga eh… kaya nga nalulungkot ako minsan kasi kami lang ni Yaya ang naiiwan dito,” tugon naman ni Jonas.

“Bakit, wala ka bang kapatid?” usisa ni Paul kay Jonas. Umiling-iling na lamang si Jonas.

Advertisement

“Wala eh. Hindi na raw kasi kayang magbuntis ni Mommy. Si Daddy naman, laging busy. Saka hindi naman sila magkasundo noon kaya ako na lang daw ang unico hijo nila.”

Tumango-tango na lamang si Paul at nagpatuloy na sila ng paglalaro ng video games.

Nang magsawa na sila sa kanilang paglalaro, minabuti na lamang ng dalawa na maglaro ng taguan, sa loob mismo ng bahay.

Ang unang taya ay si Paul. Isa, dalawa, tatlo hanggang sampu. Sa hudyat, nagsimula nang hanapin ni Paul ang nagtatagong si Jonas. Inisa-isa niya ang mga lugar sa unang palapag.

Wala si Jonas. Magaling magtago!

Hanggang sa umakyat na siya sa pangalawang palapag. May dalawang kuwarto. Ang isang kuwarto ay tiyak na pag-aari ni Jonas. Binuksan niya ang pinto. Wala ring tao.

Saka niya naisip na buksan ang pinto ng pangalawang kuwarto. Palagay niya, kuwarto ito ng mga magulang ni Jonas.

Pagsilip niya sa loob, wala ring tao. Napansin niya na ang kakaibang ayos at estruktura sa loob nito.

Advertisement

May dalawang kama subalit may munting dibisyon. May kani-kaniyang cabinet at mesa. Kung ano ang mayroon sa kaliwang bahagi ay mayroon din sa kanang bahagi.

The Weird and Fascinating History of Bundling Boards | Amish house, Cheap  furniture, Amish

“Naku bawal pumasok diyan, sinong sinisilip mo diyan?” tanong ng Yaya ni Jonas. Nagulantang naman si Paul sa biglaang pagdating nito. May dala-dala itong basket na may mga lamang damit. Palagay niya ay mga natuyong sinampay.

“Si Jonas po… nagtatagu-taguan po kami,” nahihiyang tugon ni Paul. Nakita niya na nasa base na pala si Jonas. Ibig sabihin ay talo na siya.

Agad na bumaba si Paul patungo sa unang palapag.

“Saan ka nagtago? Ang galing mo naman, hindi kita nahanap,” sabi ni Paul.

Itinuro ni Jonas ang ilalim ng kanilang hagdanan.

“Sa ilalim ng hagdanan, nariyan ang storage namin,” tugon ni Jonas.

At nagpatuloy pa ang kanilang paglalaro hanggang sa sila ay mapagod na. Inihain na ng Yaya ang kanilang meryenda. Habang sila ay kumakain, naalala ni Paul ang kuwartong nakita niya na may mga dibisyon.

Advertisement

“Bakit yung kuwarto ng Mommy at Daddy mo, may harang sa gitna tapos may dalawang kama?”

“Kasi hindi na sila tabi matulog. Matagal na. Pero dito pa rin sila nakatirang dalawa,” simpleng tugon ni Jonas.

“Bakit? Hindi ba mag-asawa sila? Magkagalit ba sila? Ang Nanay at Tatay ko kasi, kahit na maliit ang bahay namin, tabi pa rin silang matulog. Minsan nga nakikita namin si Tatay, kahit na medyo marumi ang katawan ni Nanay dahil sa maghapong paggawa sa bahay, niyayakap pa rin niya.”

Nagkibit-balikat na lamang si Jonas.

“Hindi ko alam sa kanila. Tara laro pa tayo…”

Subalit hapon na pala. Dumating na ang mga magulang ni Jonas. Inaya siya ng mga ito na doon na maghapunan.

Mababait ang mga magulang ni Jonas, lalo na ang kaniyang Mommy. Subalit napapansin ni Paul na hindi masyadong nag-uusap o nagpapansinan ang Mommy at Daddy nito. Hindi kagaya ng kaniyang Nanay at Tatay na talaga namang nag-aasaran pa.

Sa oras ng pagkain, napansin ni Paul na magkalayo ang agwat ng Mommy at Daddy ni Jonas. Naalala na naman niya ang kaniyang Nanay at Tatay. Pinaghihimay pa ng kaniyang Nanay ang Tatay niya, lalo na kung ang ulam ay hipon o alimasag.

Advertisement

Bago siya tuluyang umuwi, nakita niyang tila nagtatalo ang dalawa sa sofa. Hindi na niya narinig ang paksang kanilang pinagtatalunan.

young asian couple arguing each other on sofa at home, divorce, depressed person - asian couple breaking up stock pictures, royalty-free photos & images

Pagkauwi sa bahay, agad na niyakap ni Paul ang kaniyang Nanay at Tatay.

“Oh, bakit ka naglalambing sa amin ngayon, bunso?” tanong ng kaniyang Nanay.

At isinalaysay ni Paul ang kaniyang nasaksihan sa bahay nina Jonas.

Sa araw ng kaarawan ni Paul, hindi magkamayaw ang mga panauhin sa loob at labas ng kanilang bahay. Puring-puri ang kaniyang mga panauhin sa masarap na pagkaing iniluto at inihanda ng kaniyang Nanay at Tatay para sa kaniya.

Napagtanto ni Paul na kahit maliit lamang ang kanilang bahay, masasabi namang isa silang masayang pamilya!