Tampulan ng Chismis sa Opisina ang Babaeng Pang-Matanda Manamit, Nakakaiyak Pala ang Pinagdaraanan Niya
Kasisimula pa lamang ni Chariz sa kumpanyang pinapasukan. Malaki iyon at maraming mga branches kaya naman masaya siya at proud. Swerte siya dahil mahirap matanggap rito, talagang sinasalang Mabuti ang mga empleyado.
Pangalawang trabaho niya na ito at sisiguruhin niyang pagbubutihin niya lalo at may dalawa pa siyang nakababatang kapatid na sa kanya umaasa.
Maagang pumanaw ang kanyang ina, ang tatay naman nila ay bigla nalang rin silang iniwan. Hanggang ngayon ay wala na silang balita sa kinaroroonan ng lalaki.
Simple at pala-kaibigan siya kaya maski na bago lang ay marami agad siyang nakasundo.
“”Hi girl, ako si Maine. Goodluck sa first day mo ha,” sabi ng isa niyang ka-opisina.
“Hello, I’m Chariz. Thank you girl,” ngiti niya naman dito.
“If you need any help, or may task na hindi ka pa familiar, feel free to ask me.” pahabol ni Maine.
Tumango naman si Chariz at napangiti, kahit paano ay nababawasan ang kaba niya dahil sa mga mababait na ka-opisina. Maghapon siyang nakatutok sa computer at halos hindi na maglunch sa takot na magkamali. Mahirap na.
Habang tumatagal naman ay naging magaan na ang lahat sa kanya. Kahit paano ay napanatag na siya at nasanay na sa gawain.
Isa sa naging malapit sa kanya ay si Ruth. Magkatabi lamang sila ng table, palabiro ang babae at masayang kasama.
Isang araw habang umiihi si Ruth sa cubicle sa CR ay narinig niyang pinag-uusapan ng dalawang babae si Chariz.
“Alam mo girl napansin ko talaga lima lang ang damit niya,” sabi ng isa.
“Oo girl! Napansin ko rin. Tapos ang baduy pa, hindi marunong mag-match ng colors,” komento naman ng isa na sinundan pa ng hagikgik.
“Saan kaya galing ang wardrobe niya, pamana ng lola niya?” Tapos noon ay naghalakhakan ang dalawa.
Hindi napigilan ni Ruth ang sarili kaya lumabas siya upang ipaalam sa dalawa na narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Tumahimik naman ang dalawang babae at nagbubulungang lumabas ng CR.
Bilang kaibigan ni Chariz, minabuti ni Ruth na kausapin ang kaibigan tungkol dito.
“Chariz, wag sanang sasama ang loob mo. Pero naabutan ko kasi si Maine saka yung kaibigan niya na pinag-uusapan ka sa banyo kanina.” ani Ruth.
“Huh? Ano’ng tungkol sa’kin?” nagtataka namang tanong ni Chariz.
“Ang naintindihan ko kasi ay tungkol ito sa pananamit mo,” at kinuwento ni Ruth lahat ng narinig niya mula sa dalawa kanina.
Napangiti nalang si Chariz at nagtaka ang kanyang kaibigan, “Hindi ka nagagalit?” ani Ruth.
“Hindi naman ako magagalit eh. Kasi totoo naman, halos pare-parehas lang ang damit ko kada Linggo. Nasunugan kasi kami noong nakaraang taon at kasama ang nanay ko sa pumanaw dahil sa aksidenteng iyon. Ang mga damit na ito ang mga tanging naibigay na damit ng tiyahin ko. Medyo matanda na rin kasi siya kaya’t ganito rin ang disenyo,” sabi ng dalaga.
Dagdag pa niya, “Gustuhin ko man bumili ng bagong damit pero talagang nag-iipon pa muna ako, dahil gusto kong mailipat ng bagong bahay ang mga kapatid ko. Hindi naman kasi ganoon kalakihan ang bahay ng tiya ko kaya’t nakikisiksik lang kami roon.”
Natahimik si Ruth at biglang niyakap ang kanyang kaibigan. Maluha-luha siya sa totoong kwento ng dalaga, kaya’t pinuntahan niya agad si Maine at ang kasama nitong babae.
Sinabi ni Ruth ang katotohan sa likod ng baduy na pananamit ni Chariz.
Nang marinig ni Maine ang kwento ni Chariz ay agad nitong pinuntahan ang babae.
“Chariz, pwede ba tayong mag-usap?” sambit ni Maine.
Agad niyang idinagdag, “Sinabi sa akin ni Ruth ang totoo. Humihingi ako ng tawad sayo dahil sa mga pangit kong nasabi. Hindi iyon tama. Sana mapatawad mo ako.”
“Oo naman Maine, wala naman sa akin iyon. Pinapatawad na kita. Pero sana sa susunod ay wag mo itong gagawin sa iba. Kung hindi mo pa alam ang kwento sa likod ng mga pangyayari, iwasan mo na sana ang pagchi-chismis dahil hindi ito nagdudulot ng kahit anong kabutihan,” ani Chariz.
Sumang-ayon si Maine at ang kaibigan niya rito. Nagpapasalamat parin sila sa kapatawaran ni Chariz.
Dahil doon, si Ruth, Maine at ang kaibigan niya ay nag-ipon ng mga damit nila na tiyak pang magagamit ni Chariz at ibinigay nila ito sa dalaga. Ito ang naisip na paraan ni Maine upang makabawi sa dalaga sa kanyang maling nagawa.
Laking pasasalamat naman ni Chariz sa tatlo dahil magaganda pa ang mga binigay nila sa kanya.
Simula noon, ang mga damit na nila ang palagi niyang naisusuot sa opisina. Mula rin noon, ay palagi na silang apat ang magkakasama.