Pinagtawanan ng Klase ang Estudyanteng Naglilinis ng Mansyon Para Kumita; Sa Pagbalik Niya, Anong Nabago?

“Magandang umaga, class! Sino ang gustong mauna na magbahagi sa inyo ng naging bakasyon niyo?” tanong guro nila na si Miss Cruz. Malaking ngiti sa labi.

Maya-maya pa ay isa-isa na nitong tinawag ang kaniyang mga kaklase na pare-parehong sabik na magkuwento.

Kani-kaniya silang taasan ng kamay. Lahat ay sabik na ikwento kung saang lupalop sila ng mundo nagpunta.

Nang tawagin siya ng guro, mayabang na nagmartsa sa unahan si Carla.

“Nagpunta kami sa Japan. Bumisita kami sa mga tourist spots doon at nag-picture kami. Umulan ng snow. Kumain din kami sa iba’t ibang Japanese restaurants,” kwento niya habang ibinabandera sa mga kaklase ang mga litrato na nakunan nila.

Pumalakpak ang lahat pagkatapos. Manghang-mangha ang mga ito sa naranasan niya.

“Diane! Ikaw naman!” tawag ng kanilang guro sa kaklase niya.

Halatang nahihiya ito. Gayunpaman ay nagpunta pa rin ito sa unahan.

Advertisement

“Wala naman po akong pinuntahan. Buong bakasyon po akong tumulong kay Nanay. Naglinis po kami ng mansyon para magkapera,” asiwang kwento nito.

Agad na umugong ang tawanan at bulungan ng buong klase.

“Nakakahiya naman! Bata pa lang muchacha na agad! Hindi ba siya nahihiya na katulong ang nanay niya?”

Hindi nagsalita si Carla, ngunit hindi niya maiwasang mapangisi.

Tumungo na lang si Diane. Akala niya ay hindi na ito muling magsasalita pero nagkamali siya.

“Anong masama sa pagiging katulong? Marangal na trabaho naman iyon,” katwiran nito.

“Marangal ba ‘yun? Pumapayag kayong alilain ng ibang tao para lang sa kakarampot na pera,” tahasang komento niya.

“Hindi naman namin ‘to ginusto, Carla. Mahirap, oo, pero hindi naman dapat ikahiya. Hindi naman kami nagnanakaw o gumagawa ng kahit na anong masama,” pagtatanggol nito sa sarili.

Advertisement

Magsasalita sana siya ngunit sumabog na ang malakas na palakpakan. Maging ang kanilang guro ay nakangiting pumalakpak.

Asar-talong napairap na lang si Carla dahil sa bahagyang pagkapahiya.

“Makakatikim siya mamaya,” gigil na bulong niya.

Ang totoo ay sa bahay nila nagtatrabaho si Diane at ang ina nito.

Kaya naman nang makauwi siya sa kanilang mansyon ay agad niyang hinanap ang kaklase. Naabutan niya si Diane na nilalampaso ang sahig ng bahay nila.

“Hoy, Diane! Anong karapatan mong ipahiya ako?” galit na kompronta niya sa kaklase.

Natigil ito sa ginagawa.

“Hindi naman, Carla! Sinabi ko lang naman ang totoo,” sagot nito.

Advertisement

Hindi na siya nakapagpigil at hinila ang buhok nito ng buong lakas. Walang itong nagawa ang babae kundi ang umiyak at pumiglas.

“Tama na, Carla! Nasasaktan ako,” sigaw anito

Imbes na makinig ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa buhok ng babae.

Marahil ay hindi na rin ito nakatiis at sa huli ay gumanti rin ng sabunot.

“Anong nangyayari dito?” rinig niyang sigaw ng kaniyang mommy.

Doon pa lang sila napabitaw sa isa’t-isa.

“Mommy! Si Diane po ang nanguna, bigla na lang niya akong sinabunutan! Hindi nga po ito ang unang beses niyang ginawa ‘to, hindi ko lang sinasabi dahil ayaw kong magalit kayo sa kanila!” sumbong niya.

Bumakas ang galit sa mukha ng kaniyang ina.

Advertisement

“Anong ginawa mo sa anak ko?” galit na asik nito kay Diane.

Lihim na napangisi si Carla.

“Hindi po. Hindi ko po magagawa ‘yun,” naiiyak nitong sagot.

“Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?” kastigo ng kaniyang mommy na mas lalong nagpaiyak dito.

“Pinagtanggol ko lang naman po talaga ang sarili ko,” anito.

“At talagang sasagot ka pa! Ingrata! Tinanggap ko kayo sa pamamahay ko kaya lumugar kayo kung saan kayo nararapat!” galit na sigaw ng kaniyang ina saka ito binigyan ng isang sampal. 

Noon dumating si Nelda, ang nanay ni Diane.

Mukhang nakita nito ang buong pangyayari. Agad nitong nilapitan ang anak.

Advertisement

“Anong nangyayari? Bakit niyo pinagbubuhatan ng kamay ang anak ko?” gulat na tanong nito.

“Mabuti at dumating ka! Sinaktan niya sa anak ko. Kung tutuusin, kulang pa ‘yan!” matapang na sagot ng kaniyang ina.

“Hindi ho ‘yan magagawa ng anak ko. Sana ay kinausap niyo muna ako bago niyo ‘to ginawa! Wala kayong karapatan na saktan siya!” galit na bulalas ng nanay ni Diane. 

“Alalahanin mo na amo mo ako at katulong ka lang. Ako ang masusunod sa pamamahay ko. Maliban na lang kung gusto mo na masesante ngayon din?” taas noong hamon ng kaniyang ina. 

Akala ni Carla ay nagmamakaawa ang mag-ina, ngunit sa gulat nila ay nag-alsa balutan ang mga ito.

Hindi na raw nito kaya ang manilbihan sa pamilya nila.

“Tandaan mo, kahit kailan hindi ka papantay sa lebel namin. Mayaman kami habang ikaw habangbuhay na lang na katulong at tagapagsilbi,” paalala niya kay Diane nang gabing umalis ang mga ito sa mansyon kasama ang ina.

Iyon na rin ang huling beses niya itong nakita.

Advertisement

Ilang taon ang lumipas at nakatapos ng pag-aaral si Carla. Marami na ang nabago sa buhay nila.

Minana niya ang negosyo na sinimulan ng ina. Pero dahil hindi naman talaga iyon ang interes niya, unti-unting tumamlay ang negosyo, nalugi, hanggang sa nagdesisyon siyang tuluyan nang isara iyon.

Sa ngayon ay naghahanap siya ng bibili ng pwesto niya, upang mabayaran ang utang nila sa bangko.

“Nakahanap na ako ng interesadong bumili riyan sa pwesto mo,” isang araw ay pagbabalita ng kaibigan.

“Talaga? Mabuti naman. Akala ko wala nang bibili kasi hindi maganda ang pwesto,” natutuwang turan niya.

“Nagtaka nga rin ako, pero mukhang big time naman ‘yung bibili! Balita ko marami na siyang naitayong negosyo. Siguro ganoon din ang gagawin sa pwesto,” sagot nito.

Napabuntong hininga na lang si Carla bago minasdan ang kabuuan ng lugar na napamahal na rin sa kaniya. Wala nang mga gamit doon pero nakaukit na sa isip niya ang dating itsura noon.

“O siya, pupunta siya riyan mamaya. Ikaw na ang bahala magpapirma ng mga dokumento,” bilin nito saka ibinaba ang telepono.

Advertisement

Ilang oras ang lumipas bago dumating ang hinihintay niya.

Magiliw siyang lumapit sa dalawang bagong dating para salubungin ang mga ito, pero tila siya itinulos sa kinatatayuan niya nang makilala kung sino ang mga ito.

Walang iba kundi ang mag-inang Diane at Nelda na dati nilang mga kasambahay! Gulat na gulat siya, ngunit tila hindi man lang nagulat ang mag-ina nang makita siya.

“Anong ginagawa niyo dito?” takang tanong niya habang minamasdan ang anyo ng dalaga na ibang-iba na sa dati.

Nang hindi umimik ang mag-ina ay muli siyang nagtanong.

“Kayo ang bibili ng lugar na ito?” tanong niya.

“Oo, pero kung ayaw mo, ayos lang din. Pwede naman akong humanap ng ibang lugar,” ani Diane.

Nanlaki ang mata niya at agad itong pinigilan. Kailangan na kailangan niya na kasing maibenta ang lugar sa lalong madaling panahon!

Advertisement

“Hindi naman sa ganoon. Nagulat lang ako. P-paano ito nangyari? Ang laki na ng pinagbago niyong mag-ina!” bulalas niya.

“Ganoon talaga ang buhay. Bilog ang mundo. Hindi ka laging nasa isang pwesto lang. Syempre nagsumikap ako kaya gumanda ang buhay ko! Hindi ako nagpatalo sa sinabi ng iba noon sa akin na hindi ako aangat,” makahulugan nitong salita na may bahagyang patutsada.

Napayuko si Carla. Naalala niya kung paano niya tinrato ang mag-ina noon.

Ngayon ay baliktad na ang kanilang sitwasyon. Ngayon niya lang naintindihan ang pakiramdam ng panliliit na siyang ipinaramdam niya sa mga ito noon.