Inday TrendingInday Trending
Diring-diri ang Dalaga sa mga Pangit Lalung-lalo na sa Manliligaw Niyang Hindi Guwapo; Isang Araw ay Malaking Tulong Pala ang Magagawa Niya Rito

Diring-diri ang Dalaga sa mga Pangit Lalung-lalo na sa Manliligaw Niyang Hindi Guwapo; Isang Araw ay Malaking Tulong Pala ang Magagawa Niya Rito

Kilala si Marissa sa kanilang lugar dahil sa taglay niyang naiibang kagandahan. Pinakamimithi siya ng mga kalalakihan at lihim na kinaiinggitan naman ng mga kapwa niya dalaga.

Ngunit sa likod ng maamo at mala-anghel niyang mukha ay may isang ugaling kasuklam-suklam kay Marissa.

“Hay naku, talagang allergic ako sa mga pangit! Nakakapandiri at napakasakit sa mata! Ayaw na ayaw ko ng manliligaw na pangit, eeeww!” sabi niya sa harap ng mga magulang niya.

Sa sinabi niya ay agad siyang pinaalalahanan ng mama at papa niya.

“Marissa, anak, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, alalahanin mong ang bawat tao, maganda man o pangit ay marunong din masaktan,” hayag ng kanyang ina.

“Oo nga, anak. Hindi nasusukat sa panlabas na anyo ang katauhan ng bawat nilalang kundi sa nilalaman ng kalooban,” segunda naman ng ama.

Pero kibit lamang ng balikat at pagwawalang bahala ang naging tugon ni Marissa.

“Kahit ano pa ang sabihin ninyo ay hindi magbabago ang pananaw ko sa mga pangit. Ayoko talaga sa mga katulad nila. Sana ay hind na lang sila nabuhay sa mundo. Anuman ang mangyari ay hindi ako maaaring umibig sa isang pangit,” sagot niya sa mga magulang.

Kahit pa kasuklam-suklam ang ugaling iyon ng dalaga ay wala pa ring patid ang panunuyo sa kanya ng mga manliligaw niya na hindi pinalad na magkaroon ng magandang mukha, sa madaling salita ay pangit ang hitsura gaya ng binatang si Alberto na isa sa masusugid niyang manliligaw. Nagmula rin sa may kayang angkan ang binata ngunit isinusuka ni Marissa dahil ubod ito ng pangit. Kaya sa tuwing dumadalaw ito ay halos apakan na niya ang pagkatao ng manliligaw.

“Alam mo, Alberto, nag-aaksaya ka lamang ng panahon. Magpa-plastic surgery ka muna ng mukha, baka sakaling maibigan kita,” prangka niyang sabi.

“Napakasakit mo namang magsalita, Marissa,” tugon ni Alberto na halatang nasaktan sa tinuran niya.

“Mabuti na ang tapatan kaysa maaksaya ang mga araw mo sa kapupunta rito,” hirit pa ng dalaga.

“Wala ba talaga akong pag-asa sa iyo kahit na katiting?” tanong ng binata.

“Wala! Ayoko sa pangit na gaya mo, eh! Ang magandang tulad ko ay nababagay lang sa guwapong lalaki at hindi sa iyo na mukhang unggoy,” diretsahang sabi niya.

Kahit hinamak-hamak na niya ang manliligaw ay tahimk lang ito na napayuko. Maya maya ay malungkot at masama ang loob na nagpaalam na ito sa kanya.

“Pasensya na, aalis na ako,” anito.

“Sige, huwag ka nang babalik ha? Magpabago ka muna ng mukha mo bago ka manligaw sa akin,” pang-aasar pang sabi ni Marissa bago lumabas ng gate ang kaawa-awang binata.

Hindi lang sa mga manliligaw niya ipinapakita ang kagaspangan ng kanyang ugali, kapag may dumarating na bisita sa kanilang bahay na hindi niya nagugustuhan ang mukha ay pinapahiya niya o ‘di kaya ay ipinag-uutos sa kanilang kasambahay na huwag papasukin.

“Ikandado mo ang gate! Huwag mong papapasukin ang mga pangit na iyon, maliwanag!” utos niya.

“Opo, senyorita,” sagot naman ng katulong.

Ngunit kapag guwapo at makisig naman ang kanyang nagiging panauhin ay…

“Alam mo, Allen, kahapon pa kita hinihintay, eh, hindi ka naman dumalaw,” nakangiti niyang sabi habang ineestima pa ang guwapong manliligaw.

“Totoo? Di araw-araw ay maaari akong pumunta rito?” tanong ng binata.

“Oo naman, basta ikaw. O, halika muna at tikman mo itong niluto kong meyenda, masarap ito,” sabi pa ng dalaga na niyaya ang bisita sa hapagkainan.

“Wow, nag-abala ka pa! Salamat, Marissa, ang sarap nitong luto mo. Mapalad ako kapag ikaw ang nakaisang-palad ko,” wika ng manliligaw.

Hangang-hanga ang binata sa inihanda niyang meryenda pero ang totoo ay hindi naman siya ang nagluto, hindi naman siya marunong magluto. Ipinaluto niya lang iyon sa kasambahay nila.

Minsan ay nagtungo siya sa isang party kung saan ay abot-langit ang paghanga sa kanya ng mga kalalakihang naroon.

“Talagang napakaganda ni Marissa, ano?” wika ng isang binata.

“Oo at pwede siyang artista, ‘yon nga lang ay napakahirap abutin dahil ang gusto niyan ay guwapong lalaki, mukhang wala tayong pag-asa, pare kaya hanggang paghanga na lamang tayo,“ tugon ng kasama.

“Ang mga buhong manghang-mangha na naman sa kagandahan ko, sige lang maglaway kayo riyan. Hinding-hindi mapapasainyo ang tulad ko, mga pangit!” natatawang bulong ni Marissa sa isip na nakahalata na pinag-uusapan siya ng dalawang lalaki.

At nang pauwi na siya ay nakaramdam siya ng pagka-antok habang nagmamaneho ng kanyang kotse.

“Ho-hum! Antok na antok na ako,” aniya na humihikab na.

Hindi niya namalayan ang kasalubong niyang trak…

“Diyos ko! M-mababangga ako!”

Bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa nakasalubong niyang trak at siya’y naaksidente. Agaw-buhay siyang dinala sa ospital ng mga nakasaksi sa pangyayari.

“Ikinalulungkot ko po pero maaaari siyang mam*tay anumang oras mula ngayon. Malubhang-malubha ang lagay niya,” wika ng doktor sa mga magulang niya.

“Ang ating anak, kawawa naman,” hagulgol ng kanyang ina.

“Huwag tayong mawalan ng pag-asa,” tugon naman ng kanyang ama na hindi matanggap ang kalagayan niya.

Samantala, marahil dahil nasa bingit na ng kamat*yan ay naisip ni Marissa na makagawa ng kabutihan bago man lamang siya mawala sa mundo. Nagpasiya siya na…

“Ibig kong ihandog sa nangangailangan ang mga mata ko at puso,” wika niya.

Sa sariling kapasiyahan nga ni Marissa, bago siya nalagutan ng hininga ay naisalin nga sa isang pasyenteng nangangailangan ang kanyang puso at mga mata.

Bago nawala si Marissa ay pinagsisihan naman niya ang mga naging kasalanan noong nabubuhay pa siya lalo na ang panghahamak at pangmamaliit sa mga pangit.

Ang tanong, sino ang masuwerteng pasyente na pinagbigyan ng mga mata at puso ni Marissa na nasa ospital din kung saan binawian ng buhay ang dalaga?

Walang iba kundi ang pagkapangit-pangit na binata na noong nabubuhay pa si Marissa ay hinamak-hamak niya at labis na kinasusuklaman – ang manliligaw niyang si Alberto na naaksidente rin at lubhang naapektuhan ang paningin. May malubha rin itong sakit sa puso na pwede nitong ikamat*y at maisasalba lang sa pamamagitan ng heart transplant.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng binata kay Marissa sa kabila ng mga masasakit na sinabi nito noon sa kanya.

“Maraming salamat, Marissa, binigyan mo ako ng ikalawang pagkakataon na mabuhay. Utang ko sa iyo ang lahat. Pinapatawad na kita sa pangmamaliit at panghuhusga mo sa akin. Hangad ko ang kapayapaan mo kung nasaan ka man ngayon,” bulong ni Alberto sa isip nang malaman niya na sa dati niyang nililigawan nangggaling ang bago niyang puso at paningin.

Kung alam lang ni Marissa na ang kanyang mga mata ay pag-aari na ng isang binatang hindi guwapo at makisig at ang puso niya’y pumipintig sa dibdib ng isang pangit. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

Advertisement