Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Kahirapan ng Buhay, Binenta ng Isang Ina ang Kanyang Anak Pagkapanganak Dito, Hindi Nito Inasahan ang Pagbabalik ng Kanyang Anak

Dahil sa Kahirapan ng Buhay, Binenta ng Isang Ina ang Kanyang Anak Pagkapanganak Dito, Hindi Nito Inasahan ang Pagbabalik ng Kanyang Anak

“Anong ginagawa mo, James?” Taranta si James nang marinig ang tinig ng adoptive parent niyang si Jill. “Ma, sorry po,” hindi na siya magsisinungaling dito. “Hinahanap ko po kasi kung sino ‘yung tunay kong ina.” Bahagyang nalungkot ang mukha nito, ngunit ngumiti rin pagkailang-saglit. “Huwag ka na mag-abalang maghanap sa internet, alam ko kung nasaan siya.” “Talaga po, Ma? Thank you po!” niyakap niya ito kapagkuwan. Pakiramdam ni James, napakaswerte niya sa buhay. Kahit hindi lingid sa kaalaman niyang binenta siya ng kanyang tunay ina sa bestfriend nito, na si Mama Jill ay hindi siya kailanman nagtanim ng sama ng loob dito. Base kasi sa kwento ng Mama Jill niya, napakahirap daw talaga noon ng buhay ni Helen, ang tunay niyang ina. Mayroon na itong tatlong binubuhay na anak at lalong lumaki ang problema nang mabuntis ito nang hindi sinasadya ng lalaking nagrenta sa kanya sa bar. Prostitute ang nanay ni James. At silang apat na magkakapatid ay iba-iba rin ang tatay. Lumaki kasing ulila ang kanyang ina kaya napilitan itong pasukin ang trabaho sa bar. Hindi ikinahihiya ni James sa mga kaklase niyang ibang-lahi na isa siyang adopted son. Sa isip niya ay wala namang dapat ikahiya doon. Graduating college student na si James at sa kasalukuyan ay isa na siyang citizen ng England. “Ready ka na bang umuwi sa lupang-sinilangan mo, James?” tanong ng Mama Jill niya isang araw matapos ang kanyang graduation. Kinakabahan siya dahil sa wakas ay makikita niya na nang personal ang kanyang ina. Ito rin ang unang beses na nakabalik si James sa Pilipinas. Nanibago siya sa tanawin at temperatura. Ngunit wala siyang pakialam kahit gaano kainit ang lakarin niya sa makipot na daan sa Tondo, ang mahalaga’y makaharap niya ang kanyang ina. Nakita niya ang isang payat na matandang puro puting-buhok. Nakilala niya agad ito, “Nay…” Naawa siya sa itsura ng ina. Halata dito kung anong paghihirap ang kinaharap nito. “James, ikaw ba ‘yan anak?” napangiti siya. Kilala din siya agad nito. Niyakap niya ang inang tuwang-tuwa makita siya. “Hindi ka ba galit sa akin anak?” tanong nito sa kanya, “May sakit kasi ang kapatid mo noon at si Jill lang ang matatakbuhan ko. Alam ko ding wala na siyang kakayahang magkaanak nun kaya isinakripisyo kita para sa bunso mong kapatid.” “Okay lang po ‘yun, Nay…” naiiyak na rin siya. “Alam ko naman pong para rin sa akin kaya mo ginawa ‘yun. At nagpapasalamat din po ako dahil sa mabuting tao niyo po ako pinagkatiwala.” Nakilala rin ni James ang mga kapatid at tuwang-tuwa siyang tila naging reunion nila ito. Pagbalik sa England ay pinag-igihan niya ang pagtatrabaho upang makaipon ng sapat na pera. Gusto niyang kunin ang kanyang ina. Masaya naman para sa desisyon niya ang kanyang Mama Jill. Lubos-lubos ang pasasalamat niya sa Panginoon sa kabaitan ng taong nagpalaki sa kanya. Masayang-masaya si James at ipinangakong aalagaan niya ang dalawang ina. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement