Inasam ng Dalagang Ina na Makabalik sa Pag-aaral na Nahinto Dahil sa Kaniyang Pagbubuntis; Sino ang Mag-aalaga sa Kaniyang Anak na Maliit Pa?

“Inay, gusto ko pong bumalik sa kolehiyo. Mag-aaral po ulit ako.”

Iyan ang paalam ni Celestine sa kaniyang inang si Aling Rosario, na noon ay nagtutupi ng mga damit. Solo parent si Celestine. Siya sana ang magtutuloy sa naunsyaming pangarap ng ina na maging isang guro, ngunit dahil nabuntis siya ng kaniyang kasintahan na hindi naman siya pinanagutan, kinailangan niyang huminto sa pag-aaral.

Nakapagtapos at nagtuturo na ang ilan sa kaniyang mga kaklase— siya, heto, nasa bahay. Nag-aalaga ng anak. Naglilinis ng mga bote ng gatas. 

Bagama’t wala namang masama sa ginagawa niya, hindi ito ang buhay na ginusto niya para sa sarili niya. Ngunit pakiramdam niya, simula nang mangyari sa kaniya ito, nawalan ng tiwala sa kaniya ang ina. Ni ayaw nitong alagaan ang kaniyang anak, na ngayon ay apat na taon at nakapagsasalita na.

“Sino mag-aalaga sa anak mo? Ako? Alam mo namang kapag umatake na ang rayuma ko, hindi na ko makalakad,” malamig na sambit ng kaniyang ina. Tumayo ito at humalukipkip.

senior adult japanese woman against white wall - angry old asian lady stock pictures, royalty-free photos & images

“Gagawan ko po nang paraan. Bale, dalawang taon na lang naman po at matatapos ko na…”

“Oo, kung hindi ka sana lumandi, eh ‘di sana tapos ka na ngayon at nagtuturo na…” 

Natahimik na si Celestine. Kahit na matalas at taklesa ang kaniyang ina sa mga ganitong mga bagay, hindi pa rin niya magawang magalit dito. Totoo naman kasi ang mga sinabi nito. Kung inuna na muna niya ang aral at pangaral, hindi sana magiging ganito ang kalalabasan ng lahat.

Advertisement

“Kukuha ka ng yaya? Saan ka kukuha ng pambayad? Wala kang pera.”

“Hindi ho. Isasama ko ho siya sa paaralan.”

Napatigil si Aling Rosario sa ginagawa. Parang kinukumpirma ang kaniyang sinabi.

“Papagurin mo yung bata? Ikaw bahala. Anak mo naman iyan.”

Matapos makapag-enrol, sumabak na nga sa kaniyang pagpasok sa paaralan si Celestine. Bukod sa kaniyang bag na may lamang mga kuwaderno at kaunting aklat, inihanda rin niya ang bag ng anak na si Celine. Mahigpit ang bilin niya rito.

“Anak, isasama kita sa school, pero bawal ang umiyak doon ha? Bawal din ang maingay, okay?”

“Papasok na po ba ako sa school, Mommy?” 

“Hindi pa, anak. Si Mommy ang papasok sa school. Kapag naaabot mo na ang tainga ko, puwede ka nang pumasok sa school. Paghahandaan natin ‘yan.”

Advertisement mother and daughter are looking at each other - asian mother and little daughter stock pictures, royalty-free photos & images

Hindi inintindi ni Celestine ang mga tingin na ipinupukol sa kaniya ng ibang mga mag-aaral kapag karga o tangan niya ang anak. Kung nasaan siya ay naroon din ang kaniyang anak. Mapalad siya dahil maunawain ang kaniyang mga kaklase.

Naranasan ni Celine na kaklase niya ang nagdala rito sa palikuran upang umihi o magbawas, dahil nasa harapan siya ng klase at nag-uulat.

Naranasan ni Celine na kargahin ng isa niyang kaklaseng lalaki at bilhan ng pagkain sa kantina ng paaralan.

Naranasan ni Celine na mahiga sa bandang likuran ng silid-aralan dahil kailangan niyang matulog, o dumede ng gatas.

Minsan, cute na cute ang mga propesor niya sa kaniyang anak. Niyayakap o hinahalikan sa pisngi.

“Alam mo Celestine, tama ang ginawa mo. Siguro nakagawa ka man ng pagkakamali noon, hindi pa naman huli ang lahat upang itama ang lahat. Hindi naman porke’t nagkaroon ka na ng anak, eh hihinto ka na sa pag-abot sa mga pangarap mo,” sabi sa kaniya ng isa nilang propesor.

Kaya naman makalipas ang dalawang taon, tuluyan na ngang nakatapos si Celestine, at may karangalan pa. Cum Laude.

“Nay, alay ko po sa inyo ang medalya ko. Heto na po. Tutuparin ko na po ang mga pangarap ko, na pangarap din ninyo,” naiiyak na sabi ni Celestine sa kaniyang ina.

Advertisement

“Nahihiya ako sa ‘yo anak. Pasensya ka na kung nawalan ako ng tiwala sa iyo. Na kaya mo pang makabangon. Pinatunayan mong mali ako,” umiiyak na paghingi ng tawad ni Aling Rosario.

Makalipas ang ilang buwan, nakapasa na sa board exam si Celestine. Tanggap na rin siya sa kaniyang pinag-aplayang pribadong paaralan.

Isang araw, nagulat si Celine nang pagbihisin siya ng ina.

“Saan po tayo pupunta, Mommy?” tanong nito. 

“Sa school, anak…” sagot ni Celestine.

“Isasama mo po ako sa work ninyo, Mommy? Makakasama ko po ba ang mga pupils ninyo?”

“Hindi, anak. Ihahatid kita sa magiging school mo talaga. Mag-aaral ka na. Hindi mo na ako sasamahan,” nakangiting paliwanag ni Celestine. 

happy asian mother and daughter preschool student walking to school. beginning of lessons. first day of fall. parenthood or love and bonding expression concept. - asian mother and little daughter stock pictures, royalty-free photos & images

Lagi pa ring kasama ni Celestine ang anak sa kaniyang pagpasok—hindi para isama sa klase habang nagtuturo, kundi upang ihatid sa mismong paaralan nito, bilang isang mag-aaral!