Inday TrendingInday Trending
Prinsesa ng Aking Buhay

Prinsesa ng Aking Buhay

Kilalang magaling na boss ang lalaking si Rafael, bukod sa mabait daw ito na manager ay napakalaki rin bumenta ng lalaki. Nagtratrabaho kasi ito sa mga nagbebenta ng sasakyan at kakapasok pa lang ng taon ay quota na agad ang lalaki.

Ngunit wala namang perpektong tao o buhay dahil kahit gaano kalaki ang naipapasok niyang pera sa kanilang opisina at wala naman siyang pamilya nauuwian.

Nakipaghiwalay si Rafael sa kaniyang misis na si Cath, problema kasi niya ang matapobreng nanay ng babae. Hindi niya nakayanan kaya naman hindi na rin tumagal pa ang kanilang pagsasama.

“Ako na susundo kay Reign sa school, manunuod kami ng sine,” wika ni Cath sa telepono.

“Bahala ka kung anong gusto mong gawin sa anak mo, basta nasa bahay na siya ng alas otso,” sagot naman ni Rafael dito.

“By the way, ipapakilala ko na rin pala ang bago kong boyfriend sa kaniya. Uunahan ko na yung bata mamaya mali na naman ang kwento sayo,” pahayag muli ni Cath. Hindi na nagsalita pa ang lalaki at basta na lang binaba ang telepono.

Binigay sa kaniya ni Cath ang pagpapalaki sa kanilang anak na si Reign, tinanggap naman ito ni Rafael sa pag-aakalang maayos pa ang kanilang relasyon kapag nasa kaniya ang bata. Ngunit lumipas ang maraming taon, magtatapos na ng elementarya ang kaniyang anak pero hindi na bumalik sa dati ang lahat.

“Anong hitsura ng bagong lalaki ng nanay mo?” matapang na tanong ng lalaki kay Reign ng makauwi ito.

“Okay naman, ganun pa rin,” maiksing sagot ng dalagita.

“Ganun pa rin na ano?” tanong niya dito.

“E di ganun pa rin, mukhang hindi siya seseryosohin,” baling ni Reign.

“Bobo kasi iyang nanay mo e, dahil mahirap lang ako dati at hindi pa ako kumikita ng malaki ay wagas kung makasiksik sa lola mo. Ayaw sa mahirap na buhay, kita mo napapala niya, pinagpapasa-pasahan na siya ng mga lalaki,” galit na wika ni Rafael.

“Ewan ko sa inyo,” sabi ng kaniyang anak saka ito dumiretso sa kaniyang kwarto.

Kung tatanungin ang relasyon ni Rafael sa kaniyang anak ay alam niyang bagsak siya sa pagiging ama at wala na siyang paki doon, ang importante lang naman kapag tatay ay iyong mapagtapos niya ng pag-aaral ang kaniyang anak.

Lumabas si Rafael para uminom ng alak, masama kasi talaga ang loob niya na may bagong lalaki na naman ang dati niyang asawa.

“Pareng Rafael, ikaw pala iyan! Mukhang problemado ka ngayon ah,” tanong ni Mang Isko, ang may-ari ng maliit na bar sa kanilang lugar.

“Naku Mang Isko, yung asawa ko dati may lalaki na naman,” sagot niya sa lalaki.

“Sawa na ako sa kwentong asawa, baka naman pwede nating pag-usapan si Reign,” wika ng lalaki.

Napatigil si Rafael sa paglalagay ng yelo sa kaniyang baso at tinignan ng masama ang lalaki.

“Huwag niyo hong pagdiskitahan ang anak ko, ibang usapan iyan,” baling ni Rafael sa matanda.

“Hindi, hindi masama ang sasabihin ko. Gusto ko lang sana kamustahin ang pagiging tatay mo sa kaniya,” seryosong sagot ni Mang Isko.

“Ayos naman, napag-aaral ko naman at nabibigyan ng maayos na buhay kaya okay naman kami,” sagot ni Rafael dito.

“Huwag mo sanang hayaan na ganoon lang ang koneksyon mo sa anak mo, nakikita ko kasing lagi siyang nabubully ng mga ibang estudyante. Hindi mo ba alam iyon?” tanong ni Mang Isko.

“Wala hong nababanggit sa akin ang anak ko, bakit hindi ko alam iyan,” galit na saad ni Rafael sa matanda.

“Ito ay payong tatay lang naman, wala na nga siyang nanay na laging gumagabay sa kaniya pati ba naman ikaw ay mawawala na rin? Tandaan mo Rafael, tayong mga tatay ang nagbibigay ng ideya sa ating mga anak na babae kung paano ba dapat silang tratuhin ng ibang tao. Huwag mo sanang hayaan na lumaki si Reign na sasabihin niyang wala kayong pareho ng nanay niya sa tabi niya, masakit iyon,” paliwanag ni Mang Isko.

“Nanggaling na ako diyan, kaya sana pakinggan mo ako. Parang anak na rin kita, kaya umuwi ka na ngayon at puntahan mo ang anak mo,” dagdag pa nito.

Mabilis na tumayo si Rafael para umuwi, lutang ang kaniyang isipan at pilit niyang inaalala kung kailan nga ba sila ni Reign huling nakapagkamustahan, kailan huling nakapag-usap. Ni hindi man lang n’ya napapansin ang kaniyang anak nang dahil sa galit niya sa kaniyang asawa dati, galit niya sa mundo.

“Reign, anak si papa ito. Pwede ba ako pumasok?” tanong ni Rafael sa bata.

Ngunit wala siyang narinig na sagot kaya naman nagmadali siyang buksang ang pinto, kumakabog ang kaniyang dibdib ng malakas.

“Diyos ko, huwag po. Parang awa niyo na magiging maayos na akong tatay, huwag niyo lang pong kuhanin ang anak ko,” isip-isip ng lalaki.

At nang mabuksan niya ang kwarto ni Reign ay naabutan nyang walang malay ang bata, agad niyang niyugyog ito at mabilis siyang napaiyak.

“Pa, anong drama ito? Buhay pa ako,” sabi ni Reign.

“Ha, buhay ka? Bakit hindi ka sumasagot sa katok ko,” galit na tanong ni Rafael dito.

“Nakaheadset po kasi at at full volume kaya hindi ko talaga naririnig,” sagot naman ng dalagita.

Huminga ng malalim si Rafael at ginulo ang buhok ni Reign.

“Anak, patawarin mo si papa kung napapabayaan kita ha? Pangako, simula ngayon, ako na ang magiging the best na tatay sa buong mundo!” pahayag ni Rafael.

“Sus si papa, hindi ko naman kailangan ng the best, kailangan ko lang po yung nandiyan kayo para sa akin,” sagot naman ni Reign at niyakap nya ang kaniyang anak nang mahigpit.

Bigla niyang naalala ang lahat ng pangako niya sa sarili noong binata pa lang siya, na kapag nagkaroon siya ng anak na babae ay ituturing niya itong isang prinsesa.

“Lord, hindi pa naman ako huli para bumawi diba?” isip-isip ng lalaki.

At simula nga noon ay bumawi siya sa kaniyang anak, binalewala na muna niya ang galit niya kay Cath at mas tinutukan ang pagdadalaga ni Reign. Dito niya nalaman na marami palang umaaway sa bata, dahil naaasar na walang magulang ito. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na muling aapihin ang kaniyang prinsesa.

“Im

Advertisement