Panay ang Tingin ng Matandang Babae sa Gatas at sa Hawak Nitong Barya; Isang Hindi Inaasahang Obligasyon ang Maipapasa Nito sa Kaniya

Panay ang Tingin ng Matandang Babae sa Gatas at sa Hawak Nitong Barya; Isang Hindi Inaasahang Obligasyon ang Maipapasa Nito sa Kaniya

InspiringLoveStories

Pagkarating sa tindahan ay agad na inasikaso ni Kiara ang mga dapat asikasuhin upang mamaya ay wala na siyang iisipin. Binilang na muna niya ang perang nasa kaha at nang matapos ay sinimulan na niyang tingnan ang mga kulang na produkto sa stall.

Sariling negosyo ni Kiara ang binabantayan niyang maliit na grocery store, bukod sa kaniya ay may mga tauhan siya sa tindahan na silang nagbabantay talaga. Tuwing umaga nga lang ay naririto siya upang lagyan ang kung anumang mga kulang sa bawat paninda, nang mapansin niya ang isang matandang babae na nakatayo sa may Milk Section.

Hinayaan lang niya ito at nagpatuloy sa ginagawa nang mapansin niyang mahina itong humihikbi, habang panay ang tingin nito sa palad at sa gatas na naka-display. Hahayaan na lang sana niya ang ale, nang ‘di siya makatiis at nilapitan ito upang tanungin.

“Bakit po, nanay?”

Nagpunas ito ng luha saka lumingon sa kaniya. “Itong gatas kasi, ineng,” anito turo sa gatas at lahad ng kamay upang ipakita ang hawak na barya. “Ito ang kailangan ng apo kong nasa dalawang buwan pa lang. Ang kaso’y hindi naman kasya ang pera ko upang mabili ito,” dugtong nito.

Ito ang dahilan kaya humihikbi ito, dahil hindi kasya ang pera nito sa presyo ng gatas na nais bilhin.

“Nasaan po ba ang anak niyo, nanay?”

Lalong umiyak ang ale sa tanong niya. “[email protected] na ang anak ko na siyang ina ng apo ko,” anito.

Mas lalong nakaramdam ng pagkaawa si Kiara sa sinabi ng ale.

“Nasawi siya habang ipinapanganak niya iyong apo ko. Nabuntis lang ang anak ko, ineng, at hindi ko kilala ang lalaking nakabuntis sa kaniya, kaya kahit nahihirapan na ako’y wala akong ibang natatakbuhan,” umiiyak pa ring paliwanag nito.

Inalalayan niya ang ale sa may upuan upang paupuin ito, dahil grabe na ang pag-iyak nito. Baka mapaano pa ito, kaya pinainom na muna niya ito ng tubig.

“Naiisip kong nakawin na lang ang gatas na iyan, pero hindi naman kaya ng konsensya ko. Kung kailan ako tumanda ng gan’to ay saka pa ako makukulong sa salang [email protected] Pero kasi, kagabi pang hindi nakakad*de ang apo ko, ineng. Iniwanan ko na nga lang siya sa kapitbahay namin, para makadiskarte ako ng makakain niya. Awang-awa na ako sa apo ko,” anito, umiiyak pa rin.

“Tahan na, nanay,” ani Kiara. “Wala po ba kayong ibang kamag-anak dito?”

“Matagal na kaming nanirahan ng asawa ko rito sa Maynila. Dito na rin namayapa ang butihin kong asawa. Nagkaanak kami ng isa, kaso agad ring binawi sa’kin ng Diyos at iniwanan ako ng apo— ng obligasyon na hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang alagaan,” humahagulhol pa rin nitong wika.

“Ako na ang bibili ng gatas na iyon, nanay, para sa apo niyo,” ani Kiara. “Kayo po, kumain na po ba kayo?”

Naisip niyang tanungin. Namumutla na rin kasi si nanay at halatang nanghihina na.

“‘Yong gatas na lang, ineng, kahit huwag na ako. Kaya ko naman ang sarili ko, ‘yong apo ko lang talaga,” nagmamakaawang wika ng ale.

Ngunit hindi kumbinsido si Kiara sa sinabi ng matanda. Nabilang niya kanina ang baryang hawak nito at kwarenta pesos lamang iyon. Binili niya ang gatas na itinuro nito, saka binilhan na rin ito ng pagkaing luto na nasa nasa loob din ng kanilang tindahan.

“Maraming salamat, Kiara. Maraming-maraming salamat talaga,” mangiyak-ngiyak nitong wika.

“Walang anuman iyon, Nanay Luciana. Kainin ninyo iyang pagkaing binili ko at ipad*de niyo sa apo niyo ang gatas na iyan,” bilin niya.

Umalis si Aleng Luciana na may ngiti sa labi.

Kinabukasan ay muli niyang nakita si Aleng Luciana sa loob ng tindahan, kasama ang apo nito. Ang maganda nitong apo.

“Dinala ko siya rito, Kiara, upang makita mo ang cute kong apo. Gusto ko rin na magpasalamat ulit sa’yo, at saka para hindi mo isipin na niloloko lang kita,” anito.

“Naku! Hindi ko po iyon naisip kahapon, Aleng Luciana. Ang totoo’y alam kong nagsasabi kayo sa’kin nang totoo, dahil noong tinanong kita kung kumain ka na ba, ang sagot mo’y huwag ka nang alalahanin, ang mahalaga’y ang makakain ang apo mo,” ani Kiara.

“K-kiara, baka pwedeng iwanan ko muna sa’yo ang apo ko?” maya maya ay pakiusap ni Aleng Luciana.

“Nagpa-check-up kasi ako kanina sa ospital, ang sabi sa’kin ng doktor, kailangan ko na raw talagang maoperahan sa baga, dahil kung hindi ay magiging delikado ang buhay ko. Wala naman akong kailangang isipin sa pambayad dahil pampubliko iyong ospital. Ang tanging inaaalala ko’y saan ko iiwan si Maria,” anito tukoy sa apo.

“P-pero bakit niyo naman na sa’kin naisip iwanan ang apo niyo, Aleng Luciana?” takang tanong ni Kiara.

“Kasi alam ko na mabuti kang tao. Ramdam ko na ikaw ang nararapat pag-iwanan ko kay Maria. Kapag nasa sa’yo siya, hindi ko kailangang mag-alala. Wala kasi akong ibang pwedeng pagkatiwalaan sa kaniya, kung ‘di ikaw lang,” nakikiusap na wika ni Aleng Luciana.

Hindi natanggihan ni Kiara si Aleng Luciana. Kinupkop niya ang apo nitong si Maria at binilinan ito na magpagaling at magpalakas, na kayanin nito ang operasyon dahil hinihintay pa ito ni Maria. Nangako naman siyang bibisita rito kasama si Maria.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi napagtagumpayan ni Aleng Luciana ang operasyon. Namayapa ito at tuluyang naiwan sa kaniya si Maria. Ora mismo, siya ang tumayong magulang ni Maria dahil naging ulilang lubos na ito.

Walang alam si Kiara kung paano ang maging ina at ama na rin. Ngunit hindi naman niya gustong ipamigay si Maria. Sa kaniya iniwan ni Aleng Luciana si Maria dahil nagtiwala ito sa kaniya. Kaya kahit mahirap ay pinanindigan niya ang iniwan ng matanda. Naging anak niya si Maria at minahal niya ito nang higit pa sa inakala niyang kaya niyang ibigay.

Makalipas ang siyam na taon. Apat na taon si Maria, noong nakilala niya ang lalaking siyang kaniyang napangasawa at biniyayaan sila ng tatlong anak. Si Maria ang pinakapanganay sa lahat at kailanman ay hindi nila ipinaramdam na hindi ito parte ng pamilya nila.

“Nakikita niyo po ba ngayon kung gaano na kalaki si Maria, Aleng Luciana?” kausap niya sa puntod nito. “Napalaki ko pong mabait at matalino ang apo niyo, Aleng Luciana,” mangiyak-ngiyak na dugtong ni Kiara. “Salamat po at sa’kin niyo siya ipinagkatiwala noon.”

Tahimik lamang na nakatingala sa kaniya si Maria, puno ng pagtataka ang mukha. Ngunit walang namutawing salita sa bibig, nakatingin lamang ito at nagtataka kung bakit siya umiiyak.

“Mahal na mahal ko po ang apo niyo, Aleng Luciana, kapantay ng pagmamahal ko sa mga tunay kong anak. Salamat po ulit sa tiwala,” aniya saka nag-alay ng dasal sa kaluluwa ni Aleng Luciana at saka umalis sa sementeryo.

Hindi man sa kaniya nanggaling si Maria, alam ng Diyos na minahal niya ito nang higit pa sa kaya niyang ibigay. Walang papalit sa pwesto nito sa puso niya kahit ano pa man ang mangyari. Nang dahil kay Maria, nalaman niyang may kakayahan pala siyang maging mabuting ina.

More Stories