Bagong Lipat na Kolehiyala, Inililihim ang Negosyo ng Pamilya; May Sikreto Pala Siya

Bagong pasok lang si Camille sa kaniyang eskwelahan dahil mula sa isang Chinese School ay lumipat na siya pampublikong sikat na kolehiyo sa bansa.

“Alam mo, pakiramdam ko lang naman mayaman ‘yang si Camille. Kasi kahit tatahi-tahimik ay naghuhumiyaw naman ang mga gamit,” wika ni Lara, kaklase ng babae.

“Kaya dapat kaibiganin natin ‘yan! I-close natin para lagi tayong libre,” saad naman ni Tina isa pang kaklase ng babae. Ginawan nga nila ng paraan para maging kaibigan ang bagong lipat na si Camille sa eskwela at mas lalo pa silang sumaya noong palagi silang nililibre ng babae.

“Camille, ano ba talagang negosyo niyo? Parang ang dami mo kasing pera, baka pwede naman kami mag part-time sa inyo,” biro ni Lara sa dalaga habang

“Naku, basta may negosyo kami at buong pamilya ko ang nagpapalakad nun. Huwag niyo na masyadong alamin pa kasi baka matakot lang kayo,” natatawang sagot ni Camille sa kaibigan.

“Ito naman, huwag mong sabihin na nagtutulak kayo ng ipinagbabawal, alam mo na? Easy money ‘yun ngayon,” sagot naman ni Tina sa kaniya.

“Kayong dalawa, kahit kailan kayo kung ano-ano na lang ang iniisip niyo tungkol sa akin. Basta, may negosyo kami,” baling ni Camille na biglang uminit ang ulo nito at saka bumalik sa kaniyang laptop at nag-aral muli.

Mabait naman ang babae kaya lamang ay sa tuwing tinatanong ng kahit na sino ang tungkol sa negosyo nila ay nagagalit ito.

Advertisement

“Sundan kaya natin si Camille pag-uwi niya? Sumama tayo sa kaniya, kasi hindi ka ba nagtataka sa kaibigan natin? Siya lang ang walang social media at napakamasikreto baka mamaya ilegal ang trabaho ng mga magulang niyan tapos kinaibigan pa natin,” saad ni Lara kay Tina.

“Alam mo ikaw, sige na nga! Nagtataka na rin naman ako pero bakit pa natin kailangan gawin ‘yan? Pero sige na nga!” ani Tina at isinakatuparan na nila ang plano.

Palihim nilang sinusundan si Tina at mga ginagawa nito hanggang sa unti-unting natutuklasan nilang nagsisinungaling lamang ang babae sa kanila.

“Sabi mo sa condo ka nakatira? Alam mo bang matagal na naming alam ang lihim mo, hindi ka naman mayaman at nangungupahan ka lang ng maliit na kwarto. Diyos ko naman, Camille, anong paandar ‘yan? 2016 na, bakit kailangan magpanggap na mayaman?” kompronta ni Lara kay Camille habang nasa isang sulok sila ng silid-aralan.

“Hindi ka pa rin ba aamin? Napansin namin na lagi kang kumukuha ng pera sa mga bayad center, baka naman magsasaka o ‘di naman kaya katulong lang ang mga magulang mo at nagpapadala ng pera sa’yo tapos ikaw nagpapanggap na mayaman dito. Anong klaseng anak ka, Camille? Ayaw ka na namin maging kaibigan, diyan ka na!” baling naman ni Tina sa kaniya sa kontrolado pa rin nitong boses.

Saglit na hinintay ng dalawa ang paliwanag ni Camille ngunit hindi ito nagsalita at mas piniling umiyak na lamang nang tahimik.

“Hindi ka man lang ba aamin? Ayos lang naman sa amin kahit mahirap ka lang, huwag mo nang pahirapan ang mga magulang mo. Hindi na kami magpapalibre sa’yo basta ‘wag na tayo maglokohan, pwede naman ‘di ba, Lara?” dagdag pa ni Tina na ngayon ay mas lumambot ang puso at naawa sa babaeng itinuring niyang kaibigan.

“Mayaman sila pero ako hindi,” mahina nitong sabi.

Advertisement

“Anak ako sa labas,” dagdag pa nito.

“Binibigyan lang nila ako ng pera, para makapag-aral. Simula noong pumanaw ang nanay ko ay nagsimula silang sumuporta sa akin pero ang kondisyon ay hinding-hindi nila ako kikilalanin. Kaya hindi ko masabi kung ano ang negosyo ng mga magulang ko dahil ako mismo hindi ko alam at natatakot akong mahusgahan ako ng maraming tao. Sino ba naman ang katulad kong putok sa buho, walang nanay, walang tatay, anak sa labas at kung ano pa ang pwedeng panglalait na pwede kong marinig,” paliwanag ni Camille habang tumutulo ang kaniyang mga luha.

“Patawarin niyo ako kung hindi ko nasabi sa inyo ang parte na ito ng buhay ko, pero ngayong alam niyo na, ayos lang sa akin na laitin niyo ako,” dagdag pa nito.

“Alam mo ikaw, napaka mo! 2016 na, hindi na uso ang nagpapaliit ngayon! Wala ng inaapi, lahat sumisigaw na ng karapatan at kalayaan kaya huwag mong iyakan kung anak ka sa labas dahil hindi mo iyon kasalanan. Wala kang kasalanan, Camille, kaya ituloy mo lang kung paano mo gustong mabuhay, hindi ka namin didiktahan pero tandaan mo na may dalawa ka na ngayon na kaibigang tanggap ka nang buo,” wika ni Lara saka nagyakap ang tatlo.

Ngayon lamang naramdaman ni Camille na may nagmahal sa kaniya bukod sa kaniyang ina habang humingi naman ng tawad ang dalawa dahil inamin nilang naakit sila sa yaman ng babae kaya ito kinaibigan ngunit handa naman daw sila ngayon na kaibiganin pa rin ito mawala man ang lahat sa kaniya.

Sa huli, sana’y matutunan natin ang huwag manghusga ng kapwa dahil lamang sa nakikita at pinapakita nila. Dahil lahat tayo, may pahina sa buhay natin na ayaw nating basahin at malaman ng iba.