Inday TrendingInday Trending
Ipinagtabuyan Nila Noon ang Kanilang Ama; Napaluha Sila nang Makita ang Sinapit Nito

Ipinagtabuyan Nila Noon ang Kanilang Ama; Napaluha Sila nang Makita ang Sinapit Nito

Masaya ang pamilya nina Lea. Wala na silang ina subalit mahal na mahal naman sila ng kanilang Tatay.

Maliit lamang ang kita nito bilang isang tagalinis ngunit naigapang nito ang pag-aaral ng kaniyang ate at kuya.

Kaya naman hindi nila inaasahan ang isang malaking problema na dumating sa buhay nila.

May mga pulis na pumunta doon, pinaghahahanap ang kanilang ama. Ito raw ang itinuturong suspek sa pagpat*y sa katrabaho nito.

Mabigat ang mga ebidensyang ipinakita ng mga pulis kaya kailangan arestuhin ang kanilang Tatay.

Hindi naman umuwi sa bahay ang kanilang ama kaya hindi nila alam kung nasaan na ito.

Tahimik lamang na lumuluha ang sampung taon na si Lea habang pinakikinggan ang galit na galit na tinig ng kaniyang kuya at ate.

“Wala akong kilalang ama! Hindi mamamat*y tao ang Tatay ko!” matigas na sigaw ng kaniyang Kuya Sandro.

“Hindi siya makakatapak sa pamamahay na ‘to! Kahihiyan siya ng pamilya natin!” bulalas naman ng kaniyang Ate Danica.

“Ate, Kuya. ‘Wag naman po kayong ganyan. Hindi naman po natin alam kung totoo nga ang sinasabi ng pulis. Hinding-hindi naman po gagawin ni Tatay ang ibinibintang nila!” pagtatanggol niya sa kanilang ama.

“Magtigil ka nga, Lea! Hindi mo ba nakita, lahat ng ebidensya ay si Tatay ang itinuturong salarin! Palibhasa paborito ka ni Tatay, kaya hindi mo makita ang tunay na kulay niya!” galit na bulyaw ng kaniyang ate.

Walang magawa ang pobreng sampung taong gulang kundi ang umiyak na lamang. Sa murang edad ay hindi niya pa lubos na maintindihan paanong magagawa ng kaniyang napakabait na ama ang kumit*l ng buhay.

Napapitlag siya nang makarinig ng malalakas na katok.

“Mga anak, buksan niyo ang pinto!”

Patakbo niyang tinungo ang pinto bago pa siya mapigilan ng kaniyang mga kapatid.

Nabungaran niya ang ama na pawis na pawis. Palinga linga ito na tila may kinatatakutan.

“Tatay!” sigaw niya bago yumakap dito.

“Mga anak! May nagpunta bang pulis dito? Hindi totoo ang ibinibintang nila! Nasaksihan ko ang pagpat*y kay Jaime kaya ako ang itinuturo nilang suspek!” paliwanag nito.

Ngunit tila bingi na sa anumang paliwanag ang kaniyang mga kapatid.

“Umalis ka na rito, kung ayaw mong ako mismo ang magdala sa’yo sa pulis!” matapang na pahayag ng kaniyang ate.

“A-anak, paniwalaan mo naman ako. Hindi ko magagawa ang ibinibintang nila! Hindi niyo ba ako kilala?” lumuluhang pakiusap ng kanilang ama. Bakas sa mukha nito ang labis na takot.

“Kailangan ko ang tulong niyo. Kayo ang mga nakapag-aral, hindi naman ako. Kailangan kong mapawalang-sala!” muli ay pakiusap ng kanilang ama.

“Kuya, Ate! Tulungan niyo si Tatay!” maging siya ay halos magmakaawa ngunit ang kaniyang mga nakatatandang kapatid ay pinagtabuyan lamang palabas ng bahay ang kanilang Tatay.

“‘Wag na ‘wag ka nang babalik dito, krimin*l! ‘Pag bumalik ka rito, ako mismo ang tatawag sa pulis na dadampot sa’yo!” walang awang pagtataboy dito ng kaniyang Kuya Sandro.

Si Lea naman ay walang ibang magawa kundi pumalahaw ng iyak habang minamasdan ang papalayong bulto ng kanilang Tatay.

Iyon na ang huling beses na nakita ni Lea ang kaniyang ama.

Makalipas ang anim na buwan ay nakatanggap sila ng tawag sa pulis. Napawalang-sala raw ang kanilang ama dahil nahuli na ang tunay na krimin*l.

Nagsisi ang kaniyang mga kapatid sa hindi paniniwala ng mga ito sa kanilang Tatay. Hinintay nilang bumalik ito sa bahay nila ngunit hindi ito muling nagpakita.

Sinubukan itong hanapin ng kaniyang mga kapatid ngunit bigo ang mga ito. Walang makapagsabi kung nasaan ito lalo na’t hindi naman nila alam kung saan ito nagtungo simula nang palayasin itong ng kaniyang ate at kuya.

Sa loob ng labinlimang tao ay hindi nila alam ang nangyari sa kanilang ama, kung buhay pa ba ito o kung nasaan na ito.

Sinisisi ni Lea ang kaniyang sarili dahil wala man lang siyang nagawa upang ipagtanggol ang kaniyang ama.

Ito rin ang dahilan kung bakit niya pinili na maging isang abogado. Ayaw niya na may mga kagaya pa ng kanilang ama na maparatangan nang walang kalaban-laban.

Kapag araw ng Linggo ay nagtutungo si Lea sa parke malapit sa simbahan. Malayo iyon sa kanilang bahay ngunit madalas siyang dumayo roon. Doon kasi siya madalas ipasyal ng kaniyang ama.

Kasalukuyan niyang minamasdan ang mga batang naglalaro nang dumating ang isang matandang lalaki na palaboy.

“Hala, ayan na ‘yung baliw, batuhin niyo, dali!” sigaw ng isa sa mga bata.

Isa-isa namang dumampot ang mga ito ng bato at pinagbabato ang lalaki.

Narinig niya ang malakas na pag-aray ng matanda.

Taranta siyang lumapit sa mga ito.

“Hoy! Ba’t niyo binabato ‘yung matanda?” nabibiglang sigaw niya sa mga bata na isa-isa nang nagpulasan.

Agad niyang nilapitan ang matanda na noon ay nakasalampak habang pinoprotektahan ang mukha nito.

“Hindi ako, hindi ako! Hindi ako may kasalanan!” umiiyak na bulong nito.

“Si Lea, anak ko ‘yun, maniniwala ‘yun sa akin si Lea,” sabi pa nito.

Nadurog ang puso niya nang makita na tila nanginginig ito sa takot.

Hinawakan niya ang kamay ng matanda.

“Wala na po sila. Wala na pong mananakit sa inyo,” marahang wika niya sa matanda.

Nang makita niya ang mukha nito ay natulala siya. Kahit kasi labinlimang taon na ang lumipas ay hinding-hindi niya na malilimutan ang mukhang iyon.

Malaki na ang itinanda nito, pero sigurado siya na ang matanda ay walang iba kundi ang kaniyang ama!

Napahagulhol siya nang muli itong magsalita. Paulit-ulit.

“Hindi ako ang pumat*y. Maniwala kayo sa’kin, hindi ako.”

“Si Lea, maniniwala ‘yun sa’kin. Si Lea, maniniwala ‘yun sa’kin.”

Niyakap niya ang matanda. Hindi niya alintana ang mabaho nitong amoy at ang nandidiring tingin ng mga tao.

“Oo, Tatay. Naniniwala ako. Naniniwala ako sa’yo.”

Marahil kaya hindi na ito nakabalik ay dahil nawala na ito sa sarili matapos itong hindi paniwalaan ng sarili nitong mga anak.

Nakita niya kung paano nagsisi ang kaniyang Kuya Sandro at Ate Danica nang makita ng mga ito ang sinapit ng kanilang ama. Halos maglumuhod ang mga ito sa kanilang ama, na wala namang ibang alam sabihin kung hindi, “Hindi ako ang may kasalanan. Maniwala kayo sa’kin.”

Ipinasuri nila sa isang espesyalista ang kanilang ama. Maaaring dahil daw sa matinding malnutrisyon kaya bumigay ang pag-iisip ng kanilang ama.

Hindi nito masabi kung may pag-asa pang gumaling ang kanilang ama.

Gayunpaman, hindi sila magsasawang ibuhos dito ang kanilang pag-aaruga at pagmamahal. Lalo pa’t hindi nila iyon nagawa para sa kanilang ama noong mga panahong kailangang-kailangan sila nito.

Habambuhay nilang pagsisisihan ang pang-aabandona nila sa kanilang kaawa-awang ama. Ang taong nagtaguyod sa kanila na tinalikuran nila.

Advertisement