Akala ng Misis ay Wala na si Mister Kaya Nagpakasal na Siya sa Iba, Kaya Laking Gulat Niya nang Magbalik Ito
Unang kita pa lang ni Neri kay Gino ay alam na niyang siya ang magiging ama ng kaniyang mga anak at ang makakasama niya hanggang sa sila ay tumanda.
True love at first sight nga daw nilang maituturing ang kanilang istorya dahil parehas nilang unang nobyo at nobya ang isat-isa.
“Mahal na mahal kita, Neri. Hanggang sa kabilang buhay o kung mabuhay man ako ulit ay ikaw at ikaw pa rin ang aking pipiliin,” saad ni Gino sa kaniyang misis.
“Gino, sobrang mahal na mahal din kita. Pangako ko sa’yong ikaw lang ang mamahalin ng puso ko,” sagot naman ni Neri at pinagsaluhan nila ang unang gabi bilang mag-asawa.
Mabilis na tumakbo ang panahon at agad silang nabiyayaan ng supling. Maging masaya at maayos ang pagsasama ng dalawa, wala na nga raw silang mahihiling pa dahil labis-labis ang biyayang natatanggap ng kanilang pamilya.
“Mommy, ano? Tatanggapin ko ba yung offer sa akin sa Amerika?” tanong ni Gino sa kaniyang asawa.
“Ayos lang naman sa akin dahil personal growth mo iyan. Pero aaminin kong mamimiss kita,” sagot naman ni Neri.
“Hayaan mo, anim na buwan lang naman akong mawawala sa inyo. Pagbalik ko ay babawi kaagad ako,” wika naman ni Gino.
Napromote kasi ang lalaki sa kaniyang pinagtratrabahuhan at kaakibat nito ang pagpunta sa Amerika para sa ilang seminars at training doon.
Sinuportahan naman ni Neri ang kaniyang mister kahit nga ito ang unang beses nilang magkakahiwalay sa loob ng pitong taon nilang pagsasama.
“Galingan mo doon daddy ha at aantayin ka namin dito ni Elisse,” saad ni Neri sa kaniyang mister nang sila ay nasa airport na.
“Walang magbabago sa atin mommy, araw-araw ko kayong tatawagan kaya huwag ka nang umiyak,” sagot naman ni Gino sabay punas sa ng kaniyang asawa at hinalikan ito pati ang kaniyang anak.
Kumaway na si Gino sa kaniyang mag-ina at tuluyang umalis ng bansa at pagkauwing-pakauwi nila ay pinaandar nito ang telebisyon upang manuod sana si Elisse kaya lamang napatigil siya ng mabasa ang balita. Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng kaniyang mister sa dagat at hanggang ngayon ay naghahanap pa ng mga buhay na pasahero.
Hindi lubos akalain ni Neri na yun na pala ang huli nilang pag-uusap ng kaniyang mister, “Anak, tama na. Kailangan mo nang tumigil ngayon,” saad ni Aling Nerriza ng ina niya.
“Ma, nangako kami sa Diyos na hindi namin susukuan ang isat-isa kaya hangga’t wala pang bangkay ay hindi ako mawawalan ng pag-asa,” sagot naman ni Neri.
“Anak, limang taon ka nang nagluluksa. Halos pabayaan mo na si Elisse kakahintay kay Gino, kahit ang sarili mo ay pinabayaan mo na. Kailangan mo nang tangapin ang katotohanan na wala na siya, malamang nakain ng pating o ‘di kaya naman inanod na,” baling muli sa kaniya ng ina.
Doon nakita ni Neri ang kaniyang sarili na parang isang bangkay sa lubog ng kaniyang mata at kapayatan, hindi na rin niya namalayang nag-aaral na pala ang kaniyang anak.
Kaya naman simula noon ay bumangon siya at inayos ang kanilang buhay. Masakit man para sa isang asawa ngunit kailangan niyang ituloy ang buhay kahit mag-isa lalo na’t para sa kanilang anak.
Dalawang taon pa ang lumipas at nahulog ang loob ni Neri kay Jomel, matalik na kaibigan ito ni Gino.
“Magiging masama ba ako kung yayayain kitang magpakasal? Mahal kita Neri at malinis ang hangarin ko sa inyo ni Elisse, sana ganoon din ang nadarama mo,” saad sa kaniya ng lalaki at hinawakan ang mga kamay ni Neri.
“Pitong taon na rin palang wala si Gino at hindi mo ako sinukuan. Salamat dahil nandyan ka para sa akin,” baling ni Neri at niyakap ang lalaki.
Inayos nila ang lahat bago sila nagsama, inilibing nila si Gino kahit nga walang bangkay at nagbabangluksa muli ng isang taon pa si Neri para sa asawa. Lumapit sila sa abogado at sinabing pwede nang magpakasal ang dalawa.
Kaya hinayaan ni Neri na tumibok muli ang kaniyang puso, na ngumiti muli ang kaniyang labi at magmahal muli sa piling ni Jomel.
Halos isang buwan pa lang ang nakakalipas nang ikasal si Neri at Jomel nang biglang may kumatok sa pintuan nila at nanginginig si Neri sa kaniyang nakita.
“Gino? Anong nangyari sa’yo?” tanong ng babae at agad na niyakap ang kaniyang asawa. Hindi sumagot ang lalaki at agad nyang niyakap si Neri saka hinalikan ang babae.
Doon na kinuwento ni Gino na nahuli siya ng sindikato kaya naman hindi nakauwi ng bansa, nagkaroon lang siya ng pagkakataong makapuslit kaya nakauwi.
Pinaliwanag rin ni Neri ang mga nangyari habang wala si Gino pati na nga ang pagpapakasal nila ni Jomel.
“Hindi ko sinasadya ang lahat, hindi ko piniling palitan ka sa puso ko dahil hanggang ngayon ikaw pa rin ng laman nito,” saad ni Neri habang yakap si Gino.
Kinaumagahan ay balak sanang kausapin ni Neri si Jomel ngunit nagulat na lamang siyang isang sulat na lang ang naiwan sa kaniya.
“Alam kong hindi ko mapapalitan si Gino diyan sa puso mo kaya naman ako na ang kusang aalis. Mas magiging masaya ako kung makikita kitang masaya. Salamat sa maiksing panahon dahil habang buhay ko itong babaunin sa puso ko,” mensaheng nakasulat mula kay Jomel. Nakita din ito ni Gino at niyakap niya ang asawa.
Ngayon ay maayos na muling namumuhay si Gino at Neri kasama ang kanilang anak. Sinubok man sila ng panahon ngunit mas pinili pa rin nila ang isa’t-isa sa huli. Malaki ang pasasalamat nila kay Jomel dahil sa pagpaparaya nito at pananatiling kaibigan na matatakbuhan ano mang oras.