Salawahan ang Dalaga at Di Makapili sa Dalawang Lalaki, Sobra ang Pagsisisi Niya nang Mabunyag ang Katotohanan
Magulo ang buhay ni Maricel. Hindi niya na nakilala ang kanyang ama, basta ang alam niya lang ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang nasa sinapupunan pa lamang siya, nang isilang siya ng nanay niya ay naging abala ito sa iba’t ibang trabaho para lang mabuhay siya. Kaya lumaki siyang malayo ang loob dito, pagtungtong niya ng kinse anyos ay nilayasan niya na ang kanyang ina sa apartment na tinutuluyan nilang dalawa.
“Anak, wag kang umalis parang awa mo na. Tayong dalawa na lang sa mundo, wag mo naman akong iiwan Cheng,” halos lumuhod na ang nanay niyang si Aling Pacing.
“Ano ba naman! Kaarte-arte mo!” sabi niya at halos sipain ang mga braso nitong iniyakap sa kanang binti niya, wala na itong magagawa. Gusto niya na talagang umalis at sumama sa boyfriend niya.
Sa edad na 16 ay ibinigay niya na ang katawan sa kanyang unang nobyo pero di rin nagtagal ang kanilang relasyon, ngayong 21 years old na siya at nagtatrabaho sa isang bar.
Doon niya nakilala si Rodolfo, 47 years old na ito at kahit malayo ang agwat ng edad nila, napalagay ang loob ni Maricel sa lalaki. Hindi nito kailanman binastos siya sa kabila ng kanyang trabaho, si Rodolfo pa nga ang nanghikayat sa kanya na muling mag aral. Dahil sa lalaki ay naibalik niya ang respeto niya sa sarili.
“Ano naman ang ikinahihiya mo sa pagpasok sa high school?” sabi ni Rodolfo isang beses, magkatabi sila sa kama.
“Syempre, ang tanda ko na! I mean, kumpara sa mga kaklase ko. 16 lang sila tapos ako 21 na, pag tinatanong ako bakit late ako nakapag aral, alangan namang aminin ko na namokpok kasi ako? Baka maasiwa sila.” tatawa tawang sabi nya.
“Ano ka ba, wala naman sa edad yan. Bakit naman ako, ang tanda ko na para sayo, naaasiwa ka ba?” sabi nito. Umiling naman si Maricel, totoo naman kasi iyon. Para matapos na ang usapan ay hinalikan niya ang lalaki at muli nilang pinagsaluhan ang init ng pag ibig.
Maayos naman sana lahat, hanggang makilala ni Maricel si Rainier. Dalawang taon lang ang agwat ng kanilang mga edad, isa itong practice teacher sa high school na pinapasukan niya. Tulad ni Rodolfo, magalang ang lalaki at mabait. Walang bahid ng panghuhusga nitong sinasagot ang mga tanong niya kapag mayroon siyang hindi maintindihan sa lesson, iniwasan man ni Maricel ay kinikilig siya tuwing ang gwapong guro na ang magka-klase sa kanila.
“Miss Blanco, if you don’t mind, bakit late ka na nag aral?” tanong sa kanya ni Rainier isang hapon, inamin niya ritong hindi nya masyadong maintindihan ang lesson kanina sa math at nagkusa naman ang lalaki na i-tutor siya. Bonus pa dahil nilibre siya nito ng meryenda ngayon.
“Ano kasi yan Sir, naku, baka magbago ang tingin mo sakin, pasaway kasi ako dati. Tapos nagtrabaho pa ako sa bar..” sabi ni Maricel.
“Ah, tama nga ang sabi nila. Pero mali rin sa isang banda,” bulong nito sa sarili pero nakaabot iyon sa kanyang pandinig.
“Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong niya.
“Tama ang sinabi nila na nagtrabaho ka nga sa bar,pero tutol ako doon sa sinabi nilang malandi ka raw at pakawala,” nakangiti ito.
Na-touch naman si Maricel, nakakatuwa na bukod kay Rodolfo ay may isa pang tao na naniniwalang may pag asa pa siya. Lumipas ang ilang linggo at di namalayan ni Maricel na nahuhulog na rin siya kay Rainier, nagising na lang siya isang araw na litong lito dahil hindi niya malaman kung sino sa dalawa ang pipiliin.
Si Rainier, maginoo at bata pa, sa paningin ng lahat ay ito talaga ang mas bagay sa kanya. Habang si Rodolfo naman ay malayo ang agwat ng edad sa kanya pero napakalaki ng utang na loob niya sa lalaki. Isang gabi ay napagpasyahan niyang pumili na, kinausap niya si Rainier nang dumalaw ito sa apartment na tinutuluyan niya.
“Bakit? Bakit naman hindi? Dalaga ka, binata ako, ano ang hindi pwede doon? Ang nakaraan mo ba? Maricel, tanggap ko lahat yan. Bigyan mo lang ako ng chance,” sabi ni Rainier at hinawakan pa ang kamay nya.
“Hindi mo naiintindihan, may nauna na sayo sa puso ko. Please, wag nating gawing mahirap ang lahat. Mahal kita at mahal ko rin sya, ayokong masaktan kayong dalawa. Kaya parang awa mo na pabayaan mo na lang ako,” litong litong sabi ng babae.
“Kung mahal mo sya Maricel edi sana hindi ka napalingon sa akin,” sabi ni Rainier sa kawalan, unti unti nitong inilapit ang mukha sa dalaga.
Nang gabing iyon ay nagtalik sila. Ayaw mang aminin ni Maricel ay naligayahan siya sa piling ni Rainier, lalong nalito ang puso niyang salawahan. Kinabukasan ay di niya na hinintay pang magising ang lalaki, nag empake na siya at umuwi sa kanyang ina. Doon na muna siya, baka mas makapag isip siya.
Si Rodolfo naman ay abalang nagmamaneho, ilang beses na niyang sinubukang contact-in si Maricel pero hindi ito sumasagot, nang puntahan niya ito sa apartment nito kaninang umaga ay sinabi ng kapitbahay na umalis raw ang babae at uuwi na sa ina sa probinsya. Buti nalang, alam ng landlady nito ang address ng babae kaya ibinigay iyon sa kanya. Hindi niya kakayanin pag nawala sa kanya si Maricel, ito na lang ulit ang nakapagpangiti sa kanya mula nang maghiwalay sila ng kanyang misis.
Ilang sandali pa ay narating niya na ang address, pero nagtaka pa siya nang isang pamilyar na kotse rin ang kararating lang na pumarada sa likod ng sasakyan niya. Bumukas ang pinto at iniluwa ang sakay.
“Rainier?” gulat na sabi nya.
“Dad?” gulat din ito.
“What are you doing here?” halos sabay nilang sabi.
Papalabas ng gate si Maricel nang manlaki ang mata niya dahil nakita niya ang dalawang lalaking bumibihag ngayon sa kanyang puso, sabay na napalingon ang dalawa sa kanya.
“Maricel, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Mababaliw ako kapag nawala ka sa akin, alam kong malayo ang agwat ng edad natin pero..wala namang edad ang puso hindi ba?” madamdaming sabi ni Rodolfo, nilingon niya pa ang anak, “Rainier, nariyan kana lang din, ito si Maricel. Matagal ko na siyang minamahal, tanggapin mo sya anak dahil mula nang maghiwalay kami ng mommy mo ay siya lang ang nakapagpaligaya sa akin.”
Nasabunutan naman ni Rainier ang sarili niya,”So..s-si Dad pala,si Dad ang tinutukoy mong kaagaw ko sayo!” hindi makapaniwalang sabi nito, si Maricel man ay napako rin sa kanyang kinatatayuan. Sobra ang tibok ng puso niya at nais niya nang himatayin. Hindi malaman ng tatlo kung sino ang susunod na magsasalita dahil sa bigat ng kanilang natuklasan sa isa’t isa.
Akala ni Maricel ay iyon na ang pinakamalaking rebelasyon, nang biglang lumabas ang kanyang ina. “Maricel, ano ba yang ingay? May bisita ka ba anak- Rodolfo!” sabi nito.
Litong napatingin ang dalaga sa nanay niya, tigib ng luha ang kanyang mga mata at hinihingal siya dahil sa sobrang gulo ng nangyayari. Maya maya ay lumingon si Aling Pacing kay Rainier, hindi nito mapigilan ang mapaluha,”Hindi ko akalaing makikita ko kayo ulit,” sabi nito. Walang nagsasalita dahil gulat na gulat ang tatlo.
“Rodolfo, noong maghiwalay tayo ay hindi ko na nasabing buntis ako, ito si Maricel, ang bunso natin. Sayang, maraming taon ang nasayang.. sana ay nasubaybayan mo syang lumaki at sana naman ay natutukan ko rin si Rainier na panganay natin. Maricel, s-sila ang daddy at kuya mo..”
Nahimatay si Maricel sa kanyang narinig.
Nang dumilat siya ay ang lumuluhang nanay niya na ang kanyang namulatan, “Anak, alam ko na ang lahat. Nandito lang ako.” sabi nito.
Hindi alam ni Maricel kung ano ang mararamdaman, marahil ay ito na ang kabayaran niya sa pagiging pasaway sa kanyang ina. Kung nakinig lamang siya, sana ay hindi ganito ka-gulo ang buhay niya. Kung hindi siya masyadong naging mapusok at mapangahas, sana ay naging mapayapa ang lahat. Ngayon ay hindi niya alam kung saan magsisimula.
Mabuti na lamang at nariyan ang nanay niya, sa panahon ng dilim ay ang pagmamahal nito ang nagsilbi niyang liwanag. Hindi rin sya pumalya sa pagdarasal, nagpakalayu layo sila ng kanyang ina at nagsimulang muli. Bumawi siya rito at tinapos niya ang kanyang kolehiyo. Di nagtagal ay nakilala niya si Robert, mahal na mahal siya nito at alam ng lalaki ang kanyang nakaraan.
Ngayon ay masaya na si Maricel sa piling ng kanyang sariling pamilya.