Nakipagrelasyon ang Babaeng Guro sa Naging Estudyante Niya na Naging Dahilan Upang Matanggal Siya sa Trabaho; Hindi Kaya Siya Magsisi?

“This is so disgusting, Miss Mendoza. Ano na lamang ang sasabihin ng mga parents at students kapag nalaman nila ito? Are you out of your mind?”

shocked woman with hand in hair standing against white background - angry old asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Nakatungo na lamang ang bagitong gurong si Michelle, 22 taong gulang, habang pinapagalitan ng punungguro dahil sa nalaman nitong pakikipagrelasyon niya sa dating mag-aaral na 16 na taong gulang lamang. Unang taon pa lamang sa pagtuturo si Michelle sa naturang paaralan, at ang kaniyang karelasyong lalaki ay dati niyang mag-aaral sa Grade 12 Senior High School. Saka lamang nila inihayag ang relasyon nang maka-graduate na ito. Nasa isang taon ito ngayon sa kolehiyo.

“Ma’am, with all due respect naman po, sinagot ko po si Joco noong naka-graduate na po siya rito sa atin. I think okay lang naman po iyon, technically hindi na po siya connected sa atin,” paliwanag ni Michelle.

“Anong hindi connected sa atin? Just to refresh your mind, Miss Mendoza, lahat ng mga graduates natin ay considered alumni. Meaning to say, kahit na hindi na sila nag-aaral dito, still, konektado pa rin sila rito dahil ito ang alma mater nila. Isa pa, hindi mo ba naisip na may mga kaibigan iyang lower batches dito, at maaaring pagpiyestahan ka ng mga tsismis ng mga students mo?” paliwanag ng punungguro.

Hindi umimik si Michelle.

“Kakayanin mo bang magturo sa harapan ng mga students mo, at habang nakatingin sila sa iyo, hindi mga aralin mo ang iniisip nila, kundi ang mga eksenang hindi dapat mabuo sa isipan nila? Naiisip mo ba ang long-term effect nito? I’m sorry, Miss Mendoza, pero that is not tolerable.”

At hindi na nga natapos ni Michelle ang taong pampanuruan, lalo na’t lumabag siya sa mga panuntunan ng mismong paaralan. Wala siyang laban dito dahil mismong mga magulang na ang humiling na hindi nila gugustuhing magkaroon ng gurong ‘pumapatol’ sa mga mag-aaral niya.

“Love, hindi yata okay itong relasyon natin. Ang mabuti pa, ihinto na muna natin ito. Ayokong mangyari pa sa iyo ang pagkakatanggal sa trabaho dahil lamang sa akin,” paliwanag ni Joco nang magkita sila.

Advertisement

Hinawakan ni Michelle ang mga kamay ng nobyo, na dating estudyante.

“Hindi, love. Paninindigan kita. Kaya natin ‘to. Wala nang makakapigil sa relasyon natin. Wala na ako sa paaralan. Mag-aaplay na lamang ako sa ibang paaralan, iyong hindi tayo makikilala, at walang makikialam sa atin.”

Gayon nga ang ginawa ni Michelle. Inasikaso na niya ang mga papeles para sa pag-aaplay sa pampublikong paaralan. Si Joco naman ay nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral. Agad namang nagkaroon ng item at nakapasok si Michelle sa kaniyang pinag-aplayan. Naging abala siya dahil maraming adjustments na kailangang gawin.

female teacher in front of chalkboard - pretty asian teacher stock pictures, royalty-free photos & images

Hanggang sa nawalan ng oras at panahon sa isa’t isa sina Michelle at Joco. Pinagmulan ito ng madalas nilang pag-aaway. Gusto ni Joco na mabilis kaagad ang pagre-reply ni Michelle sa kaniyang mga chat o text, bagay na hindi naman magawa kaagad ni Michelle dahil nga abala siya sa kaniyang trabaho.

“Pasensiya ka na talaga love. Tambak ang trabaho ko eh,” paghingi ng tawad ni Michelle nang sila ay mag-video call.

“Ganiyan naman lagi ang sinasabi mo. Trabaho. Wala ka nang panahon sa akin. Hindi mo na yata ako mahal.”

“Huwag ka nang ganiyan. Mahal kita, tandaan mo ‘yan…”

Hanggang sa napansin mismo ni Michelle na dumalang na ang pagcha-chat ni Joco sa kaniya, hanggang sa hindi na nga ito nagcha-chat.

Advertisement

“Kailangan kong bumawi,” saad ni Michelle.

Kaya naman, nang araw na iyon ay nagtungo sa mall si Michelle upang bumili ng paboritong pabango ng nobyo. Reregaluhan niya ito. Nasa counter na siya upang bayaran ang binili nang makita niya ang nobyo, kaakbay ang isang babae, na tantiya niya ay kaklase nito. Napaka-sweet nila sa isa’t isa. Halatang may relasyon ang dalawa.

young asian couple enjoying shopping in the mall - asian couple in a mall stock pictures, royalty-free photos & images

Kaya ganoon na lamang ang gulat ni Joco nang bumungad sa kaniyang harapan ang nobya.

“Mi-Michelle…”

Hindi na nakahuma pa si Joco. Pinakawalan ni Michelle ang isang matunog na sampal.

“Isinakripisyo ko pangalan at reputasyon ko para sa ‘yo, pero ito lang ang igaganti mo sa akin?! Tapos na tayo,” saad ni Michelle sabay alis. 

Tuluyan na ngang naghiwalay sina Michelle at Joco, at nabalitaan na lamang niyang may anak na ito sa babaeng nakita niyang kasama nito.

Napagtanto ni Michelle na minsan, may mga tao talagang hindi karapat-dapat sa mga sakripisyong ginagawa mo sa kanila, kaya kailangang mahalin muna ang sarili bago ang iba. Hindi naman niya isinasara ang kaniyang puso kung sakaling may kumatok: maging matalino lamang at huwag isasantabi ang pangalan at dignidad.