Inday TrendingInday Trending
Lalaking Iniwan ang Kanyang Misis na Naputulan ng Braso, Laking Gulat Niya nang Sila’y Magkitang Muli Makalipas ang Sampung Taon

Lalaking Iniwan ang Kanyang Misis na Naputulan ng Braso, Laking Gulat Niya nang Sila’y Magkitang Muli Makalipas ang Sampung Taon

Ang mga magulang ni Fred ay pumanaw sa isang aksidente noong siya’y bata pa lamang. Kaya naman kinupkop siya ng kanyang tiyahin, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maganda na ang kanyang buhay.

Mahirap lamang ang kanyang tiya kaya naman minsan ay namamalimos na lamang siya sa kalye para tumagal pa sila ng kanyang tiya ng isa pang araw.

Nang siya’y lumaki, wala siyang pormal na edukasyon at hirap na hirap siyang magkaroon ng trabaho dahil wala rin siyang alam na gawain.

Isa pa’y malapit na siyang mag-trenta kaya wala ring babae ang nagkakainteres sa kanya dahil wala nga naman siyang kahit na ano.

Sa wakas, nakapangasawa siya ng babaeng nagngangalang Vivian.

Hindi man siya ang pinaka-magandang babae sa kanilang lugar, medyo may katabaan, ngunit siya naman ay napakasipag at palaging positibo.

Noong sila’y bagong kasal pa lamang, hindi maganda ang kanilang panimula. Ang unang bahay nila ay halos walang laman at ang mga kinakailangan nila ay hindi mabili. Lumala pa ito nang si Fred ay walang ka-effort-effort man lang para pagandahin ang kanilang pamumuhay.

Maswerte siya dahil ang asawa niya’y hindi katulad niya. Si Vivian na ang nagtrabaho sa isang bukirin. Siya na rin ang naging responsable sa kanilang mga bayarin.

Ngunit, sa kabila ng hirap ni Vivian ay hindi parin sapat ang kanyang sahod maging sa kanilang pagkain.

Minsan, dalawang beses sa isang araw lang ang kain nila. Ngunit mas madalas na halos wala silang makain.

“Hindi pupwedeng palagi tayong ganito. Dapat may gawin din tayo,” ani Vivian sa kanyang asawa.

“Sige lang,” tinatamad na sagot ni Fred.

Nagdesisyon si Vivian na humiram ng pera sa kanyang mga kamag-anak para magbukas ng isang karinderia.

Lumaki ito nang lumaki hanggang sa naging isang napakasikat na restawran sa kanilang lugar.

Sa wakas ay nakabili na rin sila ng bahay at sasakyan!

Ngunit si Vivian lamang ang palaging nagtatrabaho habang si Fred ay tatamad-tamad lamang. Ang tanging gawain niya ay lumagi sa kanilang bahay at humingi nang humingi ng pera sa masipag niyang asawa.

“Pahingi pala kong pera ha, aalis kami ng mga kaibigan ko,” payabang na sambit niya sa kanyang asawa.

“Ganoon ba? Kailangan ko sana ng tutulong sa akin sa restaurant mamaya eh,” sagot ni Vivian.

“Oh e anong kinalaman nun sa paghingi ko ng pera?” sagot ng lalaki.

“Sa’yo sana ako magpapatulong, kung ayos lang,” ani ni Vivian.

“’Sus, ikaw na ang bahala doon, kaya mo na ‘yon,” at sabay alis ng kanyang mister.

Ngunit ang kanilang kasaganaan sa buhay ay hindi rin nagtagal matapos maaksidente ni Vivian.

Pauwi na siya noon nang biglang may malaking truck na sumalpok sa kanyang sinasakyan.

Himala na nabuhay pa rin si Vivian, ngunit kinakailangang putulin ang parehas niyang braso dahil ito’y durog na durog na dahil sa aksidente.

Sobrang lungkot na lungkot siya nang magising siyang wala nang mga braso.

At imbis na siya’y tulungan ng kanyang asawa, ay iniwan siya ni Fred ng malamang wala nang mga braso si Vivian.

“Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao, ‘no! Hayaan na nga lang siya!” sambit niya sa kanyang isip.

Hindi maipaliwanag ang labis na kalungkutan ni Vivian nang mawala ang parehas niyang braso at ang kanyang asawa sa iisang araw lamang.

Kaya naman ilang buwang nagkukulong lamang sa kwarto ang babae. Madalas din ang mga araw na ayaw na niyang bumangon. Magdamag lamang itong iiyak mag-isa sa kanyang kwarto.

Ang masaklap pa ay napakaliit na halaga lamang ang nakuha ni Vivian sa kanilang paghihiwalay.

Samantalang si Fred ay nakakuha ng mas malaking halaga galing sa kanilang mga ari-arian.

Para kay Vivian ay hindi ito makatarungan gayong siya lamang ang nagpakahirap sa mga naipundar nila. Ngunit hinayaan na lamang niya ang lahat at pinagpasa-Diyos na lamang.

“Ayaw ko na, pagod na rin ako, bahala na sila,” aniya sa tuwing tinatanong ng mga tao tungkol kay Fred.

Depresyon ang inabot ni Vivian sa lahat ng nangyari, ngunit isang araw ay naisip niyang kalimutan na lang ang lahat dahil alam niya rin naman na hindi na siya babalikan ng dating asawa.

Ang perang nakuha niya galing sa kanilang divorce ay ginamit niya para magsimula ulit ng bagong karinderia.

Kumuha siya ng assistant para tulungan siya dahil hindi na niya nagagawa ang mga dating ginagawa niya. Kaya naman, hindi na rin kagulat gulat na naging maganda ang takbo ng kanyang business.

Si Fred naman ay may bago ng nobya at inubos ang oras sa pagsusugal at pag-iinom.

Kaya naman hindi nakakagulat na nawala na ang kanyang bahay, ang kanyang sasakyan at ang restaurant na itinaguyod ng dati niyang asawa.

Dahil wala nang natira sa kanya ay iniwan na rin siya ng kanyang nobya.

Hindi rin nagtagal na ang mayamang si Fred ay nasa kalsada na ulit at namamalimos katulad ng dati.

Sa sampung taon na lumipas, si Fred ay namamalimos pa rin. Walang nagbago kundi sa siya’y tumanda at mas naging miserable.

Isang araw habang siya’y namamalimos sa kalsada, natanaw niya ang isang babaeng pababa sa isang mamahaling sports car.

Dali-daling tumakbo si Fred para mamalimos sa mayamang babae. Laking gulat niya nang malamang ang dating asawa niya pala ang nasa kanyang harapan.

Wala siyang masabi sa labis na pagkabigla. Ibang-iba na ang dati niyang asawa!

“Yung… yung kamay mo,” yan na lamang ang mga salitang nasambit ni Fred nang makita ang dating asawa niyang ngayon ay napakaganda.

Nginitian ni Vivian ang dating asawa, “Salamat sa pag-iwan sa akin. Dahil doon nakita ko ang totoong kasiyahan,” anito.

“Hinding-hindi mo maiintindihan ang sakit na naramdaman ko sampung taon na ang lumipas nung iniwan mo ako at kinuha ang lahat sa akin,” napakatagal nang gustong sabihin ni Vivian ang mga salitang ito kay Fred. At siya’y tumalikod na at hinawakan ang kamay ng bago niyang asawa.

Naiwan si Fred na gulat na gulat parin. Walang-wala na siyang magawa kundi ang magsisi na lamang. Kung sana ay hindi niya iniwan si Vivian noon at naging mabuting asawa na lamang.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement