Pinaglaruan ng Binata ang Isang Food Delivery Boy Para sa Prank; Hindi Niya Inaasahan ang Karmang Bumalik sa Kaniya

Kilala si Ricky na pilyo at mapagbirong binata. Kung minsan ay hinahabol pa siya ng dos por dos ng kanyang ina dahil samga ginagawa nitong biro. Para sa kaniya ay prank lamang ang mga iyon at katawa-tawa.

Bagot na bagot na siya sa bahay at wala nang mapaglibangan dahil GCQ pa sa kanilang lugar. Hindi naman siya maaaring mag gala sa mall o kung saan-saan dahil mahuhuli siya.

Dala ng kabagutan, nakaisip siya ng isang prank na akala niya’y lubos niyang ikatutuwa, iyon pala ang magiging dahilan upang matutunan niya ang isang napaka-importanteng aral.

Sa kanilang kalye ay mayroong lumang bahay na wala nang nakatira. Mga ilang taon na rin iyong bakante at kinatatakutan, dahil inaakalang haunted house iyon.

“Mama, may pupuntahan lang ako saglit! Diyan lang sa tropa ko sa kalapit bahay, uuwi din ako!” sigaw ni Ricky habang pinapaandar ang kanyang motor.

Nagtungo si Ricky sa bakanteng bahay at inilabas ang kanyang cellphone. Ngingisi-ngisi niyang binuksan ang isang application para sa kilalang food delivery service.

Binago niya ang pangalan doon at iniligay ang lugar kung saan nakapwesto ang bakanteng lote.

“Paniguradong iyak tawa itong magde-deliver na ito,” natatawang sabi pa ng binata.

Advertisement

Nag-book siya ng napakaraming pagkain at inumin doon. Umabot ng halos limang libo ang halaga ng mga in-order niya.

Nais niyang paglaruan ang mga kawawang rider na nagde-deliver ng pagkain sa isang food application.

Pinindot niya ang “order” button at nakatawang inintay na dumating ang magde-deliver.

“Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nakita niyang sa haunted house nagbook ang customer niya?” hagalpak na tawa pa ng lalaki.

Sa may sulok at ‘di kalayuan, nagtago si Ricky upang panoorin kung anong gagawin ng rider.

Makalipas ang halos dalawampung minuto ay dumating na ang rider. Baka sang pagod sa mukha nito sa dami ng order na dala. Halos hindi na nga kumasya sa kamay nito ang mga plastic bags na dala.

Pin*tay ni Ricky ang kanyang cellphone upang hindi ma-contact ng rider. Tawa siya ng tawa habang pinapanood ang rider na kumakatok sa bakanteng bahay.

“Tao po? Tao po!” sigaw ng rider. “Andito na po ang orders niyo. Tao po!”

Advertisement

Hindi mapigilan ni Ricky ang tumawa dahil sa prank na ginawa. “B*bo ang p*ucha!” saad pa ng binata.

Halos limang minuto nang nakatayo ang rider sa gate nang may kapitbahay na lumabas.

“Kuya, sino po hinahanap niyo riyan? Baka mali po kayo ng address na pinuntahan. Matagal nang bakante iyan bahay, magmula noong pumanaw iyong matandang may-ari,” saad ng isang babae.

“P-po? Nako, ma’am paano po kaya iyon? Napakarami pa naman po nitong order sa akin. Lahat po ng kinita ko, ipinambili ko po nito. Nagpapagatas po kasi ako ng anak tapos may sakit pa ang asawa ko, hindi po maaaring pabayaan ko lamang ito. Wala pong kakainin ang mag-ina ko,” napaluha ang kaawa-awang rider dahil sa nangyari.

Si Ricky naman ay binuksan muli ang cellphone binidyuhan pa ang pag-iyak ng rider dahil sa kanyang kawalanghiyaang prank na ginawa. Ngunit habang nagbibidyo ay may tila ba kakaibang siyang nahagip.

Tila ba imahe mula sa bukas na bintana ng lumang bahay. Muli niyang itinutok doon ang camera at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

Itinago niya ang cellphone at saka kinusot-kusot ang mata. May nakatayong babae sa may bintana ng lumang bahay. Wala itim ang mga mata nito at nakatingin sa direksyon kung saan siya nakatayo.

Nangilabot si Ricky at agad na pinatakbo ang motor. Mabilis siyang nagpatakbo dahil sa takot na nararamdaman.

Advertisement

Tila ba sinuwerte naman ang kaninang umiiyak na rider. Hindi niya alam na doktor pala sa isang kilalang ospital ang babaeng lumapit sa kanya. Papasok na sana ito para mag duty nang mapansin siya nito.

“Kuya, mukhang napag trip-an ka nang kung sinuman nag-book sa food application. Ang mga tao talaga ngayon, wala nang magawa sa buhay,” tila inis na sabi ng doktor.

“Totoo po ma’am. Kaya kahit kaming nagtra-trabaho ng maayos, naapektuhan pati sa mga kalokohan nila,” malungkot na saad pa ng rider.

“Wag kang mag-alala kuya, ako na ang bibili ng lahat ng iyan. Sakto, birthday ko ngayon. Ipapamigay ko sa mga kasamahan ko sa trabaho. Wag ka nang malungkot ha? Ako na ang bahala,” nakangiting sabi ng babae.

“Talaga po, ma’am? Nako, maraming salamat po!” biglang naipinta naman ang malalaking ngiti sa mukha ng rider.

“Oo, kuya. Akin na iyong resibo at nang mabayaran ko na.”

Iniabot ng rider ang resibo. Kumuha ang doktor ng pera sa dalang bag at ibinigay sa lalaki.

“Ma’am, sobra po ata ito,” saad ng rider at saka iniabot ang sobrang dalawang libong piso.

Advertisement

“Para sa’yo talaga iyan, kuya. Alam kong napakahirap kitain ng pera ngayon. Hindi mo deserve na paglaruan ng ganyan. Tanggapin mo na iyan bilang regalo ko sayo at sa pamilya mo. Ipangdagdag mo sa pambili mo ng pagkain,” pahayag pa ng doktor.

“M-ma’am, maraming salamat po! Sobrang laking blessing po nito. Pagpalain po nawa kayo!” mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki.

Tinulungan ng lalaki na buhatin ang mga pagkain papunta sa sasakyan ng doktor. Masaya sila nagpaalam noon sa isa’t isa. Napaglaruan man dahil sa isang prank, tila ba binalik naman ng doble-doble ng Diyos ang biyaya sa masipag na rider.

Sa isang banda naman, hindi naging maganda ang balik ng ginawa ni Ricky. Habang paspas na nagpapatakbo ng motor dahil sa takot, hindi sinasadyang bumangga si Ricky sa isang poste dahil nawalan siya ng kontrol sa minamaneho.

Napakalakas ng pagkakabangga ni Ricky, dahilan upang magkaroon siya ng malaking pinsala sa katawan. Naoperahan si Ricky at sa kasamaang palad, pinutol ang kanyang kanang paa.

Dahil sa kagustuhang paglaruan ang kapwa, siningil si Ricky ng doble-dobleng karma. Hindi niya inaasahang ang akala niyang katuwa-tuwa para sa kanya ay magiging mitsa pala para mawalan siya ng isang paa. Magsisi man siya, huli na ang lahat. Grabeng aral ang iniwan sa kanya ng pangyayaring iyon.

Tunay ngang ang masamang ating ginagawa ay babalik rin sa atin. Sabi nga sa Bibliya:

“Ang taong walang kwenta at taong masama, kasinungalingan, kaniyang dala-dala. Ang mata ay ikikindat o kaya’y ipipikit, ikukumpas pa ang kamay upang ika’y maakit. Ngunit sa sarili ay may masamang iniisip, ang nais niya ay manggulo sa paligid. Dahil dito, kapahamakan niya’y biglang darating, sa sugat na tatamuhi’y hindi na nga siya gagaling. – Kawikaan 6:12-15”

Advertisement

Maging maingat sa ating mga gawain. Lalo na kung ito’y labis na makasasakit o makakasama sa iba, dahil ang bato na ating ibinato ay siya ring bato na ihahagis pabalik sa atin.