Inday TrendingInday Trending
Tinulungan ng Babae ang Nangangailangang Kapitbahay; Ito Pala ang Kaniyang Magiging Tagumpay

Tinulungan ng Babae ang Nangangailangang Kapitbahay; Ito Pala ang Kaniyang Magiging Tagumpay

“Sandra?” Kumatok si Aling Sita sa ng kapitbahay nilang si Sandra, alas diyez pasado na ng gabi.

“Oh, Aling Sita, bakit po?” bungad naman ni Sandra nang mapagbuksan ang kaniyang may katandaan nang kapitbahay. Pupungas-pungas pa siya sa kaniyang mga mata, dahil naalimpungatan lamang siya mula sa pagkakahimbing dahil sa mga katok nito.

“ʼNe,” nayuyukong umpisa ng matanda. “Baka may extra ka riyan, baka puwedeng makahiram sa iyo kahit singkuwenta pesos lang. Hanggang ngayon kasiʼy hindi pa kami kumakain ng mga bata,” dagdag pa nitong tinutukoy ang kaniyang mga apo.

“Hala! E, halos hating gabi na ho, ah? Sandali lang hoʼt kukuha ako. Pasok po muna kayo, Aling Sita.” Agad na nakaramdam ng awa si Sandra sa matanda.

Dumiretso siya sa kaniyang kusina at agad na kikuha ang iniluto niyang pritong manok kanina na hindi naman niya naubos, dahil napadami pala ang pagbili niya. Balak na lang sana niyang ialmusal ito bukas, ngunit minabuti na lamang niyang ipamigay ito sa kaawa-awang kapitbahay. Ibinalot niya iyon kasama ng kaning natira din sa kaniyang kaldero kanina. Awang-awa siya sa matanda na mukhang gutom na gutom na ngunit tinitiis lang ang gutom kahit na nagpapadede pa ito ng bunsong anak.

“Aling Sita, heto ho, oh. Magsasaing pa sana ako kaya lang ay mukhang gutom na kayo, kaya ininit ko na lamang po ang ulam at kanin. Malinis naman po ito,” sabi ni Sandra kay Aling Sita sabay abot ng ibinalot niyang mga pagkain. Inabutan niya rin ito ng pera. “Huwag na po ninyong bayaran ʼyan.”

“Salamat, Sandra. Malaking tulong ito sa amin,” maluha-luha pang pasasalamat ni Aling Sita sa kaniya.

Mag-isa lamang si Sandra sa bahay. Wala naman kasi siyang pamilya dahil lumaki lamang siya sa ampunan. Ni hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makatapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, ngunit ganoon pa man ay hindi iyon naging kabawasan sa kaniyang pagkatao, dahil tumanda si Sandra na may mabuting puso at malinis na kalooban.

Mabuti na nga lamang at nakilala niya ang kaniyang naging asawang si Alex. Isa itong anak ng mabubuting negosyante na may kaya sa buhay. Ngunit kahit ganoon, tinanggap nila siya nang buong-buo dahil sa nakikita nilang kabutihan ng puso ni Sandra. Tinulungan siya ng asawa na makabalik muli sa pag-aaral, kaya naman kahit papaanoʼy nakakatulong na siya rito ngayon.

At dahil may sariling kita na si Sandra, na hindi naman pinakikialaman ng kaniyang asawaʼy naging panata na ng dalaga ang tumulong sa mga nangangailangan, lalo na sa kaniyang mga naghihirap na kakilala. Nariyan naman si Alex upang umagapay sa kaniya at nang hindi siya maloko o maabuso.

Isang katok na naman ang gumising kay Sandra at sa asawang si Alex nang araw na iyon. Nang imulat niya ang mga mataʼy saka pa lamang niya natantong umaga na pala. Mabilis silang bumangon upang pagbuksan ng pintuan ang nangangatok. Mukhang kanina pa kasi naghihintay ang taong nasa labas.

“Sandra, ang sabi nga pala ng anak kong si Mira, gusto ka niyang imbitahin sa kaniyang graduation. Bukod kasi sa akin ay gusto niya ring ialay sa iyo ang natanggap niyang karangalan, dahil ikaw ang lubos na tumulong sa amin noong mga panahong nangangailangan kami,” anang nakangiting si Aling Sita na biglang bumungad sa kaniya pagbukas pa lamang niya ng pinto.

Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Sandra at agad na naantig ang kaniyang puso. Nakadama siya ng labis na kasiyahan sa ibinalita ng kaniyang kapitbahay.

“Naku! Maraming salamat po, Aling Sita at kay Mira,” maluha-luhang ani Sandra sa kapitbahay. Sinulyapan niya ang asawang nasa likuran niya at nakangiti rin ito sa narinig.

“Hindi, Sandra. Kami dapat ang lubos na nagpapasalamat sa ʼyo. Kundi dahil sa pagtulong mo sa amin, malamang ay hindi makakapagtapos at magkakamit ng pinakamataas na karangalan ngayon ang anak ko. Asahan mong ipagpapatuloy namin ang mabuti mong gawain,” umiiyak nang ani Aling Sita noon dahil sa sobrang tuwa, sabay abot sa kaniya ng invitation para sa graduation ng anak.

Masayang-masaya si Sandra sa narating ng isa sa kaniyang mga natulungan. Naging magaling at ganap na kasing businesswoman ang anak ni Aling Sita na ngayon ay tumutulong na sa mga nangangailangan. Ipinagpapatuloy nito ang kaniyang sinimulan. Tinupad nila ang kanilang pangako, at iyon ang pinakatagumpay na maituturing ni Sandra sa kaniyang buhay.

Advertisement