Inday TrendingInday Trending
Ang Tawag ni Papa

Ang Tawag ni Papa

Maganda ang gising ng mag asawang sina Nanay Precy at Tatay Bon. Ngayon kasi ang ika-limampung anibersaryo ng dalawa at mas nakumpleto pa ito nang magsidatingan ang kanilang mga anak.

“Nay, ‘Tay, Happy Anniversary po!” masayang bati ni Bill, sabay bigay ng regalo sa kanila.

“Tara na! Lumabas tayo para maipagdiwang natin ‘yung anniversary niyo,” pag-aaya ng isa pa nilang anak na si Atoy. Hindi naman maitago ang saya sa mukha ng mag-asawa dahil kahit matanda na sila ay naalala pa rin ng kanilang mga anak ang araw ng kanilang kasal.

Nang makarating sa restawran ay kaagad na nagsikainan ang lahat. Ngunit, habang abala sa kasiyahan ang buong pamilya ay napansin na lamang nila na hindi kumikibo ang kanilang ama.

“Tay?” tanong ni Bill. Bago pa man nila mapansin na unti-unting lumulubo ang kanilang ama ay agad na silang nataranta at nagpatawag ng ambulansya.

“Pa, gumising ka!” naiiyak na sigaw ni Ronald, isa pa sa mga anak ng dalawa. Napuno ng luha ang ambulansya habang sinasakay ang ama sa sasakyan. Nang makarating silang lahat sa ospital ay doon lang nila nalaman na huli na ang lahat para kay Tatay Bon.

“Atake ho sa puso,” sabi ng doctor at saka inanunsyo ang oras ng oras kung kalian binawian ng buhay ang matanda.

Dahil dito ay mas napuno ng iyakan ang kwarto kung saan nakalatag ang kanilang ama habang si Aling Precy naman ay nanatiling tahimik sa tabi at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa kanyang asawa.

Sa araw ng libing ay muling nagsama-sama ang buong pamilya para sa mga huling sandaling makakapiling nila ang kanilang ama. Hindi pa rin nila lubos akalain na ang masayang selebrasyon ay mauuwi pa pala sa isang madilim na alaala. Lalong-lalo na para sa kanilang nanay na maiiwan na ngayong mag-isa.

“Grabe no? Bakit hindi sinabi sa atin ni tatay na nahihirapan siya noon?” tanong ni Bill sa mga kapatid.

“Kaya nga e, talagang mas inuna niya tayo kaysa sa sarili niya. Siguro akala niya, kakayanin naman niya ‘yung sakit kaya tinago nalang niya,” sabi naman ni Maybel ang bunso sa magkakapatid.

“Oras na talaga ng papa niyo, matagal ko nang napansin yan. Palagi siyang nahihilo, nahihirapan huminga pero lagi niyang sinasabi na ok lang siya. Nung araw na nawala siya, mahigpit ‘yung hawak niya sa kamay ko. Ayaw niyang iwan ko siya sa huling araw niya, ayaw niya rin akong iwan. Kasi gusto niya na alagaan ako palagi,” malungkot na pahayag ni Aling Precy at mabilis siyang niyakap ng mga anak at apo niya.

“Wag ka mag-alala, nanay kasi hindi kita papabayaan. Kung gusto mo, sa bahay mo muna ako matutulog,” nakangiting alok ni Polly, isa sa mga apo ng ale. Nginitian lamang siya ng kanyang lola subalit hindi ito pumayag dahil gusto niya munang mapag-isa.

Isang linggo matapos pumanaw si Tatay Bon ay hinatid na nila Atoy ang kanilang ina sa bahay nito. Marami silang nag-alok na sasamahan ang ale sa subalit tumanggi ito at sinabing kaya niya ng mag-isa.

Kinagabihan, habang nasa trabaho si Atoy bilang receptionist sa emergency hotline ay nakatangap kaagad siya ng tawag wala pa mang isang minuto na siyang nakapuwesto sa telepono.

“Hi, this is Atoy. May I know your emergency?” mabilis na sagot ng lalaki. Ngunit walang nagsalita sa kabilang linya kaya naman binaba na lamang niya ito. Subalit, sa isa pang pagkakataon ay muli siyang nakatanggap ng tawag at tulad ng kanina ay wala pa rin na sumagot sa kabilang linya. Agad nitong inireport ang numero para ipaalam ang address at laking gulat nito ng lumabas ang address ng kanyang ina. Agad itong nagpapunta ng pulis at ambulansya sa bahay ni Aling Precy at baka ano na ang nangyari sa kaniyang minamahal na nanay.

“Sir, wala pong emergency dito. Hindi rin daw po hinahawakan ng mama niyo ‘yung telepono simula kaninang umaga,” sabi ng isang pulis na nagpunta.

“Sige, bumalik nalang kayo sa istasyon niyo. Salamat,” sagot naman ni Atoy at agad na tinawagan ang kanyang ina.

“Ma, tumawag ka ba ng emergency? Number mo kasi yung lumabalas dito e,” nagtatakang tanong nito sa ina habang kausap sa telepono.

“Hindi, nagulat nga ako nung makita ko yung mga pulis at ambulansya sa labas,” sagot naman ni Aling Precy at saglit pa silang nagusap saka ibinaba na ni Atoy ang telepono.

Habang nag-iintay ng tawag si Atoy ay napaisip ito kung bakit sa kanya lang pumasok ang mga tawag galing sa kanyang ina kahit na wala namang ibang tumatawag sa kanila. Naisip rin nito na bakit hindi nakakatangap ng ibang tao ang kasamahan nito sa trabaho. Napailing-iling na lang ang lalaki sa kakaisap at kakahintay ng bagong tawag ngayong gabi.

At sa pangatlong pagkakataon ay muli na naming nakatangap ng tawag si Atoy mula sa bahay ng kaniyang nanay. Hindi na makampante pa ang lalaki kaya naman pinakisuyuan na niya ang malapit na kaibigang Pulis na si Nash na nakaistasyon malapit sa bahay ni Aling Precy.

“SIR, EMERGENCY EMERGENCY! KAILANGAN KO NG AMBULANSYA DITO NGAYON. HINDI MAKAHINGA ANG MAMA NIYO!” sigaw ni Nash sa radyo nang maabutang nakahandusay na sa sahig ang matandang si Aling Precy. Mabilis naming nakapagpadala ng ambulansya si Atoy at mabilis din siyang nakapunta sa ospital kung saan dinala ang kaniyang nanay.

Nang magising si Aling Precy ay kaagad syang inutusan na kuhanin daw niya ang litrato nila ng kaniyang ama na nasa bahay. Gusto raw niyang mayakap ito. Pinagbigyan naman kaagad ni Atoy ang hiling ng ale at kasama nitong pumunta si Nash sa bahay ng kaniyang mga magulang.

“Pare, saglit lang ako ha. May kukuhanin lang ako na bilin ni nanay. Kahit dito ka na lang sa kotse mag-intay,” pahayag ni Atoy sa kaniyang kaibigan. Tumango naman ang lalaki

Pagpasok ni Atoy sa bahay para kunin ang litrato ay nakaramdam ito ng lamig sa paligid at biglang nagsi-tayuan ang kanyang mga balahibo sa batok. Nakaramdam rin siya na tila may humagod sa kanyang likod kaya naman dali-dali siyang lumabas ng bahay. Subalit, bago pa man siya nakahakbang palayo ay may narining siyang boses na nagsabing “Salamat,”

Humakbang muli siya papasok ng bahay upang tignan kung ang loob ng buong baha at siguro na siyang sa pagkakataon ito na walang tao. Mas lalo pang tumindig ang kaniyan balahibo.

“Pare, bakit hindi sumama ‘yung tatay mo sa ospital?” nagtatakang tanong ni Nash nang makarating si Atoy sa sasakyan. Nagulat naman si Atoy sa tanong ni Nash kaya sinagot niya agad ito.

“Hindi mo ba nabalitaan? Wala na si tatay, last week pa,” mabilis na saad ni Atoy sa lalaki.

“HA? NAKITA KO KAYA ‘YUNG TATAY MO KANINA SA BINTANA. KINAWAYAN PA NGA AKO E!” baling na Nash na tila natakot bigla ang kaniyang boses. Hindi siya makapaniwala na nakakita siya ng multo na kumakaway palayo sa kanya kanina.

Dahil sa pangyayaring ito ay sabay-sabay nagdasal ang kanilang pamilya at nagpasalamat sa kanilang namayapang ama dahil kahit na kaluluwa nalang ito ay hindi pa rin niya pinabayaan ang kanyang asawa. Ngayon ay naniniwala na si Atoy na ang ilang beses na tawag na walang nagsasalita sa kabilang linya ay ginamit lamang ng kaniyang ama upang iligtas ang kanilang nanay.

Advertisement