Inday TrendingInday Trending
Dahil May Asawang Foreigner ang Babae ay Hinuthutan Siya ng Mga Kamag-Anak, Nganga Sila nang Magsawa Siya

Dahil May Asawang Foreigner ang Babae ay Hinuthutan Siya ng Mga Kamag-Anak, Nganga Sila nang Magsawa Siya

Mula nang pakasalan ni Sheila ang banyagang asawa at samahan itong manirahan sa ibang bansa ay nagsimula nang maging palaasa ang kaniyang mga kamag-anak. Sa tuwing nangangailangan ang mga ito ng pinansyal na tulong o kahit pa ng kanilang luho ay palagi na lamang siya ang nilalapitan ng mga ito.

“Sheila, baka pwede mo naman kaming ihiram ng pera kay John, mapuputulan na kami ng kuryente eh, babayaran ko din.” Wika ng tiyahin niya.

“May sobra naman po akong pera dito Tyang, padala ko nalang sa inyo mamaya.” sagot niya.

Sa una ay ayos lang naman sa kaniya ang tumulong, ngunit tila namihasa ang mga ito na palaging nanghihingi sa kaniya.

“Shiela, wala ng pambaon ang mga kapatid mo, baka naman pwede kang makahingi sa asawa mo.” Text ng kaniyang ina.

“Shiela mayaman ka naman na eh, pwede mo bang sagutin ang handa ng pamangkin mo sa susunod na buwan?” text naman ng pinsan niya.

Nahahalata na ni Shiela ang panghuhuthot sa kaniya ng mga kamag-anak at ipinaalam niya na ito sa kaniyang asawa.

“They keep on asking for money, maybe they think we’re rich because you’re a foreigner.”

“I noticed it too, you’ve been sending them money so often.”

Sa sobrang kapal na nga ng mukha ng kaniyang mga kamag-anak ay nanghihingi na ang mga ito ng padalang imported na sapatos, damit at mga gadgets.

“Baka naman pwede mo ako padalhan ng imported na sapatos Shiela, kayang kaya niyo namang mag-asawa yun eh.” Wika ng kaniyang kuya.

“Kuya! Hindi kami nagtatae ng pera! Ilang buwan ko nang napapansin yang paghingi niyo ng kung anu-ano sa akin, ako na nga ang nahihiya sa asawa ko.” Naiinis na sagot niya sa telepono.

“Ang damot mo naman! porke’t nakapag-asawa ka lang ng kano at nakapunta sa ibang bansa kala mo kung sino ka!” Sagot nito sabay baba ng telepono.

Ipinakalat pa ng kaniyang kuya ang kanilang naging pag-uusap at pawang nagalit na din ang kaniyang mga kamag-anak, nariyang pinadalhan siya ng mga ito ng masasakit na salita.

“Damot mo Shiela! Magkalimutan na tayo!” text ng pinsan niya.

“Kala mo kung sinong mayaman, dati ka ring dukha!”

“Lamunin mo yang pera mo!”

Ilan lamang ito sa mga padalang mensahe ng kaniyang mga kamag-anak. Nagagalit na naiiyak si Shiela, hindi na nga nila nagawang magpasalamat sa lahat ng kaniyang naitulong ay nagawa pa nilang sumbatan siya.

“They are angry with me now, they think I’m greedy.” Wika niya sa asawa.

“Don’t worry love, I’ll always be here for you.” malambing na sagot nito.

Mabuti na lamang at napakabait at maunawain ng kaniyang asawa. Tinawagan niya rin ang kaniyang ina upang linawin ang mga bagay-bagay rito at ipaliwanag ang kaniyang hinaing.

“O, nagkasagutan daw kayo ng kuya mo.” Bungad nito.

“Opo nay, sila naman kasi, kung anu-ano ang hinihingi sa akin, hindi naman po namin pinupulot ang pera, pinaghihirapan din po namin yung mag-asawa. Kayo po ba ‘Nay, galit kayo sa akin?”

“Nagtampo lang ako anak, pero ngayon ay naiintindihan ko naman na hindi ka namin dapat palaging inaasahan.”

“Salamat nay, wag kayong mag-aalala dahil hindi naman ako hihinto sa pagususustento para sa pag-aaral ng mga kapatid ko, hangga’t hindi sila nakakatapos ay gagampanan ko ang tungkulin ko bilang ate nila.”

Kahit papaano ay gumaan ang kaniyang loob na nagkaintindihan sila ng kaniyang ina. Sa tingin niya ay tama na rin na nailabas niya ang sama sa loob sa kanyang mga kamag-anak dahil nagsihinto na ang mga ito sa panghihingi.

Makalipas ang ilang buwan ay umuwi siya kasama ang asawa upang magbakasyon.

“Kuya, eto na yung sapatos para sayo, pinag-ipunan ko iyan.”

“Salamat Shiela ha, pasensya ka na pala nung nakaraan, nung kinausap ako ni nanay saka lang ako naliwanagan.” sagot nito.

Bukod sa kaniyang kapatid ay nagkaayos na din sila ng kaniyang mga kamag-anak matapos niyang bigyan nila ng mga pasalubong, laking pasasalamat ni Shiela dahil naiintidihan na nila ngayon kung bakit niya nasabi ang mga nabitawang salita noon.

Masaya siyang bumalik sa ibang bansa dahil naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan at nawala na ang bigat na dinadala niya sa kaniyang dibdib.

Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa, walang masama sa paghingi ng tulong ngunit hindi ito dapat na kinakasanayan at ginagawang bisyo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement