Takot ang Babaeng Ito na Mapanaginipan ang mga Kakilala niya, Kahindik-hindik kasi Ang Nangyayari sa Mga Kakilalang Pumapasok sa Panaginip Niya
“Patay na daw si kuba.” Gulantang ang lahat sa balita ng isang chismosa sa kalsada. Ngunit mas kinabigla ni Arra ang kanyang narinig. Nangyari na na naman ang kinakatakutan niya. Kagabi lang kasi niya napanaginipan si Rick o mas kilala sa pangalangan “kuba” dahil sa kapansanan nito. Namatay ito sa sakit na liver cancer. Pero pakiramdam ni Arra ay siya ang dahilan ng pagkawala nito. Sa panaginip ni Arra ay masaya niyang tinawag si Rick, “Kuba!” Ngunit sa kanyang pagtataka ay hindi siya nito tinawag-pabalik na karaniwang ginagawa nito. Sa halip ay malungkot lang itong nakatingin sa kanya. Ngayon nga’y iyak na ng iyak si Arra sa harap ng kabaong ni Rick. Ito ang pinakaayaw niya sa lahat, ang mapanaginipan ang mga kakilala niya. Ito kasi ang kahindik-hindik na kinahahantungan ng mga ito. Pakiramdam niya ay isa siyang sumpang babae. Galit na galit siya sa sarili niya kapag nangyayari ito. Hindi lang kasi ito ang unang beses na mangyari iyon. Pang-sampu na ‘ata si Rick sa mga nasawa matapos niyang mapanaginipan. Una ay ang lolo niya sumunod ay ang Papa niya, at iba niyang kamag-anak hanggang sa dumating sa puntong hindi niya na kamag-anak tulad ni Rick ang nasasawi. “Baka sisihin mo na naman sarili mo dito, Arra?” tanong ng matalik niyang kaibigan na si Rhaine. Umiiyak lang ang dalaga, hindi niya mapigilan ang takot at hindik na nararamdaman kahit pa ilang beses na itong nangyayari sa kanya. “Huwag mong ituring na sumpa ito, Arra. Isipin mo gift ‘yan, kakaibang regalo na isa ka sa nakatanggap.” Dumating pa sa punto na gusto na ring wakasan ng dalaga ang sarili niyang buhay. Hindi niya mapigil ang mga nangyayari. Matapos ni Rick ay ang tiyahin niya naman ang nawala ilang buwan lang ang lumipas. Napanaginipan niya rin ito bago mawala. Isang gabi bago matulog ay taimtim siyang nagdasal, “Panginoon, patawad sa mga pagdududa ko sa Inyo. Ituro Niyo po sana sa akin ang dapat kong gawin dito sa kakaibang kakayahan ko.”’ Kinabukasan ay kinakabahang lumabas ng bahay si Arra, napanagipan niya kasi si Rhaine–ang best friend niya. Iyak siya nang iyak habang tumatakbo. Pagkapasok niya ng bahay nito ay naabutan niyang nakatutok ang blade sa pulso nito. Umiiyak ito at tumawa nang mapait nang makita siya. “Napanaginipan mo rin ba ako?” nababasa niya ang sakit na nararamdaman nito. “Anong nangyari, Rhaine?” “Iniwan ako ni Carlos, gusto niya pang ipalaglag ko ‘tong batang pinagdadala ko.” “Kaya susundin mo ang gusto niya? Hindi lang bata ang papatayin mo kundi pati sarili mo?” inis na tanong niya sa kaibigan. “Wala ng silbi ang buhay ko kung mawawala si Carlos sa akin!” “Paano ako, Rhaine? Paano ang pamilya mo? Hindi mo ba sila naisip? Dahil lang sa lalaki, sasayangin mo ang buhay mo? Diba ikaw din ang pumigil sa akin noon?” tukoy niya sa noong bantang-pagkitil rin sa buhay niya. “Rhaine, sabi mo may purpose ang bawat buhay ng tao. Nalaman ko na rin sa wakas yung sa akin. Sana Rhaine, malaman mo rin yung sayo” Tumingin siya sa maliit na umbok sa tiyan ng kaibigan, “Marahil ito ang purpose mo. Pilitin mong magpatuloy para sa inosenteng bata sa tiyan mo.” Doon tila natauhan ang kaibigan. Binitawan nito ang blade at iyak ng iyak na yumakap sa kanya. Nagpasalamat si Arra sa Panginoon sa pagdinig ng panalangin niya. Ngayon ay hindi na niya tinuturing na sumpa ang kakayahan niya, kundi isang regalo na dapat niyang gamitin upang makatulong sa kapwa at harapin ang kinabukasan na may baong pag-asa. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.