Inday TrendingInday Trending
Naaktuhan ng Mister na may Katalik na Iba ang Misis, May Madilim Palang Pinagmulan ang Babaeng Ito

Naaktuhan ng Mister na may Katalik na Iba ang Misis, May Madilim Palang Pinagmulan ang Babaeng Ito

Maagang umuwi si Relston buhat sa opisina. Masiglang-masigla. May dalang sorpresa para sa kanyang minamahal na asawa. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto para hindi mamalayan ni Rebeka ang pagpasok niya sa inuupahan nitong bahay. Binigyan siya ng babae ng duplicate key para makalabas-masok siya sa tirahan nito. Marahan siyang naglakad patungo sa kuwarto nito. Gusto niyang gisingin ang asawa sa romansa. Maingat niyang binuksan ang pinto.

At nagimbal siya sa kanyang nakita, si Rebeka ang kanyang pinakamamahal na misis, may katalik na ibang lalaki. Hindi na napigilan ni Relston ang kanyang sarili. Agad niyang dinaluhong ng suntok ang lalaki.

“Walanghiya ka, hayup, papat*yin kita!” galit na galit na wika ni Relston.

Bagsak ang lalaki at nagmamakaawang nagpapaliwanag sa kanya.

“Huwag! Maawa ka sa akin, hindi ako lalaban, wala akong kasalanan. Tinawagan niya ako… Tinukso at inakit, maniwala ka sa akin!” nagmamakaawang paliwanag ng lalaki.

Hubo’t hubad na nagtatakbo ang lalaki palabas ng kuwarto, wala nang nagawa si Relston kundi ang pabayaan na lamang ito.

“Totoo ba Rebeka, totoo ba ang kanyang sinabi?” tanong niya sa asawa.

Nakayukong tumango si Rebeka at sinabi na hindi nito nakayang mapaglabanan ang sarili.

Nagbalik na naman ang sakit ni Rebeka. Hindi niya lubos na masisi ang minamahal, dahil sa una pa lamang ay alam na niya kung ano at sino ito.

“Bakit hindi mo magawang magbago, bakit hindi mo tulungan ang iyong sarili?” umiiyak na sambit ni Relston.

Humagulgol na yumakap si Rebeka sa lalaki.

“Patawarin mo ako, pinilit kong paglabanan ang lahat, ngunit hindi ko kaya,” anito.

Umaagos ang luha ni Relston sa kanyang pisngi. Muling nanariwa sa kanyang isipan ang nakaraan.

Sa isang bahay aliwan niya nakilala si Rebeka. Ipinakilala siya ng isang kaibigan. Nang unang makita ng lalaki ang babae ay agad na siyang nahumaling rito. Napakaganda kasi ng babae. Inosenteng-inosente ang mukha nito. Napakagaling nitong sumayaw, ang umiindayog nitong balakang, ang napakahusay nitong paggiling, at ang kaakit-akit na katawan nito na para bang inaanyayahan siya sa isang libong kaligayahan.

Nasabi rin ng kanyang kaibigan na mahilig sa pakikipagtalik si Rebeka, pero ibang klase ito. Hindi ito nasisiyahan sa iisang lalaki, parang ito ay sakit na nito.

“Sinabi ko na sa iyo, Relston, ibang-iba iyang si Rebeka. Hindi siya tulad ng ibang babae na nakikilala mo sa beerhouse. Isa siyang nymphomaniac kaya ingat-ingat lang p’re at baka madali ka,” payo ng kaibigan.

“Huwag kang mag-alala pare, sanay naman ako sa ganyang klaseng babae, e! Gusto ko nga ang mga gaya niyang palaban at may ibubuga sa kama,” sabi ni Relston.

Ngunit ang lahat ng sinabi at payo ng kaibigan ay binalewala lang niya.

At iyon na ang simula, binalik-balikan niya si Rebeka, hanggang sa sila ay humantong sa isang pribadong kuwarto ng isang motel sa Ermita.

“Halikan mo ang aking labi, durugin mo ng mainit mong halik,” ang sabik na sabik na inusal ni Rebeka.

At sinibasib na nga ni Relston ang mayamang dibdib ni Rebeka, pakaliwa at pakanan. Napapaungol sa sarap ang babae.

Gumapang ang mga halik niya pababa, mula sa dibdib, sa makinis nitong puson at sa pribado nitong parte. Ilang beses pa niyang niromansa si Rebeka para lalo itong pag-initin hanggang sa kinubabawan na niya ito at sinimulang ulusin. Walang kahulilip na kaligayahan ang hatid niyon kay Rebeka kaya hindi nito napigilan ang sariling mapaungol.

Hindi nasiyahan si Rebeka sa minsan na pagtatalik nila ni Relston. Humiling pa ito na ulitin nila. Pinagbigyan siya ni Relston. Muli silang nagtalik, mas matindi at mas matagal. Hindi binitawan ng lalaki ang babae hangga’t hindi ito lupaypay.

Minahal niya si Rebeka at ganoon din ito sa kanya kaya nagkaroon sila ng mas malalim na relasyon. Sila ay naging opisyal na magkasintahan ngunit habang magkarelasyon sila ay tuloy pa rin ang pagpatol at pakikipagtalik ni Rebeka sa kung sino-sinong lalaki na kanilang pinag-awayan sa una pero nagawa pa rin niyang intindihin ang babae dahil mahal na mahal niya ito. Dahil sa pagmamahal niya kay Rebeka ay pinilit niya itong hanguin sa putikan. Ibinahay at pinakasalan din niya ang babae sa kabila ng naiiba nitong katauhan. Ngunit siya ay nabigo. Bigong-bigo sa pagnanasang mabigyan ito ng magandang kinabukasan.

“Bakit hindi mo magawang magbago, bakit hindi ka magpakatatag?” lumuluhang sambit ni Relston sa asawa.

“H-hindi ko mapigilan, Relston. Hindi ko magawang lubos na supilin ang apoy sa aking katawan. Patawarin mo ako!” nagsusumamog sabi ni Rebeka.

“Sorry, Rebeka pero pagod na ako. Pagod na akong baguhin ka. Hindi ka na magbabago, wala ka ng pag-asa kaya mabuti pa ay kalimutan na natin na mag-asawa tayo. Kung ayaw mong tulungan ang iyong sarili ay wala na akong magagawa pa sa iyo,” wika ng lalaki.

“Relston, parang awa mo na, isa pang pagkakataon?” patuloy na pagsusumamo ng babae.

“Pasensya na pero sobra na, Rebeka. Paalam… Kakalimutan kong minsan ay kinahibangan kong mahalin ka,” huling sabi ni Relston bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Naiwang umiiyak si Rebeka. Sising-sisi sa ginawa niyang muling pagtataksil sa asawa. Ilang beses na siyang pinagbigyan at inintindi nito ngunit wala siyang ginawang paraan para iwasan ang kanyang pagkahilig sa tawag ng laman kaya wala siyang nagawa kundi ang magbalik sa kanyang daigdig, sa kanyang paraiso, sa kanyang makasalanang mundo.

Si Rebeka ay tulad ng isang halaman, putulin ma’y muling uusbong. Sinayang niya ang tunay na pagmamahal ni Relston sa kanya at ang pagkakataong magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya na balak na sanang buuin ni Relston na kasama siya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement