“Baks, pwede mo ba akong tulungan?” malungkot na wika ni Vince sa kaibigang si Marie.
“Ano ba iyon, beks? Huwag ka nang mahiyang magsabi, wala ka namang hiya! Kunyare ka pa,” ngumunguya at tatawa-tawang wika ni Marie.
“May malaki kasi akong problema, baks. Alam mo naman ang kwento ng pamilya ko ‘di ba? Si Lolo Danny kasi gusto niyang mag-asawa na ako at magkaanak. Kung hindi raw, mangyayari ang gusto niyang ipapagsusundalo niya ako. Gosh! Hindi kaya ng beauty ko ang magbabad sa araw baks at humawak ng mabibigat na baril. Baka ako pa ibala sa kanyon sa sobrang lamya kong gumalaw. Please, tulungan mo naman ako,” nakikiusap na wika ni Vince sa kaibigan.
“Anong gusto mong gawin ko? Ako na lang ang mag-sundalo at ibala sa kanyon? Ganun ba ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Marie.
“G*ga hindi!” wika ni Vince sabay batok sa kaibigan. “Kahit kailan slow ka talagang mag-isip,” naiinis na wika nito.
“Aray ah! Mapanakit ka talagang beki ka. Siguro nga bagay sa’yong magsundalo at ipabala ka na lang sa kanyon para tuluyan ka nang maglaho sa mundo,” wika ni Marie. Kung hindi pa siya sanay sa bunganga ng babaeng ito’y baka dinamdam niya na ang masakit na sinabi nito. Ngunit sanay na sanay na siya sa bunganga ni Marie kaya balewala na lang sa kaniya ang sinabi nito.
“Seryoso kasi Marie, naghahanap ako ng babaeng papayag na aanakan ko. Hindi sa prosesong pang-sosyal kagaya ng ginawa ni Joel Cruz, kung ‘di sa pamamagitan ng mga normal na mag-jowa,” wika nito sabay ngiwi ng mukha.
“Sinasabi mo bang magjo-jowa ka ng babae? Yuck kadiri ka,” tatawa-tawang wika ni Marie.
“Babayaran ko siya ng malaki. Magpapakilala kami sa lolo ko na mag-nobya at nobyo kami tapos, bubuntisin ko siya. Literal na bubuntisin ko as in!”
“As in magjujugjugan kayong dalawa?” putol ni Marie sa nais niyang sabihin sabay tawa ng mapang-asar.
“Tapos kapag nanganak na siya ay pwede na niya kaming iwanan. Bayad ko na siya at wala na siyang karapatang maghabol pa. Kapag nagtanong naman si lolo kung bakit kami naghiwalay ay sasabihin ko na lang na hindi kami magkasundo,” patuloy ni Vince sa pagpapaliwanag.
“Ay! Nakapag-plano ka na pala, beks. Kaso sa tingin mo may papatol kaya sa offer mo?” mayamaya ay tanong ni Marie.
“Kung wala talaga akong ibang mahanap na babae. Bakit hindi na lang ikaw ang kunin ko? Babayaran naman kita baks at saka mas okay na ikaw kasi alam kong hinding-hindi ka magkakaroon ng malisya sa’kin,” nagmamakaawang wika ni Vince.
“Ano! Hoy! Baks, hindi madali ang sinasabi mo. Anong walang mararamdamang malisya ka d’yan? Oo ngayon wala malamang kasi kaibigan kita. Pero hello! Bubuntisin mo ako at jujugjugin mo ako ng bonggang-bongga. Kaya sinong babae ang hindi tutubuan ng malisya sa ganun?” reklamo agad ni Marie. “At saka magpapanggap tayo? Sabagay wala naman akong problema sa pagpapanggap madali na lang iyon, pero ang ‘yong ano… ang hirap beks!” dugtong ni Marie.
“Wala na akong ibang choice baks,” mangiyak-iyak na wika ni Vince.
“Magkano ba ang ibibigay mong pera?” maya-maya ay tanong ni Marie.
Marahas naman na napalingon sa gawi niya si Vince. “Tingnan mo iyan. Umiiral na naman ang pagiging mukha mong pera,” natatawang wika ni Vince kaya nagkatawanan na lang silang dalawa.
“Sige tutulungan kita sa problema mo. Pasalamat ka bukod sa bestfriend kita’y mukha rin talaga akong pera,” birong wika ni Marie sabay tawa. Inabot naman siya ni Vince upang yakapin ng mahigpit. “Uyy! Touchy ka na ah, wala ka pa ngang inaabot sa’kin,” muli niyang biro na tanging hampas lang ang isinagot ni Vince.
Hindi sila nagpakasal dahil wala naman talaga iyon sa plano. Pinaliwanag na muna nilang magli-live-in na muna silang dalawa dahil bukod sa hindi pa sila handa ay wala pa rin kunyari silang naiipon para sa pagpapakasal. Ang unang gabing magkatabi sila sa iisang silid.
“Ano na, beks?! Simulan mo na para mabuntis mo na ako at makapanganak agad,” wika ni Marie.
“Baks, kaya ko ba?” kinakabahang tanong ni Vince.
“Kakayanin mo. Pinasok mo ang problemang ito kaya simulan mo nang gawin ang obligasyon mo para matapos na ang pagpapanggap na ito. Sinasakal ako ng konsensya,” mahina ngunit mariin na wika ni Marie sa kaibigan.
“Sana nga isang beses lang at mabubuo na agad ang bata sa matres ko. Hindi naman jebs ang hinihingi mo sa’kin, kakain lang ako ay mabubuo na agad siya. Maraming beses siyang gagawin kaya dapat ngayon pa lang anuhin mo na ako at pagkatapos ng nine months tsaka mo pa makikita ang resulta,” patuloy na wika ni Marie sa kaibigan.
“Bakit ang tagal pa?” takang tanong ni Vince.
“Anong ini-expect mo? Anong akala mo sa pempem ko? Sili na ura-urada aanghang agad? Jusmiyo Vince, ikaw na lang ang magbuntis para malaman mo,” naiinis ng wika ni Marie.
Sabi nga ng karamihan, sa una lang mahirap. Dahil makalaunan ay nasanay na silang gawin iyon. Makalipas ang isang buwan ay nakita na agad nila ang resulta ng paghihirap nila. Nabuntis nga si Marie at todo alaga naman si Vince dito. Habang lumilipas ang panahon ay natutunan na nilang mahalin ng totoo ang isa’t-isa. Hindi bilang magkaibigan kung ‘di bilang isang tunay na nagmamahalan. Minsan man ay hindi nagtago si Vince ng feelings niya kay Marie, prangka niyang inaamin ang pagmamahal niya rito at ganun din si Marie.
“Paano ‘to? Sabi ko naman kasi sa’yo tutubuan at tutubuan talaga tayo ng malisya sa pinaggagawa natin e,” nakangiting wika ni Marie.
“Wala namang problema dun. Tutal nandito na rin naman tayo kaya bakit hindi na lang natin ipagpatuloy. Apat na buwan na lang ay makikita na rin natin si baby,” wika nito sabay himas ng umbok niyang tiyan. “Kapag nag-edad ng isang taon si baby ay magpapakasal tayo. Ayokong makita kang naglalakad patungo sa altar na malaki ang tiyan. Para kang butengteng ‘di nadumi,” wika ni Vince sabay halakhak.
“Wow! Grabe tawa pa. Tuwang-tuwa ah,” nakasimangot na wika ni Marie.
“Biro lang. I love you Marie, at mahal na mahal ka rin ni papa, baby ko,” kausap naman nito sa tiyan ni Marie.
“Hindi ka manlalalaki ah? Puputulin ko talaga iyang ano mo b*kla ka,” banta ni Marie na tinawanan lang ni Vince.
“Ikaw at si baby na ang buhay ko simula nung araw na pumayag kang magpanggap. Kaya bakit ko sisirain ang samahang nabuo natin sa mahabang panahon. Mawawalan na ako ng asawa, anak at bestfriend pag nagkataon,” nakangiting wika ni Vince sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
Sinong mag-aakalang ang simpleng pagpapanggap ay mauuwi sa panghabambuhay at seryosong pagmamahalan. Komplikado man ang sitwasyon nila ay pinipilit nilang maging maayos iyon. Dahil mahal na mahal nila ang isa’t-isa.