Inday TrendingInday Trending
Nagsisisi ang Nanay na Ito Dahil Hindi Niya Nasagot ang Tanong ng Batang Anak Bago Ito Pumanaw

Nagsisisi ang Nanay na Ito Dahil Hindi Niya Nasagot ang Tanong ng Batang Anak Bago Ito Pumanaw

Nakatira sa Romblon ang pamilya ni Amy. Mayroon siyang tatlong anak,si Arlene, 10 taong gulang; Arnel,8 taong gulang;at si Aron na 6 taong gulang. Ang mister niya ay nagtatrabaho sa isang factory ng medyas sa bayan. Nakatayo ang kanilang bahay sa mataas na parte ng bundok kaya mahabang oras ang nilalakad ng kanyang asawa upang pumasok sa trabaho, maswerte na lang kung may masakyan itong habal habal, na minsan lang nangyayari kapag may natira sa sweldo nito. Payak ang pamumuhay ng pamilya, simpleng maybahay si Amy na nag aasikaso sa mga anak niyang pumapasok sa eskwela, mabuti at may itinayong maliit na school malapit sa kanila para hindi mahirapan ang mga batang pumasok. “Panaka nakang pag ulan lamang ang mararanasan sa Luzon, habang ang pinakamalakas ng pag ulan ay mararanasan sa Visayas..Ang mga residen-” “Akin na yang lapis ko, nay si Totoy nang aagaw ng gamit o!” sumbong ni Arnel kay Amy, kinuha kasi ng bunsong si Aron ang lapis nito. Naputol sa pakikinig ng balita ang ina. “Ibalik mo yang lapis ng kuya mo Aron, wag nga kayong maingay may bagyo daw dito sa atin nanonood akong balita.” saway niya sa mga anak na patuloy pa rin ang bulungan. Alas otso na ng gabi, nagliligpit na ng kinainan nilang mag iina si Amy nang dumating ang kanyang mister. Agad niya itong hinainan ng hapunan, halatang pagod na pagod ang lalaki. “Nagputik ang sapatos ko, basang basa ang daanan. Buti pinadalhan mo ako ng payong.” sabi nito pagkaupo sa hapag kainan. “Nay diba may bagyo daw sabi sa balita?” pakikisali ni Arnel sa usapan. “Oo, sabi nga sa balita may bagyo daw.Kailangan ka ba talagang pumasok bukas? Natatakot ako dito kung kami lang ng mga bata.” sabi ni Amy sa asawa, gawa kasi sa kahoy ang kanilang tahanan at malambot pa ang lupa, madalas rin sa lugar nila landslide. “May sakit ang ka-relyebo ko sa pabrika eh.Papupuntahin ko na lang dito si Kaloy para may kasama kayo, wag kang mag alala tinapalan ko na ang bubong kaya hindi nanyan tutulo-” “Nay tignan mo kong sumayaw o.Nay o.” tinawag muli ng anak na si Arnel ang atensyon ni Amy,kumekembot kembot pa ito. Natawa ang ama ng bata, si Amy naman ay nainis sa anak. “Kanina ka pa sabat ng sabat ha, hindi maganda yan.” sabi niya rito. Tumahimik naman ang bata. Kinaumagahan ay maagang umalis ang mister ni Amy, mamayang hapon raw ay pupuntahan sila ng pinsan nitong si Kaloy. Tuluy tuloy ang pag ulan, nagsimula nang mataranta si Amy. Mabuti siguro kung mag empake na siya at pumunta na lang sila ng mga bata sa evacuation center. Ite-text niya na lang ang asawa na doon dumiretso. “Nay,mahal mo ba ako?” pangungulit muli ni Arnel habang nag aayos ng gamit si Amy. “Ano kaba? Puro ka kakulitan nakita mong natataranta na ako. Tignan mo ang mga kapatid mo doon nakaupo lang.” singhal dito ni Amy.Hindi niya alam bakit naging makulit ang panggitnang anak samantalang ito ang pinakatahimik noon. Sumunod naman ang bata at tumabi sa mga kapatid. Palabas pa lang ng bahay ang mag iina nang biglang gumuho ang lupa. Nagbagsakan ang kanilang mga gamit, niyakap ni Amy ang kanyang mga anak pero isang kahoy ang tumama sa likod niya.Nawalan ng malay ang babae dahil sa sobrang sakit at hindi na niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Nagising si Amy na masakit pa rin ang katawan at sugatan. Nasa tabi niya ang luhaang asawa, hawak hawak nito ang kanyang kamay. “Chard, ang mga bata?” agad na tanong niya kahit nahihirapan pang magsalita. “Si Arlene at Aron ay nagpapagaling na..” mahinang sabi nito. “Si Arnel, ‘pa si Arnel nasaan?” nagsisimula nang kutuban ng masama ang babae. “Hindi pa siya nakikita..dalawang araw na..” tuluyan nang napaiyak ang lalaki. Ganon din si Amy. Lumipas ang ilang Linggo, buwan..taon. Hindi sila tumigil pero hindi na nila nakita ang bata. Paulit ulit na bumabalik sa isip ni Amy ang huling tanong nito sa kanya. “Nay, mahal mo ba ako?” Kung maibabalik niya lang ang oras ay sasabihin niya rito kung gaano niya ito kamahal, at kahit paulit.ulit itong mangulit ay hinding hindi na magagalit ang nanay.Pero huli na.. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement