Dahil sa Kahirapan ay Hindi na Siya Kayang Paaralin ng Kolehiyo, Ngunit Siya’y Nagpursigi at Gumawa ng Paraan Upang Maabot ang Sariling mga Pangarap
Galing sa mahirap na pamilya si Otep at siya ang panganay sa kanilang tatlong mag kakapatid. Dahil rin sa kahirapan kung kaya’t maagang nawala ang kanyang nanay.
Bata pa lamang ito nang magkaroon ng lubhang karamdaman ang kanyang ina. Dahil sa walang pera ay hindi na naipagamot, at tuluyan itong nanghina.
Kaya naman simula sa pagkawala ng kanyang ina ay kumakayod mula umaga hanggang gabi ang kanyang tatay.
Malapit nang mag kolehiyo si Otep, ngunit dahil walang pampaaral ay minabuti ng kanyang ama na naiintindihan ni Otep na hindi ito makakapag-enroll sa eskwelahan.
“Anak, pasensya ka na talaga ha, walanag wala kasi tayo, at nag-aaral rin ang dalawa mong kapatid,” ani ng tatay nito.
“Naiintindihan ko naman pa, pero okay lang bang subukan ko munang maghanap ng libreng paaral?” tanong ni Otep. “At kung wala naman akong makita, tutulong na lamang ako sa inyo at magtatrabaho nalang ako,” dugtong nito.
Hindi na sumagot pa ang kanyang tatay at tumango nalang ito, hudyat na hinahayaan niya ang kanyang anak na gawin ang gusto. Alam niya namang ang kanyang anak ay matalino kaya’t hindi ito masyadong mahihirapan maghanap ng scholarship.
At tama nga ang kanyang iniisip.
Hindi nagtagal ay umuwi si Otep isang araw na may bitbit na magandang balita.
“Pa, magiging engineer na ako! Makakapag-aral na ko ng college!” sigaw nito habang papasok ng kanilang bahay.
“Pa-paano anak? Paano mo ito nagawa?” masayag tanong ng kanyang tatay.
“Nagtanong-tanong lang ako ‘tay, ang mahalaga makakapag-aral ako,” masayang sagot ni Otep at mahigpit na niyakap ang kanyang ama.
“Magiging engineer din ako, gaya ng pangako ko kay mama,” bulong nito sa sarili.
“Pero anak, paano pala ang magiging baon mo sa eskwelahan mo, panigurado marami kayong gagastusin doon,” nag-aalalang tanong ng kanyang tatay.
“Wag kang mag-alala pa, naisip ko na rin yan, kaya bukas na bukas ay maghahanap ako ng trabaho para hindi ko na kailangang humingi sa iyo ng kahit piso,” nakangiting sagot ng binata.
“Pasensya ka na talaga anak, pag ka meron naman ay mag-aabot ako sa iyo,” pag-aalalang sagot ng kanyang ama.
“Wag mo na isipin yun pa, tulong-tulong tayo dito, ako na po ang bahala sa pag-aaral ko, dahil may dalawa pa akong kapatid. Maghahanap po ako ng trabaho bukas na bukas,” muling paalala niya sa kanyang ama.
Hindi na sumagot pa ang tatay ni Otep ngunit sa loob nito ay sobra niyang pinagmamalaki ang kanyang anak.
Kinabukasan ay wala pang araw ng lumabas na ng bahay si Otep. Tinuloy niya ang kaniyang plano na maghanap ng trabaho.
Ilang building ang napuntahan niya para mag-apply ng office staff ngunit ang tinatanggap lamang nila ay ang mga aplikanteng nakapag kolehiyo ng kahit dalawang tao.
Maging ang pagiging dishwasher sa isang canteen at gwardya sa mga building ay sinubukan ni Otep, ngunit hindi aakma sa oras ng kanyang pagpasok ang magiging oras ng kanyang trabaho.
Ngunit kahit sunud-sunod ang kanyang kabiguan ay nagpatuloy parin ito sa pag-hahanap.
Nang makita niya ang nakapaskil “Wanted: Night Guard” sa isang malaki at pang mayamang subdivision. Kahit napanghihinaan ng loob ay sinubukang mag-apply ni Otep dito.
Umuuwi nanaman siyang may bitbit na magandang balita. Natanggap siya bilang night guard sa exclusive subdivision. Tatlo naman silang magiging guard sa gabi kaya’t kampante naman itong si Otep.
“Pa, mag-sisimula na ako bukas sa night watch, baka antayin niyo pa akong umuwi ha, kahit ‘wag na po, dahil umaga na ako makakauwi,” bilin nito sa kanyang tatay.
Masayang masaya ang kanyang tatay sa pinapakitang determinasyon sa pag-aral ni Otep kaya naman buong buo rin ang suporta niya rito.
Patuloy rin siyang nagsikap sa trabaho para naman may maiabot parin siyang pera sa anak para makatulong sa kanyang pag-aaral.
“Huwag na pa, kila Mae na lang yan, meron pa naman po ako, dahil kaka-sweldo ko lang,” sambit ni Otep tuwing aabutan siya ng pera ng kanyang tatay.
Tuwing naman may sumusobra sa pera ni Otep ay siya ang mag-aabot sa kanyang tatay. Kung minsan naman ay ipamamalengke niya ito para mayron siyang malutong masarap para sa tatay at mga kapatid.
Apat na taon na naging working student si Otep. Magsisimula ng alas onse ng umaga ang kanyang klase, at matatapos ito ng alas siyete, kung minsan naman ay alas-otso depende sa kung anong araw.
Ang trabaho naman niya sa gabi ang nagsisimula ng alas-nuwebe, at natatapos ng alas singko ng umaga.
Mayroon pa rin siyang ilang oras para makatulog pag uwi niya ng kanilang bahay at bago siya pumasok muli sa eskwelahan.
Noong una’y naging mahirap ito sa binata dahil sa oras, ngunit hindi rin nagtagal ay nasanay na siya.
Ang kanyang mga kailangang tapusin na proyekto o research ay ginagawa niya minsan tuwing siya’y naka-duty. Maraming nakakakita sa kanya at natutuwa sa sipag ng binata.
Lahat naman ng kanyang pagsisikap ay nagbunga ng maganda. Dahil nang dumating ang araw ng kanilang graduation ay ang kanyang tatay ang pinaka proud sa lahat ng mga magulang na nandoon sa araw na iyon.
“Otep Ramirez… Magna Cum Laude…”
Umiiyak na umakyat ng entablado ang binata. At sa pagtanggap ng kanyang award kanya na lamang nasabi ay, “Sa wakas.”
Gaya ni Otep, huwag tayong sumuko sa ating mga pangarap. Magpatuloy lamang tayo dahil tiyak na ang lahat ng ating pagsisikap ay magbubunga ng maganda.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!