
Hinahayaan ng Ginang na Ito na Lumabas ang Dose Anyos Niyang Anak, Nangilabot Siya nang Umuwi Itong Sugatan
“Ibang klase talaga ang ganda ng anak mo, ano? Kahit dose anyos pa lang, akala mong dalagang-dalaga na! Tiyak, maraming binata ang magkakandarapa riyan pagtuntong niyan sa legal na edad,” sabi ni Lorna sa kapitbahay, isang hapon nang makita niyang bihis na bihis na umalis ang anak nitong napakaganda.
“Naku, ngayon pa nga lang, eh, ang dami ng manliligaw niyan. Gabi-gabi nga kaming may natatanggap na pagkain mula kung kani-kaninong binata!” pagmamalaki pa ni Ellen habang patawa-tawa pa.
“Diyos ko, sobrang bata pa ng anak mo! Hindi ka ba nababahala na baka malagay siya sa kapahamakan?” tanong nito.
“Hindi naman tat*nga-t*nga ang anak kong ‘yan! Alam niyang bata pa siya. Hinahayaan ko lang siyang makipag-usap sa mga manliligaw niya para makamenos kami ng pagkain sa araw-araw,” sabi niya habang humahalakhak.
“Pagsabihan mo pa rin ‘yang anak mo. Lalo na’t pinapaalam niya kung kani-kanino kung saan kayo nakatira,” payo nito sa kaniya na ikinataas ng kilay niya.
“Nainggit ka naman agad. Hayaan mo, may manliligaw din sa anak mo na padadalhan kayo ng pagkain kahit hindi siya kagandahan. Samahan mo nga lang ng panalangin at orasyon,” sarkastiko niyang sabi rito saka agad na tumawa.
Sikat na sikat sa kanilang lugar ang anak ng ginang na si Ellen. Nakakahanga kasi ang angking ganda nito na hindi akma sa edad nito. Kahit pa kasi dose anyos lang ito, hubog na hubog na ang katawanan nito. Maputi at makinis din ang balat nito at malusog ang dibdib dahilan para pagkaguluhan talaga ito sa kanilang lugar sa tuwing lalabas ito ng kanilang bahay.
Imbis na mabahala sa kapakanan ng anak, hinahayaan niya pa itong makipag-usap kung kani-kanino at wala nang mas sasaya pa sa kaniya kapag may bigla na lang magpapadala ng pagkain sa kanilang bahay o kung hindi naman, kapag may pasalubong na mamahaling pagkain ang anak niyang galing sa pakikipagkita sa binatang hindi niya naman kakilala.
Maraming tao man ang magsabi sa kaniya na masyadong bata pa ang anak niya para sa mga ganoong gawain, palagi niyang sinasabing naiinggit lang ang mga ito. Katwiran niya pa, hindi madaling maloko ang anak niya at siya’y may tiwala rito.
Nang araw na ‘yon, matapos niyang barahin ang kapitbahay na biglang nagpayo sa kaniya, agad na niyang sinarhan ang kanilang bahay.
“Ano naman kayang maiuuwing pasalubong ng anak ko? Sana mayamang lalaki ulit ang ka-date niya ngayon,” nakangiti niya pang sabi saka agad na kinuha ang selpon niya upang maglibang.
Kaya lang, inabot na siya ng tatlong oras kakalaro at nuod sa kaniyang selpon, wala pa rin ang kaniyang anak.
“Nasaan na kaya ‘yong batang ‘yon? Nagugutom na ako, wala pa rin!” wika niya saka siya nagpasiyang tawagan ito.
Nakailang tawag pa siya bago sagutin nito at siya’y agad na napabalikwas nang hikbi ng kaniyang anak ang bumungad sa kaniya.
“Anong problema, anak? Nasaan ka ba?” kabadong tanong niya rito habang siya’y palabas ng kanilang bahay.
Ngunit pagkabukas niya ng pintuan, nandoon na pala ang anak niya. Duguan ang mukha nito at nanginginig pa sa takot. Dali-dali niya itong hinila papasok at niyakap. Tinangka man niya itong usisain, ayaw nitong sumagot. Panay yakap lang nito sa kaniya habang umiiyak dahilan para ito’y labis niyang pakalmahin.
Mayamaya, nagsimula na rin itong magkwento sa kaniya at siya’y labis na nanlambot nang malamang ang kinita pala ng kaniyang anak ay isang matandang lalaking nagbebenta ng mga laman loob ng tao.
“Napakswerte ko pa rin, mama, dahil may biglang tumawag sa kaniya habang hinihiwa niya ang tiyan ko kaya nakatakas ako. Hinding-hindi na po ako uulit,” hikbi nito dahilan para tingnan niya ang tiyan ng anak na may kapiraso nang hiwa.
Agad niya itong dinala sa ospital saka sila dumirekta sa presinto. Dali-daling rumisponde ang mga kapulisan sa kanilang lugar at tinunton ang lugar na tinuro ng kaniyang anak. Saktong naroon pa ang matanda na nagmamadaling ibaon ang mga katawan ng taong nakuhanan nito ng laman loob dahilan para ito’y agad na maaresto.
Kitang-kita niya pa rin ang trauma sa mga mata ng kaniyang anak kahit nahuli na ang matandang iyon dahilan para siya’y labis na makonsensya.
“Pangako, simula ngayon, hindi na kita hahayaang malagay sa alanganin, anak,” sambit niya rito saka agad itong niyakap.
Naging mahigpit man siya sa anak simula noon, nakapagbigay naman ito ng kapanatagan sa kaniya at proteksyon sa kaniyang anak.
Natuto na rin siyang tumayo sa sariling mga paa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at hindi umasa sa mga manliligaw ng kaniyang anak.