Inday TrendingInday Trending
Kay Tagal Kitang Hinintay

Kay Tagal Kitang Hinintay

Isang dekada nang mag-asawa si Magda at Leon. Trenta anyos na silang pareho, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaanak ang dalawa. Nagpatingin naman na ang dalawa sa doktor at patuloy na nagpapagamot para matulungan silang magbuntis.

Si Leon ay nagtatrabaho sa ibang bansa, samantalang si Magda naman ay matiyagang pumapasok bilang isang financial consultant sa isang insurance company. Masikap sa pagta-trabaho ang dalawa kaya matagumpay sila ngayon, pero may pagkakataon na nalulungkot sila pag naiisip na tila sabik sila na magkaroon na ng anak.

Minsan nga ay makakaramdam na sila ng inggit pag may nakikita silang mga pamilya na masaya dahil may mga anak ang mga ito. Minsan din inisip niya na yung mga magkasintahan o mag-asawa na hindi naman kaya ang bumuhay ng anak ay nagkakaroon ng maraming anak, ngunit sila pang sagana sa buhay at kayang-kaya magka-anak ang tila pinagkakaitan ng pagkakataon magkaanak.

Ilang beses na rin silang nagtungo sa Obando upang magsayaw rito, dahil nabalitaan nila na milagroso itong nakakatulong na mabuntis ang isang babae. Ngunit kahit sa ganitong paraan ay hindi pa rin sila makabuo.

Nawawalan na ng pag-asa si Magda. May mga panahon na naiisip niya ang kanyang asawa na baka ay nahihirapan na din ito dahil hanggang ngayon ay wala pa silang anak.

“Mahal? Nawawalan na ako ng pag-asa. Paano kung hindi na talaga ako pwedeng magbuntis?” iyak na sabi ni Magda.

“Mahal ko, ‘wag mo na masyadong isipin ‘yan. Naniniwala akong ipaglakaloob rin ng Diyos sa atin yon,” sagot naman ng asawa niyang si Leon.

“Natatakot ako mahal. Paano pag umayaw ka na sakin kasi hindi kita mabigyan ng anak?” tanong nito sa asawa habang patuloy na umiiyak.

“Hinding-hindi yan mangayayari, mahal. Sa tingin mo, sa mahigit isang dekada natin na mag-asawa ay magagawa pa kitang iwan? Mahal kita, lagi mo ‘yang pakakatandaan,” malambing at seryoso niya itong sinabi sa asawa.

Lumipas ang dalawang taon at tila ba ay iba ang pakiramdam ni Magda sa kanyang katawan. Mahigit dalawang buwan na rin siyang hindi dinadatnan ng regla. Kaya agad itong nag-pregnancy test para malaman ang resulta, at sila ang nagalak ng lubos ng malaman na ito ay positibo. Agad nagpatingin sila Magda at Leon sa kanilang doktor at doon nakumpirma na magdadalang tao nga ito.

“Magandang balita Magda at Leon. Si Magda ay kumpirmadong buntis na,” balita ng doktor sa dalawa.

“Ngunit paalala Magda, hindi biro ang pagbubuntis mo na ito. Maselan ito, kaya dapat ay lagi kang nakapahinga. Bawal kang mapagod at ma-stress,” bilin ng doktor kanila dalawa.

Naging maingat ang dalawa sa pagbubuntis ni Magda. Hindi na ito masyado pang nagkikilos-kilos sa kanilang tahanan. Nagresign na rin ito sa kanyang trabaho para mas maalagaan nito ang sarili.

Ngunit sa ‘di inaasahang pagkakataon ay nalaglag ang bata noong magdadalawang buwan pa lamang ito sa kanya tiyan. Labis na nalungkot si Magda sa nangyari. Napasakit sa kanya na mawalan ng anak, at sinisi niya niya kanyang sarili sa pagkawala nito.

“Magda, ilang linggo ka nang nagmumukmok diyan,” tawag ng kanyang asawa sa kanya habang papalapit ito.

Hindi siya pinansin nito. Ilang linggo nang nakahiga lamang ito sa kama at nakatalikod sa kanya. Gumigising lang ito tuwing hating-gabi at madaling araw para kumain.

“Mahal, halika ka na. Tara at samahan mo ako sa labas, mag-date naman tayo,” yaya nito Leon sa asawa.

At nagulat ito sa naging reaksyon ng asawa.

“Bakit napakadali lang sa’yo, Leon? Wala bang halaga sayo yung anak natin na hindi nabuhay?” sigaw nito kay Leon.

“Bakit para sa inyo ay parang wala lang nangyari? Ni hindi ko man kayo nakitang nalungkot or nahirapan sa nangyari. Bakit, anak ko lang ba yung nawala? ‘Di ba anak mo rin ‘yon? ‘Di ba apo rin naman ‘yon ng mga magulang ko pero bakit parang ako lang yung naapektuhan ng ganito?!” umiiyak nito sinabi sa asawa.

Ito na nga ang hinihintay niya, ang mailabas ng asawa lahat ng sakit na nararamdaman nito para hindi na niya ito pasanin muli. Nakinig lang si Leon sa lahat ng sinabi ng kanyang asawa. Hinabaan ang pasensya at mas lalo pang inintindi ang mahal niya.

Agad niya itong nilapitan at niyakap.

“Hindi ko alam kung naging masama ba akong tao, kaya pinaparusahan ako ng Diyos ng ganito,” madamdam na sinabi ito ni Magda.

“Mahal, alam kong nahihirapan ka ngayon na tanggapin ang pagkawala niya. Pero mahal kailangan mo pa rin magpatuloy sa buhay,” wika ni Leon sa kanyang asawa na si Magda.

“Paano mahal kung nabuo siya at pinanganak mo siya, pero baka mayroon pala itong labis na karamdaman. Isipin mo lagi mahal na ang mga bagay at pangyayari sa mundo ay may dahilan, hindi mo man maintindihan kung ano dahilan ito at kung bakit ganito ito sa iyo ibinigay ang problema. Malay mo kaya kinuha na siya agad ng Diyos ay para hindi na siya mahirapan pa, at malay mo kaya niya binagay ang pagsubok na ‘yon sayo ay dahil nais niyang malaman kung kakayanin mo,” paliwanag niya ito sa asawa.

“Mahal nawala man ang ating munting anak na nasa iyong sinapupunan, hindi kailanman mawawala ang pag-ibig natin sa kanya. At lalong hinding-hindi mawawala ang pag-ibig ko sa’yo,” dagdag pa nito.

Tahimik na umiiyak si Magda habang yakap-yakap siya ng kanyang asawa. Kinagabihan ay dumating naman ang kanyang nanay para siya ay bisitahin.

“Anak, naikwento sa akin ni Leon ang nangyari kanina. Anak, magpakatatag ka. Isipin mo ay ‘yong asawa na hindi ka iniwan sa hirap at ginhawa, may anak man kayo o wala ay hindi kailanman nagbago ang pagmamahal sa’yo. Kaya mahal, magpatuloy ka. Hindi lang dahil para sa’yo, kundi para na rin sa asawa mo. ‘Wag mong indahin ang kakulangan niyo sa anak, basta buo ang inyong pagmamahalan,” bilin ng nanay ni Magda habang siya ay sinusuklayan ng buhok.

“At lagi mo ipanalangin sa taas na ibigay sa inyo pag kayo ay handa at karapat-dapat na. Dumating man ay araw na ‘yon hindi, ay magsikap kang patunayan sa Kanya na kayang mong maging isang mapagmahal na ina, tulad ng pagpaparamdam mo sa iyong ng pamangkin na mahal mo sila,” dagdag na bilin ng matanda.

Naging mahirap man para kay Magda na magsimula ulit, ay sinubukan niya pa rin. Nagpaka-abala siya sa naisip nilang bagong negosyo kasama ang kanyang asawa. Hindi na rin umalis ang kanyang asawa papuntang ibang bansa, at pingsikapan na lang nito na mapalago ang kanilang negosyo.

Sa paglipas ng panahon, hindi na namalayan ni Magda na marami nang nagbago. Bukod sa nagkaka-edad na ay dalawang dekada na silang mag-asawa ni Leon, pero kahit na tumatanda na sila ay mas lalo nilang nararamdaman ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

At sa patuloy na pagbabago ng kanilang samahan, ay ang pagtupad na rin ng Diyos sa kanilang nag-iisang hiling.

Hindi pa sigurado noon si Magda dahil baka mali lang siya, pero pumunta na rin siya sa kanyang doktor.

“Dok, hindi ko po alam kung tumaba lang po ako kasi malaki nama po talaga ang tiyan ko. Kaso napansin ko po na mahigit tatlong buwan na po pala akong hindi nireregla,” paliwanag nito sa doktor na noon ay tila sabik na kuhanan ng test si Magda.

“Magda…” seryosong tawag ng doktor.

“Positibo. Buntis ka ulit at ngayon ay apat na buwan na ito,” nakangiting ibinalita niya ito kay Magda.

Kumuha pa ng maraming test ang doktor, at nalaman na malusog ang dinadalang bata ngayon ni Magda, Masayang-masaya sila Magda at Leon sa nalaman na balita. Naging maingat din sila para hindi magkaroon ang problema ng pagbubuntis nito. At kahit nasa tiyan pa lang ang bata ay binusog na nila ito sa pagmamahal, at alaga.

Makalipas ang 9 na buwan, ang kwarenta anyos na si Magda ay nagsilang na ng kanyang unang anak na pinangalanang ‘Hope’. Ngayon ay patuloy ang paglaki ni Hope bilang isang masayahin at malusog na bata. Sa tuwing titigan siya ng kanyang ina at ama, at ng kaniyang pamilya ay naalala nila ag pinagdaanan ng mag-asawa, at kung paano naging isang tinupad na panalangin ang pagdating niya sa mundong ito.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino. Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement