Dahil sa Yaman ng Asawa ay Napahamak ang Babaeng Ito, Manaig Kaya ang Kakayahan Niya Kahit Siya’y Bulag?

Dahil sa Yaman ng Asawa ay Napahamak ang Babaeng Ito, Manaig Kaya ang Kakayahan Niya Kahit Siya’y Bulag?

InspiringMysteryStories

“Allan, mahal ko! Allan! Allan! Bakit hindi ka sumasagot? Bakit may narinig akong putok ng baril? Ano bang nangyayari? Natatakot na ako, mahal ko!” sigaw ni Lisa habang kinakapa-kapa ang mga bagay na kaniyang nadadaanan, isang gabi nang makarinig siya ng putok ng baril sa loob ng kanilang bahay. 

“Wala na ang asawa mo, kawawang bulag na babae! Ayan na siya sa likod mo, duguan at walang buhay, gusto mo na bang sumunod?” patawa-tawang sambit ng lalaking hindi niya kilala, habang naririnig niyang tila naghahalungkat ang mga ito. 

“A-anong kasalanan sa inyo ng asawa ko? Ano bang gusto niyo?” mangiyakngiyak niyang tanong habang kinakapa ang katawan ng walang buhay niyang asawa. 

“Masyado na siyang mayaman, eh, kailangan na niyang magtungo sa kabilang buhay. Kung gusto mo pa mabuhay, sabihin mo na sa amin kung saan nakatago ang mga kayamanan niya!” sigaw nito sa kaniya saka siya nakaramdam ng matulis na bagay sa kaniyang leeg. 

“Kahit anong gawin niyo sa akin, wala akong sasabihin sa inyo!” mangiyakngiyak niyang bulyaw dito. 

“Ah, ganoon?” tugon ng naturang lalaki saka bahagyang diniin ang matulis na bagay sa kaniyang leeg. 

“A-aray ko! Tulong! Tulungan niyo ako!” sigaw niya nang maramdaman ang sakit dulot nito. 

“Pare, maghunos-dili ka, kailangan pa natin ang bulag na ‘yan,” awat ng kasama nito dahilan upang bigla siyang ibalya nito sa pader at itali sa isang upuan. 

Asawa ng isa sa pinakamayamang negosiyante ang bulag na si Lisa. Kahit na siya’y may kapansanan, kakaiba ang talas ng kaniyang isip, pandinig at pandama dahilan upang labis niyang mapahanga ang kaniyang asawa nang minsan siya nitong makabangga sa kalsada. 

Nang malaman nitong siya’y bulag, agad siya nitong tinulungan at doon na ito unti-unting nahulog sa kaniya hanggang sa pakasalanan na siya nito. 

Araw-araw sa buhay nilang mag-asawa, palagi silang nakatatanggap ng mga pagbabanta dahil sa lalong paglago ng kumpanyang tinayo ng kaniyang asawa. Ito ang dahilan upang turuan siya nito na humawak ng baril at kung paano maprotektahan ang kaniyang sarili. 

Takot man dahil wala siyang makita, labis siyang pinalakas ng kaniyang asawa. Wika nito, “Ikaw lang ang makakapagligtas sa sarili mo, mahal, kailangan mong magpakatatag,” dahilan upang lagi siyang maging alerto. 

Noong gabing na ‘yon, ang gabi kung kailan sila dapat lilisan ng kaniyang bahay dahil sa dami ng mga pagbabanta sa kanila, bigla niyang napakiramdamang may ibang tao sa kanilang bahay. Dagdag pa ang narinig niyang putok ng baril dahilan upang agad niyang makumpirmang may hindi magandang nangyayari. 

Agad niyang sinuksok sa likuran ang baril na binilin ng kaniyang asawa at agad na lumabas ng kanilang silid. Doon na niya nalamang ito’y wala na at may mga taong hindi niya kilala ang nakapasok sa kanilang bahay. 

At dahil hindi makita ng mga ito kung nasaan ang milyong-milyong pera ng kaniyang asawa, pilit siyang tinatakot ng mga ito.

Dahil nga sa talas ng kaniyang pag-iisip at pandama, nang minsang maghalughog ang isang lalaki sa tabi niya habang ang kasama nito’y nagtungo sa kanilang kusina upang kumain, naramdaman niyang natagpuan nito ang isang lugar kung saan tinago ng kaniyang asawa ang mga diyamante nito. 

Pagkabalik ng lalaking kumain sa kusina at nagtanong kung may nakitang kayamanan, sagot nito, “Wala, eh, ayaw naman magsalita ng bulag na ‘to,” saka lumabas ng kanilang silid dahilan upang siya’y mapangisi. 

“Bakit ka nakangisi d’yan, ha? Pinaglalaruan mo ba kami?” tanong nito sa kaniya. 

“Tignan mo ang bulsa ng kasama mo, malalaman natin kung sino ang naglalaro sa ating tatlo,” sambit niya dahilan upang agad itong lumabas at kumprontahin ang isa pang lalaki. Tatlong putok na ng baril ang narinig niya pagkatapos no’n. 

Bumalik ang naturang lalaki sa kaniya, dala-dala ang mga diyamanteng nasa bulsa ng walang buhay na kasama. Dito na niya ito inuto at sinabing, “Iyo na lahat ng yaman namin, pakawalan mo lang ako para makapa ko kung saan nakatago ang mga ito.” 

Dahil nga nakuha na niya ang tiwala nito nang isumbong niya ang kasama nito, agad siya nitong pinakawalan. Naramdaman niyang nilapag nito ang hawak na baril sa lamesa habang sinusundan siya nito dahilan upang doon na niya hugutin ang tinatago niyang baril at agad na barilin ang naturang lalaki. 

Nang makapa niyang wala na itong buhay, agad siyang lumabas ng bahay at doon na siya nakahingi ng tulong. 

Labis labis man ang takot at lungkot na nararamdaman niya, laking pasasamalat niya pa rin sa yumao niyang asawa. 

More Stories