Inday TrendingInday Trending
Hinamak at Niyurakan ang Pagkatao ng Isang Binatang Tagalinis ng Kanal, Nagsilbing Motibasyon Iyon Para Makaahon Siya sa Imburnal Niyang Buhay

Hinamak at Niyurakan ang Pagkatao ng Isang Binatang Tagalinis ng Kanal, Nagsilbing Motibasyon Iyon Para Makaahon Siya sa Imburnal Niyang Buhay

“Ano ba naman ‘yan, Bryan maligo ka naman, ke-baho baho mo, naaamoy ng mga anak ko!” Sikat si Bryan sa kanilang lugar hindi dahil sa pagiging artistahin o mayamang tao sa barangay nila kundi dahil sa tila sinumpang kahirapan ng kanyang pamilya. Kapos sila palagi sa pera dahil ang tatay niya ay isang barker ng mga jeep sa waiting shed at ang nanay nya naman ay tindera ng candy at sigarilyo pwesto nito malapit sa kalsada. Pagkagaling sa eskwela ay naglilimas siya ng poso negro ng kapit bahay para kumita ng kaunting pera at ibigay sa kanyang mga magulang.Palagi siyang niloloko ng mga batang kaedaran nya dahil sa trabaho niyang ito. Mabaho daw kasi siya at palaging marungis. Ngunit imbis na manliit sa sarili ay mas naging matatag pa siya lalo para labanan ang mga panunukso ng mga ito. Dahil ang nasa isip niya, kesa naman magnakaw o gumawa ng masama ay mas mabango pa sa tingin ng mga mababait na tao ang kanyang ginagawa. Isang gabi, katatapos lang maglinis ni Bryan ng kanal na dinayo niya sa kabilang barangay. Nagulat siya nang marinig na may nagsisigawan na tao–nasusunog na pala ang isang bahay. Agad lumaki ang apoy dahil sa lakas ng hangin, dali-dali siyang tumakbo at kumuha ng timba. Tumulong siya mga tao na kapwa-nagbubuhos ng tubig sa nasusunog na bahay. Nang medyo maapula ang apoy napansin niyang tila may anino ng tao sa loob. Agad niya itong pinasok at nakita si Aling Nancy na umuubo at tila mahihimatay na dahil sa usok. “Salamat hijo, anong pangalan mo?” “Bryan po.” Pagkatapos noon ay nahimatay na ang matanda. Kinabukasan ay agad na hinanap ni Aling Nancy si Bryan. Magpapasalamat siya ito sa pagligtas ng kanyang buhay. “May kilala po ba kayong Bryan?” tanong niya sa isang matabang babae habang dine-describe ang lalaki. “Ah, si Bryan? Yung mabahong tagalinis ng kanal? Doon ang bahay–” napatigil ang babae nang pagharap niya ay nakatingin na sa kanila si Bryan na kasalukuyan palang naglilinis ng kanal. “Oh, ayan na pala eh. Maiwan ko na kayo d’yan.” Nag-usap sina Bryan at Aling Nancy, nagpasalamat ito sa kanya. Nalaman niyang mayaman pala ang matanda at nagbabakasyon lang ito sa Pilipinas dahil lahat ng mga anak nito ay nasa Guam na. May mga negosyo sila doon at paminsan-minsan nalang sila nauwi sa Pilipinas. Kinabigla niya ang huling sinabi nito, “Gusto kitang pag-aralin, Bryan. Hanggang makatapos ka ng college. Ako na rin bahala sa trabaho mo pagka-graduate mo.” Hindi makapaniwala si Bryan sa mga naririnig. Tinanong niya pa si Aling Nancy kung nagbibiro ito, ngunit walang bakas ng pagbibiro sa mukha nito. Hindi siya binigo ni Aling Nancy, nag-aral rin siyang mabuti upang hindi rin mabigo ang matanda. Hindi na siya nakaranas maglinis muli ng kanal o poso-negro dahil sinusustentuhan rin ng matanda ang pamilya nila. Ilang taon ang lumipas at sa kasalukuyan ay isang taon nalang ang hinihintay niya upang mapetisyon ang mga magulang at makasama na niyang manirahan sa Guam, USA. Laking pasalamat ng mga magulang ni Bryan na hindi ito nagpaapekto sa mga pang-aalipusta sa kanila. Sa halip ay nagsilbi pa itong motibasyon ng binata upang iahon sila sa mala-imburnal nilang buhay noon. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement