Inday TrendingInday Trending
Napahiya ang Barbero sa Isinagot ng Customer Matapos Niyang Ipagdiinan Dito na Hindi Siya Naniniwalang May Diyos

Napahiya ang Barbero sa Isinagot ng Customer Matapos Niyang Ipagdiinan Dito na Hindi Siya Naniniwalang May Diyos

Teenager pa lang si Mark ay nagpapagupit na siya sa barberong si Hansel. Hanggang ngayong may sarili na siyang trabaho ay regular na suki pa rin siya nito, hindi lingid sa kaalaman niya ang pagiging sarado ng utak ng lalaki, kapag nakikipagkwetuhan kasi ito, palaging ito dapat ang tama. “Kuya Hansel, gupit pogi pa rin,” sabi niya rito pagkaupong pagkaupo. “Tagal tayong di nagkita, matagal na humaba ang buhok mo ngayon.” bati nito sa kanya at sinimulan siyang balutin ng tela upang di mapuno ng buhok ang damit niya. Nang magsimula na itong igalaw ang gunting, at pang ahit, ay nagsimula na rin itong magkwento. “Palibhasa malapit na ang mahal na araw, nauso nanaman ang padasal dasal na yan habang iniikot sa mga bahay ang santo, sabi ko sa misis ko, tigilan mo yan hoy nagsasayang ka ng oras diyan.” sabi nito. Tahimik lang naman si Mark at nakangiti, kaya nagtuloy ang lalaki. “Eh bakit kako bulungan kayo ng bulungan diyan eh wala naman talaga yang sinasabing Diyos. Kung mayroon eh bakit mahirap ang buhay aber?” pagpapatuloy nito. “Baka yun naman ang paniniwala nila kuya,” sagot niya rito. Ayaw niyang makipag argumento. “Kalokohan! Tinatanga nila ang sarili, kung may Diyos bakit may batang nagugutom? Bakit may namamatay? Bakit may mga umiiyak at malungkot ang buhay? Kaysa dinadasal dasal nila sana naghanap buhay nalang sila, o di umangat angat pa at nagkapera.” sabi ulit nito na hindi tinatanggap ang katotohanan na lahat ng tao ay may pagkakaiba ng paniniwala. Paulit ulit ang kwento nito hanggang matapos siyang gupitan. “Basta ako, hindi talaga ako naniniwalang may Diyos.”pahabol pa nito sa kanya bago siya lumabas ng gupitan. Hindi pa siya nakakalayo nang matanaw niya ang isang lalaking marungis at mahaba ang buhok, bigla siyang may naisip at bumalik siya sa barbero. “Kuya Hansel, hindi ako naniniwalang may barbero.” sabi niya rito. “Nagloloko ka ba? Kagugupit ko lang sayo kanina!” natatawang sabi nito. “Kung may barbero, bakit may lalaking madungis at mahaba ang buhok, kung may barbero edi sana maganda ang gupit niya!” sabi niya rito na tila inulit lang ang mga linya nito kanina. “Dahil hindi naman sila lumalapit sa akin, kung pupuntahan nila ako edi magugupitan ko sila.” sabi nito habang nagwawalis ng mga nagupit na buhok. “Katulad ng Diyos. May taong nalulungkot, may taong nagugutom, pero hindi ibig sabihin walang Diyos.Hindi lang sila lumalapit at tumatawag sa Kanya.” sabi ng lalaki sabay talikod. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement