Sabik na Naghintay ang Magkasintahan sa Araw ng Kanilang Kasal; Ngunit Napaaga ang Kasalan Kaysa sa Inaasahan
Natatakot at nababahala ang lahat dahil sa biglaang pangyayari. Natataranta si Joey habang mabilis na pinapatakbo ang kaniyang sasakyan. Ninais na makapunta agad sa ospital upang tingnan ang kondisyon ng kaniyang mahal na kasintahan.
“Kumusta na po si Tanya?” Natatarantang tanong ni Joey, pagkarating na pagarating sa ospital at naabutan ang magulang ng babae.
Humihikbing sumagot ang ina ni Tanya na si Terry. “Malubha ang lagay niya, hijo.”
“Ang huling sabi ng doktor na tumingin sa kaniya kanina ay kritikal ang kaniyang lagay at fifty-fifty ang tsansang makaligtas si Tanya sa aksidenteng nangyari,” umiiyak na wika ng ama nitong si Luie.
Napahilamos ng kamay si Joey sa mga narinig. “Hindi ito maaari. Lumaban ka mahal,” umiiyak niyang bulong.
Tatlong araw mula noong umalis si Tanya, patungong Paris ay masaya at sabik pa nilang napag-usapan ang kasal na mangyayari pagkatapos ng tatlong buwan.
Nangako pa itong babalik nang ligtas at maayos. Pumunta si Tanya sa Paris, para sa isang trabaho. Nakababa na ito ng eroplano at pauwi na sana sa bahay ng mga magulang nito kung hindi lang naaksidente ang babae.
Wasak ang sasakyan nitong bumangga sa isang 10-wheeler truck, kaya hindi kataka-takang malala ang kondisyon ng nobya. Wala na siyang ibang hiling kung ‘di sana ay makayanan nito ang lahat.
Makalipas ang halos limang oras na paghihintay ay lumabas ang doktor galing sa operating room.
“Doc, kumusta ang lagay ng kasintahan ko?” Tanong ni Joey.
“Sa ngayon ay maayos na ang lagay ng pasyente, ngunit hindi ko po masasabing stable na ang lagay niya. Sobrang trauma ang dinanas ng katawan niya dahil sa aksidente,” malungkot na wika ng doktor.
Nang payagan sila ng nurse na pwede na nilang makita ang pasensiya ay ngali-ngaling pumasok si Joey sa loob ng silid nito at agad ring naiyak sa nakitang itsura ni Tanya.
Para itong lantang gulay, kung wala ang mga makina ay baka hindi na nito makayanan pang lumaban. Na-comatose si Tanya at hindi alam kung magigising pa ba ito o tuluyan nang bibigay.
“Lumaban ka mahal,” humihikbing wika ni Joey.
Magdadalawang linggo na rin mula noong naganap ang matinding aksidente ni Tanya, ngunit hindi pa rin ito gumigising. Nang sabihin ng doktor na hindi na kakayanin ni Tanya at posibleng mamaalam na ito nang tuluyan ay mahigpit na inayawan iyon ng buong pamilya.
Ngunit sadyang wala ngang makakapagsabi sa buhay ng isang tao, dahil tama nga ang sinabi ng doktor. Hindi na nga kinaya ni Tanya at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
Ngayon ay papunta siyang morgue upang tingnan nang personal si Tanya. Ang bestidang disin-sana ay isusuot ni Tanya sa kanilang kasal ay iyon na mismo ang ipinasuot ni Joey sa kasintahan.
Hindi mapigilan ni Joey ang mapaiyak habang nakatitig sa bangk*ay ni Tanya. “Ang daya mo naman mahal, ang usapan susuotin mo lang ‘yan sa araw ng kasal natin. Hindi naman natin napag-usapan na susuotin mo iyan kapag wala ka na,” tumatangis na wika ni Joey.
“Bakit naman iniwan mo kami agad? Napakadaya mo talaga. Sana maging masaya ka na d’yan. Huwag kang mag-aalala pipilitin kong maging masaya kahit napakahirap mahal. Ang hirap— ang hirap,” nanghihinang wika ni Joey.
“Desidido ka pa rin bang pakasalan ang anak ko, Joey?” Humihikbi na ring wika ni Luie, ang ama ni Tanya.
“Opo tito. Walang magbabago. Napaaga nga lang ang kasal namin ni Tanya,” humagulhol na wika ni Joey.
Sa araw ng libing ni Tanya ay isinuot din ni Joey ang kaniyang damit pangkasal. Hindi kailanman sumagi sa isip ni Joey na darating ang araw na ito, imbes na maging masaya siya’y walang kapantay na lungkot ang kaniyang naramdaman.
Hindi ito ang pinangarap niyang kasal nila ni Tanya. Nasa loob kab*aong si Tanya, iniiyakan habang nakasuot ng pangkasal na bestida at siya naman ay nasa labas ng kab*aong ng nobya at umaalalay rito.
Hindi ito ang nakikita niyang mangyayari noon, ngunit ito ang nangyari. Nam*atay man si Tanya, hindi naman nam*atay ang pagmamahal ni Joey para sa babae.
Alam ni Joey na darating ang araw na magmamahal siya ulit at mag-mo-move-on sa masakit na nangyari. Pero alam niyang habambuhay niyang tatandaan ang araw na ito. Si Tanya ang kaniyang unang asawa, ang asawang maagang kinuha sa kaniya ng Panginoong Diyos. Sa takdang panahon ay magkakasama rin silang dalawa sa paraiso upang ituloy ang naudlot na pagmamahalan.