
Nahuling Nangongodigo ang Anak ng Gobernador kaya Galit na Galit ang Kaniyang Ama; ‘Di Niya Akalaing Ito pala ang Magiging Mitsa ng Buhay ng Unica Hija
Dalawampuʼt siyam na taong gulang na si Eunice at kumukuha ng kursong abogasya. Sa pamilya nila ay mahalagang maganda silang reputasyon, dahil ang kaniyang pamilyang pinagmulan ay pamilya ng mga politicians.
“Eunice, gusto kong siguraduhin mo na hindi ka babagsak sa darating n’yong board exams. Huwag mo akong ipahihiya,” habang kumakain sina Eunice ay nagbabala ang kaniyang ama, na walang iba kundi ang gobernador ng kanilang probinsya. Napalunok naman nang mariin si Eunice dahil doon.
“Opo, ’pa,” kinakabahang pagsang-ayon na lamang niya.
Dalawang araw na lang bago ang kaniyang board exams, ngunit dahil sa sobrang pressure na kaniyang nadarama ay halos wala rin siyang natatandaan sa kaniyang mga inire-review. Naiiyak na si Eunice dahil sa mental block na nararanasan niya.
“Ano na ang gagawin ko? Wala talagang pumapasok sa utak ko kahit anong review ko!” Halos sabunutan na ni Eunice ang sariling ulo… hanggang sa isang ideya ang pumasok sa kaniyang isip.
Sa takot na bumagsak, si Eunice ay gumawa ng kodigo para may maisagot siya sa darating na pagsususlit.
Araw na ng pagsusulit. Malakas ang kalabog ng dibdib ni Eunice habang nasa sasakyan pa lamang siya, kasama ang mga magulang na nagpasyang ihatid siya.
“Ang bilin ko sa ’yo, Eunice, tandaan mo,” ma-awtoridad na anang kaniyang ama bago siya makababa sa sasakyan.
“Hon, wag mo naman masyadong prinepressure ang anak mo,” dinig naman niyang saway ng kaniyang ina rito bago siya binalingan. “Good luck, anak!”
Hindi na nakasagot pa si Eunice. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na rin sila sa unibersidad na pinapasukan niya. Lalo namang tumitindi ang kabang nadarama ni Eunice, habang papalapit siya nang palapit sa silid na paggaganapan ng pagsusulit. Nagdadalawang-isip si Eunice kung gagawin pa rin ba niya ang planong pangongodigo o hindi…
Isang oras din ang lumipas bago nagsimula ang pagsusulit. Sinubukan ni Eunice na hindi gamitin ang kaniyang kodigo, ngunit kahit ilang beses niya basahin ang mga tanong sa papel ay hindi niya alam ang isasagot!
Nanginginig na inilabas ni Eunice ang kodigo sa bulsa nito at pasimpleng binuklat. Ilang mga tanong na ang kaniyang nasasagutan nang bigla siyang tawagin ng kanilang prof…
“Ano ʼyang hawak mo, Miss Cruz?” tanong ng proffesor ni Eunice.
“W-wala… wala lang po ʼto, ma’am…”
“Patingin ako ng papel na ’yan,” ngunit utos pa rin ng proffesor sa kabila ng kaniyang pagtanggi.
Wala nang nagawa si Eunice. Ibinigay niya ang kodigo sa guro at alam niyang iyon na ang kaniyang katapusan…
Agad na kumalat ang balita ng pandaraya ni Eunice sa unidbersidad. Ilang oras lang ang nakalipas ay naglabasan na ang iba’t ibang articles ang tungkol doon.
Sa sobrang galit ng ama ni Eunice ay nasampal siya nito pagkarating pa lang ng mga ito sa tanggapan ng unibersidad. Iyak naman nang iyak ang dalaga.
Pagkauwi ng pamilya sa kanilang bahay ay agad na nakatanggap ng masasakit na salita si Eunice mula sa kaniyang ama.
“Pinaalalahanan na kitang huwag mo akong ipapahiya, pero nagawa mo pa ring mandaya?!” Dinuro ng gobernador ang mukha ng anak na ngayon ay yukong-yuko at umiiyak.
“Sorry po, Daddy…” tanging naisagot lang ng dalaga ngunit muli lamang siyang nakatanggap ito ng malakas na sampal mula sa ama.
Patakbong pumanhik si Eunice sa kaniyang kwarto at magdamag na umiyak. Sa isang pagkakamali ay naging kahihiyan siya ng kanilang pamilya. Ilang araw niyang pinarusahan ang kaniyang sarili, hanggang sa sumapit na ang ikaapat na gabi…
Ang tingin ni Eunice ay wala nang patutunguhan pa ang buhay niya, kaya’t balak na niya iyong wakasan ngayon, sa pamamagitan ng pag-o-overdose ng sleeping p*lls.
Lingid sa kaalaman niya, nang gabi ring iyon ay balak siyang kausapin ng kaniyang ama upang humingi ng tawad sa kaniyang nagawa’t mga nasabi, ngunit naabutan niya ang kaniyang anak na nakahandusay sa sahig at bumubula ang bibig!
Mabuti na lang at agad nilang nadala si Eunice sa ospital at nailayo ito sa tiyak na kapahamakan!
Laking pasasalamat ng gobernador na hindi nawala sa kaniya ang anak. Pinagsisisihan niya na trinato niya nang mali si Eunice.
Tatlong ang nakalipas at nagising na rin sa wakas si Eunice. Sa pagmulat niya ng mga mata ay namataan niya ang kaniyang ama na mahimbing natutulog sa gilid ng kaniyang higaan.
“Pasensya na, daddy…” umiiyak na sambit ni Eunice na agad namang ikinagising ng ama. Agad na rumehistro ang saya sa mukha nito nang makitang gising na siya!
“Anak, patawarin mo ako sa nagawa ko sa ’yo. Patawad, anak…” naluluhang anang ama habang hawak ang kamay ni Eunice.
Isang pagkakataon pa ang ibinigay ng pamunuan ng eskwelahan kay Eunice nang sumunod na board exams. Sa pagkakataong ito ay buo ang suporta sa kaniya ng ama, kaya nagawa niyang ipasa nang walang kahirap-hirap ang pagsusulit. Mabuti na lang at naayos ang gusot nilang mag-ama sa pamamagitan ng pag-unawa nila sa isa’t isa na siyang kailangan talaga sa pamilya.