Inday TrendingInday Trending
Nakaisip ng Maitim na Plano ang Ginang Upang Matapos na ang Kahirapang Nararanasan; Ito Nga Lang Ba ang Tanging Solusyon?

Nakaisip ng Maitim na Plano ang Ginang Upang Matapos na ang Kahirapang Nararanasan; Ito Nga Lang Ba ang Tanging Solusyon?

Hindi na malaman ng ginang na si Olive kung ano ang dapat niyang gawin upang matapos na ang paghihirap niya sa kaniyang asawa na wala na ngang maipakain sa kanilang mag-iina, palagi pa siyang pinagbubuhatan ng kamay tuwing hindi siya magpapagamit dito.

Nasa harap man ng kanilang mga anak o hindi, panay ang pamimilit nito sa kaniya na makipagn*ig at kapag hindi siya agad pumayag dito, tahasan siya nitong huhubaran sa harap ng kaniyang mga anak na pawang mga babae pa naman at doon sasaktan maigi upang siya raw ay magtino.

Gustuhin man niyang magtrabaho para may pangkain silang mag-iina, hindi niya magawa dahil sila’y kinukulong nito at pinagbabantaan siyang kapag umalis siya, gagawin nito sa kanilang mga anak ang ginagawang pambababoy sa kaniya.

“Mama, bakit hindi ka po lumalaban? Hindi na po tama ang ginagawa sa’yo ni papa!” sambit ng kaniyang panganay na anak, isang araw matapos na naman siyang pagbuhatan ng kamay ng asawa.

“Wala akong magagawa, anak, ayokong umabot sa punto na pati kayo ay pagbuhatan niya ng kamay o kung hindi naman ay gawan kayo nang masama!” hikbi niya rito.

“Umalis na lang tayo rito, mama! Hindi ko na po kayang makita kayong ginagan’yan ni papa! Pare-parehas na nga pong walang laman ang tiyan natin, nakakaranas pa tayo ng ganitong klaseng karahasan!” wika pa nito, sasagot pa lang sana siya nang maramdaman na niya ang yabag ng paa ng kaniyang asawa.

“Walang aalis sa pamamahay na ito!” sigaw nito sa kanilang mag-ina saka agad na sinampal ang kaniyang anak.

“Tama na! Tama na! Ako na lang ang saktan mo!” awat niya rito dahilan para siya nga ang muli nitong pagbuhatan ng kamay at galawin sa harap ng kaniyang mga anak na pareho nang umiiyak.

Dahil sa paulit-ulit na sakit at trauma na nararanasan niya ng kaniyang mga anak kasabay pa ng gutom na kanilang pare-pareho ring nararanasan, doon na siya nakaisip ng isang paraan upang matapos na ang lahat ng paghihirap nilang ito.

Hinalughog niya ang kanilang kusina upang humanap ng kemikal na pupwedeng ihalo sa kanilang inumin. Alam man niyang mali ang plano niyang ito, wala na siyang ibang maisip na paraan paano susugpuin ang paghihirap at pamamaltr*tong nararanasan niya.

“Sana kapag nainom na namin ‘to, tuluyan nang matuldukan ang paghihirap naming mag-iina,” bulong niya sa sarili habang hinahalo sa tsaa ang panlinis ng alahas na kaniyang nakita sa ilalim ng kanilang lababo.

“Ano po ‘yan, mama?” tanong ng bunso niyang anak.

“Tsaa, anak. Ito na lang ang natitirang pampalipas gutom na narito sa kusina natin, eh. Gusto mo bang ikaw na ang unang tumikim?” mangiyakngiyak niyang tanong dito dahil alam niyang sa oras na ininom ito ng kaniyang anak, agad itong mawawalan ng buhay.

Ngunit kukunin pa lang sana ito ng kaniyang anak sa kamay niya, may bigla namang kumatok sa kanilang pintuan. Sa takot na baka ito ang kaniyang asawa, agad niyang tinapon sa lababo ang inuming iyon at binuksan ang kanilang pintuan.

Pagkabukas niya, tatlong pulis na babae ang bumungad sa kaniya. Kasama ng mga ito ang kaniyang panganay na anak na mugtong-mugto ang mga mata.

“Anak, paano ka nakalabas?” nanginginig niyang tanong sa anak na agad yumakap sa kaniya.

“Hindi na po iyon importante, ang mahalaga ngayon, ligtas na po kayo,” sabat ng isang pulis saka sila agad na pinasakay sa patrol.

Noon din, nabalitaan niyang nadampot na ang kaniyang asawa habang ito’y namamasada ng pedicab sa palengke at dahil sa mga bidyong nakuhanan ng anak niyang habang siya’y minamaltr*to nito, ito’y napatawan ng panghabang-buhay na pagkakabilanggo.

Halos wala siyang maiiyak na luha sa halo-halong emosyong kaniyang nararamdaman. Wala siyang ibang nagawa kung hindi yakapin ang panganay niyang anak na pareho siyang nailigtas mula sa mapanakit na asawa at maling pasiya sa buhay.

Hirap man siyang agad na makabangon sa buhay dahil nga sa lalim ng sugat na naitaga ng asawa niya sa kaniyang puso, patuloy niyang hinamak ang sarili na magpakatatag para sa kaniyang mga anak.

Nagulat na lang din siyang paglipas lang ng ilang araw, may trabaho na ang kaniyang anak na bigay ng isa sa mga pulis na nagligtas sa kanila na nakapagbigay sa kaniya muli ng pag-asang mabuhay at lumaban.

Doon niya labis na napagtantong hindi pagtapos sa buhay nilang mag-iina ang tanging paraan upang matuldukan ang paghihirap na kanilang nararanasan.

“Naduwag man ako noon dahil sa sakit at takot na nararanasan ko, hinding-hindi ko na muling gagawin iyon sa aking mga anak! Lalaban na ako ngayon!” sambit niya sa sarili habang nag-aayos ng mga dokumento niya sa trabahong papasukan.

Advertisement