Inday TrendingInday Trending
Tinanggihan ng Babae ang Alok na Kasal ng Nobyong Bulag, Grabe Pala ang Pinagdaanan Nito Para sa Kanya

Tinanggihan ng Babae ang Alok na Kasal ng Nobyong Bulag, Grabe Pala ang Pinagdaanan Nito Para sa Kanya

Second year college pa lamang sina Ed at Lisa nang magkaroon sila ng relasyon. Kaya naman sa loob ng anim na taon ay marami nang nangyaring maganda at marami na rin silang problemang nalagpasan.

Itong darating na Sabado ang kanilang ikapitong taon at malaki ang inihandang sorpresa ni Ed.

Isang restaurant sa Tagaytay ang kanilang pupuntahan – ito rin ang lugar kung saan sila unang nag-date.

“Saan ba kasi tayo pupunta? Yung totoo?” naiinis na tanong ni Lisa sa kanyang kasintahan.

“Ito naman! Basta! Maganda doon, magugustuhan mo. Saka surprise nga ‘di ba?” sagot ni Ed na tila nang-aasar pa sa kanyang pagngiti.

“Syempre para alam ko kung anong isusuot ko no! Mamaya niyan maganda pala dun tapos maisipan kong mag-pantalon at t-shirt lang?! Gusto mo yun?!” anito.

“Hmmm… mag dress ka nalang love. Yung binili natin nung nakaraan? Ayun, bagay yun dun,” nakangiting sagot ni Ed.

Hindi na sumagot si Lisa at sumunod nalang sa request ni Ed.

Sabado, bago mag-tanghali, ay sinundo na ng binata ang nobya sa kanilang bahay.

“Ingat kayo ha,” sabi ng tatay ni Lisa sa dalawa. Inakbayan niya ang binata at mahinang bumulong, “Wag kang kabahan, iho. Kaya mo yan.”

Nagngitian ang dalawa at si Lisa naman ay nagtaka.

“Anong sinabi sa’yo ni papa?” tanong ni Lisa habang papasok sa sasakyan ni Ed.

“Wala! Mag-ingat daw tayo! Ito talaga ang dami mong tanong,” pang-aasar nito sa nobya.

Mabilis rin namang nawala ang simangot ni Lisa sa kanyang mukha, nag-cellphone nalang siya.

Hindi maiwasang mapatingin-tingin si Ed sa kanyang magandang kasintahan habang nag se-selfie ito.

“Lisa, kung alam mo lang gaano ako kinakabahan ngayon. Pero sana mag-yes ka,” bulong ni Ed sa kanyang sarili.

Ilang buwan nang pinaghahandaan ng binata ang mag-propose sa nobya. Mula sa lugar, sa masarap na hapunan, at sa musiko ay kanyang pinag- planuhang maigi.

“Love, smile ka muna saglit dali,” pag-aya ni Lisa kay Ed para makasama ito sa picture.

Nakangiti si Ed pero sa nobya niya ito siya nakatingin. Sobrang saya na naiiyak ang kaniyang mga mata dahil sa wakas ay sa simbahan rin sila matutuloy kung papayag si Lisa ngunit grabe rin naman ang nararamdaman niyang kaba.

Nang biglang, “Ed!”

Hindi napansin ni Ed ang isang sumasalubong na sasakyan na nasa maling linya. Boses nalang ni Lisa ang huli niyang narinig matapos magdilim ang kanyang paligid.

Sa kanyang paggising, nanay niya ang una niyang nakita.

“Ma? A-aray…” matapos niyang magalaw ang kanyang tagiliran na masakit pa.

“Nasaan si Lisa?” tanong ni Ed.

“Magpahinga ka muna, anak. Pupuntahan natin siya pag mabuti na ang pakiramdam mo,” sagot ng kanyang nanay na pinipilit ngumiti upang maiwasan ang pag-aalala ng lalaki.

Napagbigyan rin naman si Ed na bumisita sa kwarto ni Lisa. Ngunit parang gumuho ang mundo niya nang makita ang bandage na nakapalibot sa mga mata ng mahal na nobya.

“Love? Sorry! Sana ako nalang! Bakit sayo pa yan nangyari?” umiiyak na sambit ng binata.

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko Lisa. Sorry hindi ako nakatingin sa daan. Please, magsalita ka naman,”

Pinilit hanapin ni Lisa ang mga pisngi ni Ed upang punasan ang mga luha nito, pero dahil bulag na siya, naluha na lamang siya at hinawakan ang kamay ni Ed.

“Hindi mo ito kasalanan, love. Pero kailangan ko lang sanang magpahinga muna,” sagot ng dalaga.

Tumango nalang si Ed at nagpatulong na sa mga nurse na dalhin siya sa kanyang kwarto kung saan naghihintay rin ang kanyang doktor.

“Doc, makakakita pa po ba si Lisa?” tanong niya agad pag bukas pa lamang ng pinto.

“Yes, iho. Pero kakailanganin ni Lisa ang donor. After that, diretso na siya sa operation. Pero ikaw, you need to rest muna, okay?” sagot naman ng doktor.

Ilang buwan ang nakalipas at dumating na rin ang araw kung kailan makakauwi na si Lisa matapos ang successful na operation niya, swerteng nagkaroon siya ng donor.

“Love, sa bahay ka na ba namin maghihintay?” tanong ni Lisa kay Ed na kausap niya sa cellphone.

“Oo, love, malapit na rin ako sa inyo,” sagot naman ng lalaki.

Plano ni Ed ang sorpresa na hingiin ang kamay ng nobya sa kasal pag uwi nito sa kanilang bahay.

Nakahanda na ang mga decoration at mga balloons na nakalagay ay, “Will you marry me?”

Pagdating na pagdating ni Lisa ng bahay nila, hindi niya maiwasang magmadali sa pag lalakad kahit bawal pa. Sobra-sobra na ang pagka- miss niya sa kanyang nobyo dahil matagal silang hindi nagkita.

Nagulat ang dalaga ng makita ang mga dekorasyon maging ang importanteng tanong ng araw na ‘yon. Ngunit, napaiyak siya nang makitang nabulag din pala si Ed sa aksidente.

Naglakad ito papalapit sa kanya sa tulong rin ng ibang taong naroon, ngunit nagbago ang timpla ng mukha ng dalaga.

Hindi pa man naitatanong ni Ed ang dapat niyang itanong ay nagsalita na si Lisa, “No Ed. Pasensya ka na, gusto ko ng magandang future. Kung bulag ka, hindi magiging normal ang buhay natin. I’m sorry. Sorry talaga,” umiiyak na sinabi niya.

Tumakbo siya sa kaniyang kwarto at di na muling sinilip pa si Ed.

Noon ring gabing iyon, may inabot na sulat ang nanay ni Lisa sa dalaga, “Anak, pinapabigay ito ni Ed. Sana daw ay basahin mo.”

Pag bukas ni Lisa ng papel, “Love, alam ko gusto mo ang normal na buhay. Ang walang bulag na asawa. Pasensya ka na kung hindi ko maibibigay yun. Kahit hindi ako ang makatuluyan mo, gusto ko lang na masaya ka. Nandito lang ako pag kailangan mo ‘ko. Mag-iingat ka at sana ingatan mo rin ang mga mata ko.”

Nagsisi ang dalaga nang ikumpirma ng mga magulang ni Lisa na si Ed nga ang eye donor niya. Pinuntahan niya ang binata at humingi siya ng tawad dito. Nanaig ang pagmamahal at kapatawaran at matapos ng ilang buwan ay natuloy rin ang kasalan.

“Patawarin mo ako, habangbuhay akong babawi sayo.” pangako ng babae.

Pinanindigan niya naman iyon dahil naging mabuti siyang misis kay Ed, siya ang nagsilbing mata ng lalaki, at liwanag sa dilim.

Advertisement