Laki sa Yaman ang Ginang Kaya Naman Kinakahiya Niya sa mga Kumare ang Minimum Wage na Sahod ng Mister, Nagulantang Siya nang Malaman Kung Gaano Pala Siya Kayamang Misis
Namomroblema na naman si Vivian. Magrereunion na naman kasi sila ng mga kumare niya bukas. Wala pa siyang susuotin bukas. Naiinis na siya sa asawa niya, noong isang araw niya pa kasi binilin ‘yun hanggang ngayon ay wala pa din. “Speaking of the devil…” nakita niya ang asawa na nagpupunas ng mukha. Marahil ay kakatapos lang nito maghilamos at nagre-ready na sa pagtulog. “Goodnight, mahal..” paalam pa nito sa kanya na lalo niyang kinainis. Nagdabog siya na kinagulat ng asawa, “Bakit mahal?” “Wala!” Natahimik ito saglit, maya-maya’y nilapitan siya, “Sorry na mahal, alam ko namang masama ang loob mo sa akin dahil hindi ko pa nabibili ‘yung damit na gusto mo.” “Buti alam mo!” “Humingi kasi ng pang-project si Nene kanina–” “Bakit ‘di mo kasi subukang maghanap ng trabahong may mataas-taas naman sahod. Factory worker? Anong mapapala namin sa minimum wage mong sahod? Lumalaki ang pamilya natin Fred.” “Sorry ulit mahal, pangako pipilitin kong makapasa sa hiring sa Taiwan,” tila maiiyak na si Fred. Nanliliit siya sa tuwing sinasabi ito ng asawa. Ngunit hinahayaan niya nalang dahil mahal na mahal niya ang ina ng mga anak. Kinabukasan ay nakipagkita na si Vivian sa mga kaibigan. Nahihiya siya dahil suot na naman niya ang damit na sinuot niya noong huling pagkikita nila. “Vivian, same dress?” tanong ng kumare. Sinasabi na nga ba niya. Nagsimula silang kumain at magkwentuhan. “Kamusta na kayo mga mare? Ang mister ko nga pala nakasampa na ulit sa barko. Tiba-tiba na naman ako.” Tawanan silang magkakaibigan. Maya-maya’y napunta ang atensyon sa kanya, “Ikaw Vivian kamusta na ang mister mo?” Hindi siya makapagsalita, “Ah kasi…” “Supervisor pa rin ba siya sa company nila? O baka naman napromote na?” tanong ni Annie ang pinakamayaman nilang kaibigan. “Hindi pa, pero sabi niya malapit na. Baka ipadala siya sa Taiwan pag naging manager na siya.” “Oh, that’s great! Marami ka na namang pang-shopping girl!” Maya-maya’y napansin nila ang kaibigang si Lovely na naiiyak. “Oh bakit, Love?” tanong niya sa kaibigan. “Hindi ko na kayang itago sa inyo mga mare,” naiiyak na pahayag nito. “Ang alin?” curious na tanong ni Annie. “Yung mister ko kasi matagal na kong niloloko.” Gulat ang lahat sa binunyag ni Lovely. Palagi kasi nitong kinukwento noon kung gaano ka-loyal at kabait ang asawa. Yun pala’y kabaligtaran na ang ginagawa sa kanya. Nagdamayan silang magkakaibigan. Ilang sandali pa’y tila nahawa si Emilia at may isiniwalat rin sa kanila. “Ako naman ‘yung asawa ko, alcoholic, gabi-gabi akong sinasaktan.” “Ako nga ‘yung sa akin kung sino-sino na rin ang kinakalampungan sa tuwing sumasampa ng barko eh.” “Yung asawa ko naman ubod ng sugarol.” Nagulat si Vivian sa pahayag ng mga kaibigan. Hindi siya makapaniwala. Naisip niya ang asawa. Ang buong-akala niya’y siya ang pinakamalas na asawang natagpuan. Yun pala’y siya pa ang pinakaswerte sa lahat. Nagsisi siya sa lahat ng nasabi sa asawa. “Mauuna na ako mga mare…” paalam niya sa mga kaibigan. Naalala niya ang asawa. Narealize niyang hindi man nito maibigay ang lahat ng gusto niya, mayaman naman pala siya sa pagmamahal at respeto mula sa asawa. Agad siyang sumakay ng jeep pauwi ng bahay. Hihingi siya ng tawad sa asawa at mangangakong makukuntento sa kung anumang ibigay nito sa kanila. Mamahalin niya ito nang totoo at hindi na kailanman ikakahiya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.