Inday TrendingInday Trending
Kahit Halos Perpekto na ang Misis ay Nagawa pa ring Magloko ng Mister; Matatauhan Siya sa Sasabihin ng Asawa Niya

Kahit Halos Perpekto na ang Misis ay Nagawa pa ring Magloko ng Mister; Matatauhan Siya sa Sasabihin ng Asawa Niya

Araw ng Lunes, may pasok na naman si Adrian sa opisina.

“Naihanda ko na ang pampaligo mo, Adrian pagkatapos mong maligo, handa na rin ang mesa para sa almusal,” wika ni Soledad sa mister.

“Sige, dear,” tugon ng lalaki.

Asikasung-asikaso ni Soledad ang asawa, tinutulungan pa ng babae sa pagbibihis si Adrian.

“O, nilagyan mo yata ng pabango ang kurbata ko,” sambit ng lalaki.

“Kaunti lang naman, eh. Hindi mo kasi ginagalaw ‘yong ibinigay ko sa iyo noong birthday mo,” sagot ng misis.

Hindi lang sa pag-alis ni Adrian ipinapakita ni Soledad ang pagmamahal sa mister, maging sa pag-uwi nito galing sa trabaho ay sinasalubong ng babae ng halik ang asawa.

“Good evening, darling,” anito sabay halik sa pisngi ng lalaki. “Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mong ulam,” saad pa ni Soledad.

Bago yayaing kumain ay hinuhubaran muna ng sapatos ni Soledad ang asawa, dinudulutan ng tsinelas, pinupunasan ng pawis at binihihisan ng pamalit na damit. Sa pagtulog naman aymas lalong mapagmahal ang babae, walang maaaring ipintas kay Soledad.

“Mahal na mahal kita asawa ko, hmppp,” malambing na sabi nito saka dinampian ng masuyong halik sa labi ang lalaki.

Alam na alam ni Adrian na hindi siya nagkamali sa pinili niyang babae. Lahat na yata ng magagandang katangian ay taglay na ng kaniyang kabiyak.

“Napakasuwerte ko talaga, maganda na ang asawa ko’y mabait at malambing pa,” sabi ni Adrian saka ginantihan din ng halik ang misis.

“Binobola mo na naman ako, eh,” sagot ni Soledad.

Kapag may overtime si Adrian ay matiyaga ring naghihintay si Soledad hanggang sa umuwi siya sa bahay.

“Nakatulog na siya sa paghihintay sa akin,” bulong niya sa sarili nang maabutan ang asawa na nakaupo sa sofa at natutulog.

“Soledad! Soledad! Wake up!”

“O, narito ka na pala! Naidlip pala ako, pasensya na…sandali at ipaghahain kita,” wika ng babae.

“No, huwag na, dear. Kumain na ako sa opisina. Ipagpatuloy mo na ang pagtulog mo sa kwarto,” aniya.

Isang araw, kaaalis lamang ni Adrian nang may nakuhang maliit na kahon si Soledad sa bulsa ng pantalon ng mister.

“Ano kaya ang laman nito?”

At nang buksan niya ang kahon…

“Kay gandang singsing at mukhang mamahalin! Hmmm…anniversary ng kasal namin bukas. Baka ito ang sorpresa niya sa akin,” excited na sabi niya sa isip.

Mabilis na ibinalik ni Soledad ang kahon sa pinagmulan nang may kumatok sa pinto. Bumalik si Adrian.

“O, bakit? May nakalimutan ka ba?” tanong niya.

“Oo, ‘yung hinubad kong pantalon, nasaan?” sabi ng lalaki.

“Nasa kwarto. Hindi ko pa naisasama sa maruruming labahin. Bakit?”

“Naiwan ko kasi ang susi ng sasakyan,” anito.

At nang muling makaalis ang mister ay binalikan ni Soledad ang pantalon.

“Wala na rito. Kinuha niya ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Talagang gusto niya akong sorpresahin,” sambit niya sa sarili.

Ngunit hindi ang singsing na iyon ang natanggap niya sa asawa nang sumapit ang anniversary nila kaya nagtaka siya.

“Hikaw? Pero kanino niya ibinigay ang singsing na iyon?” naguguluhang sabi niya.

“Ano? Nagustuhan mo ba?” tanong ni Adrian.

“O-oo. Maganda, i like it,” sagot na lamang niya.

Hindi na natanong pa si Soledad. Hindi na siya nag-usisa, ayaw niyang maghinala kay Adrian.

“Baka naman para sa birthday ko iyon. Malapit na rin naman ang birthday ko kaya baka ‘yon ang sorpresa niya.”

Ngunit, nang sumunod na araw ay isang sobre na naglalaman ng sulat ang nakita niya sa bulsa ng pantalon ng asawa at ikinagimbal niya ang nakasaad doon.

“I like the ring, sweetheart. Huwag kang pumasok bukas nang magkasama naman tayo ng matagal-tagal – love Gemma.

“Diyos ko!”

Nanlambot ang buong katawan ni Soledad nang mabasa ang nilalaman ng sulat. Umiyak siya nang umiyak at tumawag siya sa opisina ng mister, tinanong niya kung pumasok ito ngunit…

“Hindi po siya pumasok ngayon,” sabi ng ka-trabaho ni Adrian.

“Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang sa kaniya para gawin niya sa akin ito?” lumuluhang sabi niya sa isip nang ibaba ang telepono.

Samantala, kakatapos lang na makipagni*g ni Adrian sa kabit niyang si Donna. Nakilala niya ang babae sa bar na palagi niyang pinupuntahan. Dahil maganda rin ang babae tulad ng asawa niya ay madali siyang nahulog dito at nagkaroon sila ng lihim na relasyon. Mayamaya ay biglang may naalala ang lalaki.

“O, bakit sweetheart?” tanong ng kulasisi niya.

“Ang sulat na ipinadala mo sa opisina kahapon, naiwan ko sa pantalon ko,” sagot niya.

Tumawag si Adrian sa bahay para itanong sa asawa kung nilabhan na nito ang pantalon subalit laking gulat niya sa isinagot ng misis.

“Kung tungkol sa sulat ang itinawag mo rito, Adrian, nabasa ko na iyon. Tumawag ako sa opisina mo at alam ko kung nasaan ka ngayon. Nakapagpasiya na ako, kung hindi ka na masaya sa akin ay ibinibigay ko na ang iyong kalayaan. Mahal kita, Adrian kaya ako na ang magpapaubaya,” makahulugang sagot ng babae saka ibinaba na ang telepono.

Sa tinuran ng asawa ay biglang nahimasmasan si Adrian. Napagtanto niya na maling-mali ang ginawa niyang pagtataksil kay Soledad. Bigla tuloy niyang naalala ang lahat ng kabutihan at sakripisyo nito sa kaniya.

“Hindi deserve ni Soledad ang panlolokong ginawa ko. Napakabuti niyang babae at asawa sa akin. Diyos ko, bakit ko ito nagawa?” lumuluhang sabi ng lalaki.

Nakipagkalas siya kay Donna at binalikan ang asawa. Paluhod na niyakap ni Adrian si Soledad, nagmamakaawa, lumuluha.

“Patawarin mo ako, Soledad! Hinding-hindi na ako matutukso. Sumusumpa ako, sumusumpa ako. Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko,” hagulgol niya.

Dahil mahal na mahal pa rin ni Soledad ang mister ay binigyan niya ito ng ikalawang pagkakataon lalo na’t….

“Tumahan ka na, Adrian. Kung hindi lang kita mahal at kung wala lang buhay na nabuo sa aking sinapupunan ay hindi kita mapapatawad. Sana’y tuparin mo ang iyong pangako sa harap ng ating magiging anak,” hayag ng babae.

“Totoo ba? M-Magkaka-baby na tayo?!” gulat na sabi ni Adrian.

Tumango si Soledad. ‘Oo, Adrian. Tatlong buwan na akong nagdadalantao. Nahilo ako kanina kaya nagpa-check up ako sa doktor at ang sabi’y buntis ako. Magiging ama ka na.”

Lumuluhang hinalikan ni Adrian ang tiyan ni Soledad. “Ipinapangako ko sa iyo at sa ating magiging anak, magbabago na ako para sa inyo. Salamat, Soledad sa ikalawang pagkakataon, salamat,” sinserong sambit ng lalaki.

“Umaasa ako, Adrian. Umaasa ako,” tanging tugon ni Soledad.

Mula noon ay kinalimutan na ng mag-asawa ang nakaraan at hinarap ang kasalukuyan kasama ang kanilang anak. Nang isilang ni Soledad ang panganay nila ay mas naging matibay ang kanilang pagsasama at ang kanilang pamilya.

Advertisement