Isang Taong Grasa na Nang Muli Niyang Makita ang Bunsong Kapatid; Ano nga Kaya ang Nangyari Rito sa Nakalipas na Pitong Taon?

Nanginginig ang mga kamay ni Sabel, habang hinahanap ang numero ng kaniyang Mama Salud. Natatabunan na ng namumuong luha ang kaniyang mga mata. Umiiyak siya dahil sa saya. Sa wakas! Nahanap na rin niya ang kaniyang kapatid na si Elmer.

“Mama,” humihikbi niyang kausap sa ina sa kabilang linya.

“Anong nangyayari, Sabel? Umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong ng ina.

“Mama, nahanap ko na po si Elmer,” aniya. “Nahanap ko na siya. Nandito siya ngayon sa ilalim ng tulay, namamalimos. Mukha ng taong grasa ang bunso natin mama,” aniya saka humagulhol ng iyak.

Kaharap niya ngayon ang kapatid na kung hindi niya ito lubos na kilala’y hindi niya maiisip na ito ang kaniyang bunsong kapatid. Pitong taon na ang nakakalipas, nang magpaalam si Elmer sa mga magulang niyang pupunta ng Maynila upang magtrabaho.

Mabigat man sa loob ng kaniyang mga magulang ay pinayagan ng mga ito si Elmer, na tuparin ang pangarap. Makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan nilang may ka-live-in na itong hindi man lang ipinakilala sa kanila ng kapatid. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na nila ito nakausap. Nawalan sila ng kontak sa kapatid, dahilan kaya sumunod siya rito.

Ilang beses niyang hinanap si Elmer. Kung kani-kanino na nga siya lumapit upang mahanap lang ito, tapos ngayon ay nakita niya ito sa ilalim ng overpass, madungis ang itsura na animo’y isang taong grasa.

“D’yos ko,” mahinang usal ng ina. “Pakausap nga ako sa kapatid mo,” wika ng kaniyang inang halata sa boses ang hikbi.

Advertisement

Agad naman niyang ibinigay sa kapatid ang selpon at hinayaan ang dalawang mag-usap. Nang makausap ni Elmer ang ina ay agad itong humagulhol ng iyak at panay ang hingi ng tawad.

Inuwi niya si Elmer sa bahay na kaniyang inuupahan. Nang matapos itong ayusin ang sarili ay agad niyang pinakain ang kapatid. Ang laki ng ipinayat nito. Gusto niyang umiyak muli sa nakikitang itsura nito.

“Ano ba kasi ang nangyari, Elmer?”

“Nang makilala ko si Bianca, akala ko’y siya na ang babaeng para sa’kin ate. Minahal ko siya ng sobra at higit pa sa buhay ko. Kaya no’ng iniwan niya ako’y parang gumuho sa’kin ang mundo.

Napabayaan ko ng sobra ang sarili ko, ate. Hindi ko na alam kung paano pa babangon ulit. Hanggang sa lalo akong nalugmok at naging taong palaboy-laboy, at naging taong grasa.” Hindi napigilan ni Elmer ang pagpiyok ng boses.

“Akala ko’y wala nang pag-asa ang buhay ko. Sinuko ko na ang lahat at inisip na mamamat@y akong ganito. Nahiya na akong lumapit sa inyo. Kasi noong nagpaalam ako kay mama at papa. Ipinangako ko sa kanilang babalik ako sa probinsya natin na isang matagumpay na tao. Ngunit nabigo ako ate,” humahagulhol na wika ni Elmer. “Nalugmok ako’t hindi na alam kung paano pa babangon.”

Agad namang niyakap ni Sabel ang bunsong kapatid. Kahit noong mga bata pa sila’y matayog na ang pangarap ng kapatid para sa pamilya nila’t para sa sarili nito. Naiintindihan niya kung bakit gano’n ang naramdaman ni Elmer ng makitang nawawalan na ng direksyon ang buhay nito.

“Pamilya mo kami, Elmer. Kung nangyari mang hindi mo natupad ang pangarap mo’t nabigo ka. Hindi ka namin itatakwil, bagkus ay yayakapin ka namin at tatangapin ng maluwag sa puso,” ani Sabel.

Advertisement

“Habang may buhay palaging may pag-asa. Hindi por que natumba ka’y hindi ka na maaaring bumangon at tumayo. Sana nagtiwala ka sa’min. Labis ang pag-aalala namin sa’yo, bunso. Akala naming lahat ay hindi ka na namin muli pang mahahanap.

Pero hindi ko binitawan ang tiwalang muli kitang makikita. Palagi kong ipinagdadasal na dumating ang araw na ito at heto na nga iyon. Salamat sa Diyos at muli niyang pinag-krus ang landas natin,” umiiyak na wika ni Sabel.

Ipinangako niya sa kanilang mga magulang na iuuwi niya pabalik si Elmer sa probinsya nila. Makalipas ang dalawang buwan ay naiuwi ng niya si Elmer sa kanila. Tinulungan nilang lahat ang bunsong kapatid upang tuluyang makabangon sa matagal na pagkakadapa. Mahina man ang maging proseso, atleast may pagbabago.

Makalipas lamang ang ilang buwan ay pumasok si Elmer sa eskwelahang malapit lamang sa kanila. Nagamit din ni Elmer ang kursong tinapos nito.

Kahit anong mangyari, kahit anong kapalpakan man ang nagawa at nangyari sa buhay mo, palagi mong tatandaan na may pamilya kang handang umunawa at tumanggap sa’yo nang hindi ka hinuhusgahan.