Viral ang Isang Nanay Matapos Gamitin ang Sarili niyang Anak upang Manlimos; Nakalulungkot pala ang Kuwento sa Likod nito

Viral ang Isang Nanay Matapos Gamitin ang Sarili niyang Anak upang Manlimos; Nakalulungkot pala ang Kuwento sa Likod nito

InspiringLoveStories

Isang nanay, ginamit ang litrato at video ng anak niyang may sakit upang manlimos!

Viral ngayon ang balitang iyon mula sa social media matapos mag-post ang isang ina ng video at mga litrato kung saan humihingi sila ng tulong pinansyal para sa kaniyang anak na may sakit. Ibaʼt iba ang reaksyon ng mga tao sa naturang viral post. Ang iba ay naaawa, ang iba ay malungkot ang iba naman ay curious habang karamihan sa mga nagko-comment at nagshe-share ay galit.

“Ano ba ‘yan?! Aanak-anak kasi kayo, tapos, hindi pala ninyo kayang alagaan.”

“Asa kayo sa ibang tao. Bakit ayaw ninyong magbanat ng buto?”

“Baka naman fake lang ito? Ginagamit mo pa ang anak mo para lang maka-pera ka.”

Ilan lang ang mga iyon sa mga natatanggap nilang salita mula sa ibaʼt ibang tao na ang nakakalungkot pa ay kapwa niya ina. Ganoon pa man ay ipinagkibit-balikat na lamang ni Lilibeth ang mga iyon, dahil para sa kaniyaʼy kaya niyang makatanggap ng mga ganoong salita mula sa ibang tao, basta mailigtas lamang niya ang kaniyang anak.

“Tama naman sila, wala naman talaga akong trabaho,” tatawa-tawa pang ani Lilibeth sa panganay niyang anak habang pinatatahan niya ito. Umiiyak kasi ito habang nagbabasa ng comments sa kanilang post upang tingnan kung may mga tao bang handa silang tulungan.

“Mama naman, e!” Lalong dumami ang mga butil ng luhang naglalandas sa luha nito. “Paano kayo magtatrabaho? Mama, baldado na ho kayo! Hindi naman kasi nila alam ang totoo, e. Hindi nila alam na may sakit din kayo!” iyak pa ng dalagita habang nakaupo sa tabi ng kapatid niyang nakaratay ngayon sa hospital bed.

Mapait na ngumiti lang si Lilibeth habang nakikita ang pagluha ng kaniyang panganay. Nasasaktan siyang makita itong ganoon, ngunit wala siyang magawa. Wala na silang mga kamag-anak. Wala na rin ang kaniyang asawa, dahil nasa langit na ito ngayon. Isang tindera si Lilibeth ng sampaguita sa daan o ‘di kaya ay sa tabi ng simbahan. Araw-araw, sakay ng kaniyang weelchair ay nagtatrabaho siya, katulong ang kaniyang panganay na menor de edad pa lamang upang makakain lamang silang mag-iina.

Isang malaking dagok sa kanila simula nang siyaʼy mai-stroke na naging dahilan upang siya ay maging baldado. Pagkatapos ngayon, sinundan pa ng pagkakaroon ng sakit ng kaniyang bunsong anak! Nagkaroon kasi ito ng dengue at kailangan nito ngayong masalinan ng dugo.

Ang pagpost na lamang sa social media ang tanging paraan nila upang makahingi ng tulong dahil wala silang napala nang lumapit sila sa lokal na gobyerno ng kanilang lugar. Ilang beses pa kasi silang nagpabalik-balik.

Hindi nga lang talaga ayon sa kanila ang tadhana dahil agad silang pinutakte ng mga taong masama ang iniisip sa kanila, kahit hindi naman nila alam ang totoong kuwento.

Sa sobrang sama ng loob ay naisipan muling magpost ng kaniyang panganay na anak at ilahad ang buong kuwento ng kanilang buhay. Muli itong nag-viral!

Sa pagkakataong ito, tila naman nagbago na ang ihip ng hangin. Mas marami na ang nagtatanggol sa kanila. Unti-unti ay nagkaroon ng mga taong gustong tumulong sa kanilang mag-iina at ganoon na lamang ang kanilang saya!

“Maraming salamat po, Diyos ko!” taimtim na dasal ni Lilibeth habang lumuluha. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan!

Dumating pa sa puntong may ilang malalaking pangalan na ang personal na dumadalaw sa kanilang mag-anak sa ospital upang magpaabot ng tulong pinansyal, pangkabuhayan at para sa pag-aaral ng dalawang bata.

Nasagot ang mga dasal ni Lilibeth. Kahit pa naging masama ang unang bunga ng paggamit nila ng social media ay naging maayos naman iyon sa susunod. Iyon nga lang ay kinailangan muna niyang tanggapin ang masasakit na salita mula sa ibang tao, bago sila makakuha ng mga taong may mabubuting puso.

Naging maayos ang lagay nila pagkatapos ng dagok na iyon. Ang kaunting pangkabuhayan na ibinigay sa kanila ay unti-unting napalago ni Lilibeth hanggang sa magkaroon na siya ng sarili niyang shop para sa mga damit, bilang magaling siyang manahi noon.

Ang dalawa niyang anak ay nag-aaral na rin sa tulong ng mga scholarship na iniregalo ng ilang indibidwal sa kanila noong kasagsagan ng pagiging viral ng kanilang kuwento.

Huwag maging palahusga sa kapwa. Minsan, lingid sa ating kaalaman ang mas malalim na pinaghuhugutan ng pinakasimpleng bagay sa ating paligid. Maging matalino bago ibuka ang sariling bibig.

More Stories