Biglang Todo Suporta ang Babaeng Ito sa Pagpapagawa ng Bahay ng Kaniyang Mister sa Probinsiya, Sa Huli’y Lalabas ang Tunay na Kulay Niya

“Ma, hindi ka ba nagtataka? Bakit biglang pumayag ‘yang si Ate Rose na ipagawa itong bahay natin? Dati lang lagi niyang sinasabi na hindi niya pag-aaksayahan ng pera itong lugar natin,” sabi ni Wena, anak ni Aling Berta.

“Baka dahil nandito na si kuya mo, siyempre gusto niya lang sigurong may magandang matigilan ang asawa niya. Saka pasalamat na lang tayo dahil kahit baldado na at hindi na nakakapagsalita pa ang kuya mo ay hindi pa rin iniwan ni Rose. Kaya ikaw, magpakabait ka! Sundin mo lahat ng utos niya,” sagot ni Aling Berta rito.

“Hala! Ang ganda-ganda ng condo nila sa Pasig pero bakit umuwi sila rito sa Rizal. Alam kong malapit lang pero, wala lang, hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko sa mga taong biglang bumabait,” sagot ni Wena rito at nagkibit balikat na lamang ang dalaga at nagluto na ng pagkain sa mga gumagawa ng bahay.

Matagal nang mag-asawa sina Rose at ang kapatid nilang si Rodel, noon pa plano ng kuya nila na ipagawa ang bahay dahil ito na nga lang daw ang huling naipama ng kanilang yumaong ama. Ngunit nang dahil sa dumaming bayarin at masungit nyang asawa raw ay hindi maisingit ng kanilang kapatid ang pagpapagawa rito. 

“Kuya, anong pumasok sa asawa mo at bakit biglang pinagawa niya ang bahay natin?” tanong ni Wena sa kaniyang kapatid na nakaupo sa wheelchair habang pinupunasan nito ang paa ng lalaki.

“Oo, pala, hindi ka nga pala nakakapagsalita, pero sana nakakausap na kita ulit kasi pakiramdam ko may mali sa nangyayari,” sabi niya pang muli sa kapatid na nagdaan ng dalawang stroke at ngayon ay hirap pang magsalita.

Hanggang sa dumaan ang ilang buwan at ang dating kubo nilang bahay ngayon ay nagkaroon ng sarili nitong ganda, naging bato ang bawat haligi at nagmukhang makabagong bahay na talaga namang hindi katawag-tawag ng pansin.

“Baka tama naman talaga si mama, baka maganda ang intensiyon nitong si Rose, kausapin ko na nga at makapagpasalamat man lang,” wika ni Wena sa sarili at kumuha ng tinapay at tinimplahan din ng inumin ang hipag niya.

Advertisement

Kakatok na sana siya nang marinig niyang may kausap ito.

“Huwag kang mag-alala, malapit na matapos itong bahay at kapag nangyari ‘yun ay sa mas malaking halaga ko pa ito maibebenta. Basta magtiwala ka lang, naplano ko naman na ang lahat. Palalabasin natin na ibinenta ni Rodel ang bahay bago pa man siya nagkasakit at wala nang magagawa ang pabigat kong biyenan at hipag para agawin ang bahay. Bayad na nila ‘to sa pag-aalaga ko sa anak nilang inutil na! Buti na lang talaga, wala kaming anak at mas bata ako kaysa sa kaniya. Iiwan ko rin ito kapag nakuha ko na ang pera,” malinaw na malinaw na narinig iyon ni Wena at mabilis na bumagsak ang hawak niyang baso.

Kaagad na tiningnan ni Rose ang nasa labas ng kaniyang kwarto at nagulat siyang nakita roon si Wena.

“Wena—” nanginginig na sabi ni Rose sa babae.

“T@ng*na mo, Rose! Lumayas ka sa buhay namin bago kita ipakulong!” baling kaagad ni Wena sa babae at sinampal ng malas ito.

“Hindi lang ‘yan para sa akin kung ‘di para sa buong pamilya ko at sa kuya kong minahal ka ng totoo. Demonyo ka! Sakim, gahaman sa pera! Tandaan mo ‘tong sasabihin ko, kahit saan at kahit kanino mo pa ibenta ang titulo ng bahay at lupa namin ay isusumpa kong hindi ka mananalo. Babalatan mo muna ako ng buhay at susunugin kita ng buhay hanggang i-alay na kita kay Satanas!” dagdag pa ng babae at alam niyang sa mga oras na iyon ay lumabas ang galit sa buong pagkatao niya na ngayon lamang naramdaman.

Hindi na nagsalita si Wena at mabilis na umalis. Nagpumilit man itong bumalik at humingi ng tawad sa pamilya ni Rodel ay hindi na ibinigay muli iyon sa kaniya. Lumabas din na matagal nang may kalaguyo ang babae at bahay na lamang ang tanging hinahabol nito sa kanilang kuya. Hindi na nila pinili pang magsampa ng kaso at binalaan na lamang si Rose na huwag nang babalik sa buhay nila kahit kailan.

Ngayon ay sisingsisi si Rose at sa mga desisyon niya sa buhay dahil mabilis lamang ang pangyayari at naubos ang pera niya, iniwan siya ng kanyang kinakasama at ngayon ay mag-isa. Karma na raw talaga ang sumisingil sa lahat ng kasamaan niya.