Malaki ang Paniniwala ng Babaeng Ito sa “First Love” Kung Kaya’t Pinilit Niyang Makatuluyan ang Unang Nobyo; Isa Pala Itong Malaking Pagkakamali

Makinis at maputi ang dalagang si Alexa. Karamihan sa kanilang barangay ay talagang hinahangaan siya dahil bukod sa kaniyang ganda ay may katalinuhan din na tinataglay ito. Subalit marami man ang umaaligid, hindi niya ito pinapansin at diretso lamang ang kaniyang tingin sa pangarap na maging isang abogado.

Patuloy man na nagsumikap sa pag-aaral si Alexa, unti-unti itong nagbago habang siya ay nasa kolehiyo. Nakita na kasi niya ang hirap ng buhay at ang maliit na posibilidad na makapagbayad siya ng mga bayarin kung siya ay mag-aaral ng batas. Dahil sa hirap ng buhay, matapos niyang magkolehiyo, agad na nagtrabaho si Alexa sa isang opisina upang mag-ipon muna.

Ngunit sa kaniyang trabaho ay nakilala niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso. Hindi ito kagwapuhan at wala ring regular na trabaho. Naglilinis lamang ito ng mga banyo sa kumpanya na pinagtatrabahuan ni Alexa bilang isa sa kaniyang mga raket.

Una silang nagkakilala dahil natapunan ni Alexa ng mainit na kape ang binatang si Rex. Abala kasi si Alexa sa kaniyang selpon at hindi nakita ang nakaupong si Rex kung kaya’t nagulat siya. Dahil mabuti rin naman ang puso ni Alexa, agad niyang pinahiran ng gamot ang paso ng binata. Simula noon ay lagi silang magkausap dahil palabiro ang binata.

Hindi rin nagtagal ay nakuha ni Rex sa kaniyang mga biro ang dalaga na may maraming manliligaw. Hindi rin naman ito ikinubli ni Alexa sa kaniyang mga magulang at ipinakilala niya ito.

“’Ma, ‘Pa, si Rex po pala, boyfriend ko po,” kinikilig pang wika ni Alexa habang pinapakilala ang kaniyang nobyo. Nagtataka man ang mga magulang kung paano ito napapayag gayong ayaw talaga nito na nagpapaligaw. Subalit dahil mabuti rin ang kaniyang mga magulang, tinanggap nila ng buong puso si Rex at tinuring na para isang anak.

Pagkalipas ang dalawang taon, hindi man naging madali ang naging takbo ng relasyon nina Alexa at Rex, nagpasiya na silang magpakasal. Subalit ang kasalang ito ay labis na kagustuhan lamang ni Alexa.

“Sabi ko naman sa’yo pwede naman tayong magsama kahit hindi tayo kasal,” ani Rex sa kaniayng nobya.

Advertisement

“Siyempre iba pa rin kapag kasal. May singsing tayo at hindi na tayo pwedeng maghiwalay. Naiintindihan mo ba? Ibig sabihin lang ay tayo na talaga hanggang dulo!” nakangiting sambit naman ni Alex sa nobyo.

“Sus. ‘Yan ka na naman sa mga pantasya mo eh ‘no? O siya aalis na ako at may raket pa ako sa kanto,” paalam naman ni Rex.

Dumating na nga ang araw ng kanilang kasal. Lahat ng ginastos ay galing lahat kay Alexa. Subalit sa tuwing may magtatanong, ipinapalabas na lamang ni Alexa na inipon ni Rex ang lahat ng iyon. Lahat naman ay humanga sa kasipagan ng binata kahit na wala naman talaga itong inambag.

Pagkalipas ng dalawang buwan na pagsasama ni Alexa at Rex, unti unting nakilala pa ni Alexa ang ngayon ay asawa na niya. Lagi itong galit sa tuwing uuwi itong lasing at walang pera. Kumukupit din ito sa kaniya nang hindi niya nalalaman at ipinapangsugal ang kaniyang pera. Sa tuwing kinakausap niya ito ay ito pa ang galit at nananakit. May pagkakataong sinusuntok niya sa tiyan si Alexa pati na sa mukha. Subalit anuman ang matanggap na sugat at sakit ng babae, hindi niya magawang isuplong ito.

Isang araw, umiiyak sa tuwa si Alexa nang malaman niyang siya ay nagdadalang tao. Alam kasi niyang ikatutuwa ito ni Rex nang malaki at maaaring magbago na ito. Agad niya itong sinabi sa kaniyang asawa. Ngunit nang umuwi ito, amoy kaagad ni Alexa ang halimuyak ng alak mula rito.

“Nasaan ang ulam? Alexa! Alexa!” patuloy na sigaw ni Rex.

“Nandiyan ah, nakatakip,” sagot naman niya.

“Ulam ba ‘yan? Ulam ‘yan?! Wala ka talagang kwenta!” agad itong nagalit at walang awang pinagsusuntok si Alexa hanggang ito ay duguin. Dahil sa nangyaring ito, dinala sa ospital si Alexa matapos itong mawalan ng malay. Nawala rin ang batang ansa sinapupunan niya dahil sa lakas ng suntok sa kaniya. Ilang saglit pa ay dumating ang kaniyang mga magulang.

Advertisement

“Ano’ng nangyari? Bakit naman nagkaganiyan ka?” nag-aalalang tanong ng mga iyon.

“W-wala po, nadulas ako sa banyo, buti na lang nakita ako ni Rex,” tugon naman niya. Patuloy pa rin ang pagtakip ni Alexa sa asawang puro lamang pananakit ang alam.

Nang sila ay makauwi, tahimik na nag-isip isip si Alexa. Habang nagdadalamhati para sa kaniyang anak, patuloy pa rin ang asawa na nananakit sa kaniya. Ilang buwan muli ang lumipas at nalaman ni Alexa na siya ay nagdadalang tao ngunit naisip ni Alexa na iligtas na ang sarili at ang anak. Habang wala pa ang asawa, kinuha niya ang mga damit at tuluyan nang lumayas sa kanilang bahay.

Namasukan si Alexa bilang tindera sa isang malaking tindahan sa karatig bayan kung saan malayo sa kaniyang pamilya pati na kay Rex. Habang lumilipas ang panahon, mahirap man ay pilit na itinayo ni Alexa ang sarili nang siya lamang mag-isa. Hanggang sa dumating ang araw na nakita niyang siya ay dinudugo. Patuloy na nagsisisigaw si Alexa habang nakahiga sa nirerentahang silid. Patuloy ang pag-iyak ng babae ngunit walang tulong ang dumating hanggang sa bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

Nang siya ay magising, naramdaman niya ang init ng kamay na humahaplos sa kaniya. Pagkamulat niya, agad niyang tiningnan kung naroon pa ang anak sa kaniyang sinapupunan. At nang makita na naroon pa, agad siyang nakahinga nang maluwag. Ngunit hindi napigilang pumatak ng luha ng kaniyang ina habang pinagmamasdan siya.

“Anak, anak ko… ano’ng nangyari sa’yo?” umiiyak na wika nito. Nang makita ang mukha ng ina, agad ring lumuha si Alexa dahil sa hirap na kaniyang dinanas mula nang pakasalan si Rex.

“Alam mo namang hinding hindi ka namin huhusgahan, anak. Nandito lang kami lagi ng mama mo para sa iyo at para sa magiging apo namin,” mahinahon naman ang boses ng kaniyang ama na pinipigil ang luha.

“Sorry po, mama at papa dahil nahihiya po akong aminin sa inyo na nagkamali ako. Patawad po…” lumuluhang sambit naman ni Alexa. Niyakap siya ng kaniyang mga magulang bilang tugon na siya ay tanggap nila nang buong buo.

Advertisement

Hindi naman masama ang kumapit sa relasyong nais nating magtagal. Subalit may mga bagay talagang hindi itinadhana kahit pa anong pilit natin. Mabuti na lamang ay mayroon siyang mga magulang na handa pa ring tanggapin siya anuman ang kaniyang mga naging pagkakamali.