Dalawang taon na ang nakalipas nang maikasal si Minda at Roy. Isang engineer ang mister, malaki ang kinikita niya- iyon nga lang ay kung saan-saang lugar siya nadedestino. Ang misis niya naman ay sa bahay lang at buhay donya. Hindi niya na ito isinasama sa pagluwas nya kung saan sila may project dahil ayaw niyang mahirapan ito.
“Honey, one week ako sa Cebu. Palagi mo lang akong tatawagan ha? I-lock ang gate. Ingat ka rito okay?” sabi ni Roy isang gabi.
“Aw, bakit ang tagal naman yata honey?” nakanguso pang sabi ni Minda. Kunwari ay nalulungkot pero ang totoo ay nagdiriwang ang kalooban niya. Nangangahulugan kasi iyon na isang Linggo rin siyang malaya!
“Alam mo na kailangan kong tutukan ang ginagawang building roon. Malaki itong kliyente namin so hindi kami pwedeng pumalya.” sagot ng lalaki, inakbayan pa ang misis.
“Kailan naman ang alis mo?”
“Bukas ng umaga, 5am ay bibiyahe na ako.” sabi ng lalaki, kanina pa pala naka-empake.
Yes! sa isip-isip ni Minda, pero syempre ay hindi niya iyon isina-boses. Sa halip ay naglungkot-lungkutan pa siya, “Ang bilis naman. Paano pala iyong pambili ng bag na ipinangako mo baby?”
“Good thing na ipinaalala mo. Here you go,”
Nakangisi ang ginang habang binibilang ang pera. Lingid kasi sa kaalaman ni Roy, hindi niya naman talaga ito mahal. Pinakasalan niya lamang ang lalaki dahil ma-pera ito, syempre bonus nang may itsura at mabait naman. Wala na nga sana siyang mahihiling pa eh.
Ang problema, ipinakilala nito sa kanya ang kumpareng si Michael minsang umuwi ang lalaki sa Pilipinas. At anak ng patola, mukhang mas mayaman! Palihim niyang inakit ang lalaki na kumagat rin naman, nagningning pa ang mata ni Minda nang bigyan siya ni Michael ng gintong bracelet mula sa Saudi kung saan raw ito may kumpanya.
Hanggang ngayon na nasa ibang bansa si Michael ay tuloy pa rin ang bawal nilang relasyon. Walang tigil sa kalandian si Minda, minsan nga naiisip niyang iwan nalang ang mister at sumama na kay Michael sa ibang bansa.
“Hello? Bakit ba hindi ka pwedeng mag-videocall?” nagmamaktol na sabi ni Minda sa telepono. Tinawagan niya kasi si Michael, kaaalis lang ni Roy papuntang Cebu.
“Eh may trabaho kasi ako. M-May meeting, alam mo naman dito sa Saudi mahigpit ang mga tao sa oras. Hindi pwedeng Filipino time, sige na mamaya na tayo mag-usap.” sabi ng lalaki at akmang ibaba na ang tawag.
“Huy, naman eh. Hindi ba talaga pwede? Ano kasi, miss na kita..” pinalandi niya pa ang tono ng boses pagkasabi noon. Aminin niya man kasi o hindi, parang mas may feelings siya rito kay Michael kaysa kay Roy. Sana nga mas maaga-aga niya itong nakilala, edi sana ito ang pinakasalan niya.
Bumuntong hininga ang lalaki bago pilyong nagsalita, “O sige ganito na lang. Mag-video ka na lang, gusto ko iyong seksi ha? Tapos i-send mo sa akin, papanoorin ko mamaya para naman ganahan ako sa trabaho,”
Malanding humagikgik si Minda,”Game ako dyan.”
Nang matapos ang tawag ay noon niya lang napansin na napakarami na palang message mula sa kanyang mister. Tse, mamaya niya na iintindihin ang lalaking ito. Bumili siya ng alak sa grocery, tatlong bote.
Ininom niya muna ang lahat ng iyon upang lumakas ang loob niya at mas ganahan siya sa video. Kailangan niyang pagbigyan si Michael, pag sinunod niya ang gusto nito ay lalong mapapalapit sa kanya ang lalaki at baka kunin na siya sa ibang bansa.
Isang kapilyahan pa ang pumasok sa isip niya, bumili siya ng talong. Iyon ang gagamitin niya, naku tiyak na gaganahan ang lalaki sa kanya.
Ipinosisyon niya na ang cellphone at vinideohan ang sarili habang kung anu-anong kababuyan ang ginagawa. Tinatawag niya pa ang pangalan ng kumpare.
“Michael, ikaw ang mahal ko. Hindi si Roy.. mula nang makilala kita ay hindi ko na napigil ang damdamin ko. Michael isama mo na ako sa Saudi,” paulit-ulit na sabi niya.
Nang matapos ay isinend niya na iyon sa binata.
Nakatulog si Minda dahil sa kalasingan, nang magising siya ay parang may nakabara sa kanyang pagkababae. Noon niya lang naalala na hindi niya pa pala nakukuha ang talong. Tumayo siya dahan-dahan pero ganoon na lamang ang kanyang pagka-gimbal nang makita ang kalahati ng talong na nasa sahig.
Naputol ito!
“Panginoon! Diyos ko!” sabi niya.
Sinubukan niyang kunin ang kalahati pero hindi niya na maabot. May kung anong masakit rin na nadadali ito sa loob niya, sa sobrang nerbyos ni Minda ay sumugod na siya sa ospital.
Grabe ang kahihiyang inabot niya, hindi man magsalita ang mga doktor ay tila naririnig niya na rin naman ang nasa isip ng mga ito.
Nang makuha ang kalahati ng talong na lumambot na pala sa loob niya ay nakahinga nang maluwag si Minda. Nagulat pa siya nang habang nagpapahinga ay biglang dumating ang kanyang mister.
“H-Honey! Anong ginagawa mo rito?”
Matigas ang anyo nito, “Tumawag ako sa bahay, labandera ang nakasagot at nabanggit mo nga raw sa kanya na pupunta ka rito. Nakausap ko na rin ang mga nurse kanina, nasabi kong mister mo ako.”
Gumapang ang kaba sa pagkatao ni Minda, pero hindi siya nagpatinag. Sinubukan niyang lumusot.
“Honey miss na miss na kasi kita, ano kasi-”
Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil iniangat ng mister ang cellphone na ito kung saan nagpe-play ang video na kinuhanan niya kagabi.
Paanong..?!
“Sa sobrang kalasingan mo, sa akin mo naipadala. Ang isda talaga, nahuhuli sa sariling bibig.”
Tapos noon ay walang imik na itong lumabas ng kwarto. Hindi na bumalik pa si Minda sa bahay nila, ano naman ang pakialam niya sa lalaking ito? Tama lang dahil sasama na siya kay Michael.
Agad siyang nagbook ng ticket gamit ang kaunting pera papuntang Saudi. Naka-tourist visa lamang siya, nais niyang sorpresahin si Michael.
Pero siya ang na-sorpresa dahil isang waiter pala roon ang binata, lahat ng sinabi nito sa kanya ay kasinungalingan. Ang bracelet na ibinigay sa kanya ay ninakaw lang pala sa amo.
Ang pinakamasakit, may pamilya na ito sa Pilipinas. Lulugo-lugong umuwi si Minda, wala na ang lahat sa kanya. Hindi nga siya ipinakulong ni Roy sa pagtataksil niya pero kinasuhan naman sila ng misis ni Michael.
Magsisi man siya, huli na. Ito ang napapala ng mga taong taksil at hindi marunong makuntento.