Madalas Tuksuhin ng mga Kaibigan Niya ang Dalaga sa Binatang Kinaiinisan Niya; Mauwi Kaya sa Pag-iibigan ang Kanilang mga Naunang Bangayan?

“Ano? Hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya, ‘no!” mabilis pa sa alas kwatrong tanggi ni Tina ng tinukso ang dalaga sa matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Rodgie.

“Chill lang pinsan, edi hindi na kung hindi. Bakit ka ba nagagalit?” natatawa pang-aasar ni Danica sa pinsan niya.

“Oo nga, affected much ‘te?” gatong naman ng bakla nilang kaibigan na si MJ. Natawa na lang din ang iba pa nilang mga kaibigan kasi halos hindi na naman maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa inis.

Galing lang kasi sa break-up si Tina at masyado talaga siyang nasaktan nang iniwan siya ng dating nobyo. Gusto lang din naman siyang pasiyahin ng kaniyang pinsan at ng kaniyang mga kaibigan, kaya katuwaang itinutukso nila ito kay Rodgie, bagay kasi sa isa’t isa ang dalawa.

Katulad ni Tina, sugatan din ang puso ni Rodgie. Bagaman hindi naging sila ng babaeng kaniyang niligawan ng mahabang panahon, labis pa ring nasaktan ang binata ng pinili ng babaeng iniibig na balikan ang ex nito kaysa na sagutin siya. Mahal pa rin daw ng babae ang ex niya at hindi siya nito magawang mahalin.

Parehong nasaktan, at pareho ang mga tanong na naglalaro sa isipan ng dalawa. Ano nga ba ang kulang sa kanila at hindi sila magawang mahalin ng mga taong labis nilang minamahal? Paanong ganun lang kadali para sa kanila na iwanan sila at ipagpalit sa iba?

“Pinsan? Nandito ka ba?” tawag ni Tina kay Danica habang papasok siya sa kwarto ng kaibigan. Laking gulat niya ng makita niya sa loob si Rodgie. Mag-isa lamang ito sa kwarto at naglalaro ng ML sa cellphone niya.

“Oh Tina, nandyan ka na pala. Lumabas muna sila saglit. Bibili lang daw sila ng pagkain natin para sa movie trip natin mamaya. Iniwan na nila ako para daw may kasama ka rito sakaling dumating ka agad,” saad ni Rodgie ng mapansin ang dalaga.

Advertisement

“Ah ganun ba? Sige, dito lang muna ako sa kama,” sagot naman ni Tina sa binata at nahiga sa kama ni Danica. Walang maririnig na ingay sa kwarto kundi ang tunog galing sa paglalaro ni Rodgie ng ML.

“Defeat!” tunog ng cellphone ng binata. Nainis naman si Rodgie kaya pinatay niya na ang cellphone niya.

“Talo kayo?” tanong ni Tina sa binata.

“Oo eh, nakakainis kasi mga kasamahan ko,” medyo naiinis pang sagot ng binata. Tumango lang naman ang dalaga.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago nagsalita ulit si Rodgie, “Malapit talaga kayo sa isa’t isa ni Danica ‘no?”

“Ah oo, sabay kasi kaming lumaki ni ‘insan, kaya siguro ganun,” sagot ni Tina sa dalaga.

“Halata nga eh, nakakatuwa nga kayo,” wala sa sariling komento ni Rodgie habang nakatingin sa larawan ng dalawang dalaga sa may study table nila Danica.

Napansin naman ni Tina na nakatingin ang binata sa larawan nilang magpinsan kaya naman nakwento niya kung ano ang nangyari sa araw nung nasa larawan sila. Yun yung araw na muntikan na silang malunod dalawa ng minsang naligo sila sa beach kasama ang kanilang pamilya.

Advertisement

Nagpunta kasi silang dalawa sa malalim na bahagi ng dagat ng biglang naanod sila palayo at pinulikat. Mabuti na lamang at may dalawang lalaking nakapansin sa kanilang magpinsan, kung hindi ay baka pinaglamayan na sila ng araw ding iyon.

Nakwento rin ng dalaga ang iba pa nilang masasayang alaala ng pinsan niya. Tawa lang sila nang tawa ni Rodgie dahil sa mga kalokohan nila Tina noong mga bata pa sila. Hanggang sa dumating sila Danica at iba pa nilang mga kaibigan.

“Ay wow, close na sila agad!” Pang-aasar pa ni Tina sa dalawa. Kinikilig-kilig pa ang dalaga habang sinasabi iyon.

Nagtingin lamang ang dalawa at sabay na tumawa dahil may naalala sila about kay Danica, mga kalokohan nito ng bata pa ang dalaga.

“Ay wow talaga,” hindi makapaniwalang komento ng dalaga. Hindi inaasahan ni Danica na ganito kabilis ang pagiging magkalapit ng dalawa, bagama’t natutuwa siya para sa dalawa.

Nagsimula na ang magkakaibigan na manood ng mga palabas na piniling panoorin sa araw na iyon. Masaya silang lahat habang nagtatawanan, nagbibiruan at naghaharutan.

Simula rin ng araw na iyon ay naging malapit na sa isa’t isa sina Tina at Rodgie. Habang lumilipas ang mga araw at parati silang magkasama ay mas gumagaan ang loob nila sa isa’t isa. Nalaman din nila na marami nga naman silang pagkakaparehang dalawa, bagama’t may mga pagkakaiba man ay nagagawan naman nila ng paraan dahil ayaw nilang dalawa na nag-aaway sila.

“Tina, pakiramdam ko mahal na kita. Alam kong kaibigan lang din ang hinahanap mo at hindi ka pa handang magmahal ulit, pero handa naman akong maghintay para sa’yo. Maari ba?” kinakabahang tanong ni Rogdie kay Tina. Hinawakan naman ng dalaga ang kamay ni Rodgie.

Advertisement

“Hindi na kailangan, mahal na rin kita Rodge,” naluluhang pag-amin din ng dalaga. Hindi niya kasi inaasahan na mahal din pala siya ng binata.

“Talaga?!” hindi makapaniwalang sigaw ni Rodgie at niyakap ng mahigpit ang dalaga at binuhat habang iniikot-ikot. Napayakap din ng mahigpit si Tina sa binata habang natatawa dahil sa reaksyon nito.

Niligawan ni Rodgie si Tina at makatapos lang ang ilang buwan ay agad din naman siya nitong sinagot. Una nilang sinabihan ang pinsan ni Tina at matalik na kaibigan ni Rodgie na si Danica. Sobrang saya naman ng dalaga dahil sa wakas, nakahanap na din ng dalawang mahalagang tao sa kaniya ang tunay na pag-ibig. Nagsimula man sa tuksuhan, nauwi naman sa masayang pag-iibigan.