Inday TrendingInday Trending
Pagbigyan si Tito

Pagbigyan si Tito

Labing isang taon nang nagsasama si Edith at ang mister niyang si Tirso pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Mahal na mahal ng babae ang asawa niya at hindi niya alam ang gagawin kapag iniwan siya nito. Natatakot siya na baka hanapin nito sa iba ang ‘di niya maibigay.

Na hindi niya alam na nangyayari na nga. Ang magaling niyang asawa kapag nagpapaalam na mamamasada ay umuuwi pala sa iba.

“Kumusta? Pagod ka ba? May sasabihin sana ako sa’yo,” bungad ni Edith isang gabi nung kakauwi lang ni Tirso.

Napasulyap ang lalaki sa 16 year old na dalagitang si Anne, pamangkin ng misis niya.

“Iyan nga sana ang sasabihin ko. Eh, alam mo naman na kalilibing lang ng nanay niya noong isang linggo, ‘di ba? Pinaalis silang magkakapatid sa inuupahan. ‘Yung dalawa napunta sa DSWD. Kaya lang hindi na raw nila kayang dagdagan ang aampunin nila. Tapos ako na lang ang kamag-anak kaya sa akin ibinigay. Huwag kang mag-alala. Puwede naman nating gawing kasambahay ‘yan,” wika ni Edith pagkatapos ay tinawag ang dalagita

“Psst, Anne! Makiusap ka sa tito mo!” utos ng babae.

“To, kung maaari ho habang wala pa akong 18 at ‘di pa makakapagtrabaho ay dito muna sana ako. Nangangako ho ako na tutulong dito at hindi magiging pabigat,” nakatungong sabi ni Anne.

Napangisi naman ng palihim si Tirso. Lumapit siya sa dalagita at niyakap ito nang may malisya. Malapit na nga sa pwet nito ang kaniyang palad. “Oo naman. Pamilya mo naman kami. Basta magiging masunurin ha?” Hinigpitan pa nito lalo ang yakap.

Parang nakaramdam naman ng selos at hindi pag aalala sa pamangkin si Edith, pinaglayo niya ang dalawa. Niyakap niya si Tirso at inirapan ang inosenteng si Anne.

Lumipas ang ilang araw, hindi na matiis ng walangh*yang lalaki ang tawag ng laman. Hindi na siya nagkasya sa pasulyap-sulyap lang sa magandang pamangkin. Umisip niya sa ng magandang gagawin para matikman ito sa paraang hindi siya magmumukhang masama.

“Alam mo, hon, ano kaya ang pakiramdam ng may baby? Iyon bang may tatawag sa aking ‘tatay’ tapos sa iyo ‘nanay’. Siguro magiging mabuti kang ina ano?” bungad ni Tirso sa misis isang gabi habang magkatabi sila sa kama.

Lumungkot naman ang mukha ni Edith. “Hindi nga kasi ako mabuntis, eh.”

“Bakit? Kailangan ba sa’yo nanggaling para masabing ikaw ang nanay?” nananantyang bwelo ng lalaki.

“Ano ang ibig mong sabihin? Magrerenta tayo ng p*ta para anakan mo?” umakyat agad sa ulo ang dugo ng selosang babae.

“Ssh, kalma ka lang. Siyempre hindi. Ibig ko lang sabihin kaysa mag-ampon tayo mas maganda na iyong siguradong mula sa dugo ng isa sa ating dalawa, ‘di ba? Puwede namang dugo ko at ni Anne, ‘di ba? Kasi kamag-anak mo siya. Parang kamukha mo rin so lalabas na kahawig mo rin ang baby natin,” paliwanag ng lalaki.

Hindi makapaniwalang tumingin si Edith sa kaniyang asawa. Walang pakialam sa pamangkin sa halip ay punung-puno ng selos ang boses nito nung nagsalita, “Type mo si Anne!”

“Hindi ganoon, mahal. Ang sa akin lang kaysa sa iba, ‘di ba? Gusto mo ba maghanap ako ng babaeng ‘di mo kilala? Baka mamaya mahulog ang loob ko…”

“Huwag! Sige na. Payag na ko,” nakangusong sabi ni Edith. “Pero pagkatapos niyang manganak palalayasin natin siya, ha?”

“Oo naman,” ngiting tagumpay si Tirso.

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay pinupwersa na nila ang inosenteng dalagita.

“Tita, huwag ho!” umiiyak na sabi ni Anne.

Hawak ni Edith ang dalawang hita ng pamangkin habang ang asawa niya ay naghuhubad.

“Sandali lang ito, g*ga! Malaki ang utang na loob mo sa amin! Tsaka huwag mong isipin na gusto ka ng tito mo, ha. Ako ang gusto niya! Ginagawa niya lang ito para magka-baby kami!” saad ni Edith.

Nagising sa pagkakatulala si Edith nang bumukas ang pinto at iniluwa ang nurse. Apatnapung taon na rin ang nakalipas mula nang mangyari iyon. Pumanaw na si Tirso sa matinding karamdaman habang nasa kulungan. Umamin ang lalaki sa lahat ng pangangaliwa at kababuyan habang naghihingalo kaya doble ang sakit na naramdaman ni Edith. At heto siya, matanda na. Nakaratay sa isang ospital.

“Lola, settled na po ang bill,” pahayag ng nurse.

“Ha? Paano nabayaran?” gulat na tanong ni Edith rito. Napakalaki ng utang niya sa ospital. Hindi niya nga alam kung paano pa siya makakalabas dahil wala naman siyang pagkukunan ng pambayad. Pero heto nga, himalang bayad na.

Nagulat siya nang muling bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae. Maraming taon na ang lumipas pero ‘di niya malilimutan ang mukha nito.

“Anne…” Halatang pinipigil nito ang maluha. “Patawarin mo ko,” umiiyak na sabi ni Edith.

Napangiti nang pagak si Anne, “Matagal ko na kayong pinatawad, tita. Matagal ko nang tinanggap na kung ‘di dahil sa mga mababait na kapitbahay na sumaklolo ay baka nasira na ng sarili kong tiyahin ang buhay ko. Baka hindi kayo nakulong ni tito,” pahayag ng pamangkin ni Edith.

“Malaki ang pasasalamat ko sa’yo dahil sa kahay*pan ninyo ay lumakas ang loob ko na lumaban sa buhay. Ngayon nandito ako, tita, para tulungan ka. Dahil gusto kong patunayan sa’yo na sa kabila ng lahat ay hindi ako kasing sama ninyo,” Iyon lang ang sinabi ni Anne at umalis na din ito.

Nag-iwan rin ito ng sobreng puno ng pera sa ibabaw ng maliit na kabinet sa isang gilid.

Malungkot na napaiyak si Edith. Napakalaki ng kaniyang kasalanan. Buti na lang dumating ang mga tanod noon kaya napigilan sila. Marahil ang matinding sakit na dumapo sa kaniya ang parusa ng langit sa lahat ng kaniyang kag*gahan.

Ang pag-ibig kapag sumobra mag-aalab sa puso at matatakpan ng usok ang utak. Hindi ka makakapag-isip nang maayos.

Advertisement