Matagal na Inibig ng Dalaga ang Gwapong Navy Pero Wala Siyang Pag Asa Rito, Kaya Nakipag-Date nalang Siya sa Iba
Pumanaw ang nanay ni Sienna sa panganganak sa kanya, kaya naman ang kanyang daddy na isang lieutenant sa Philippine Navy na lamang ang nagpalaki sa kanya. Nag iisang anak lamang ang babae, kaya mahal na mahal siya ng kanyang ama. Halos lahat ng naisin niya ay ibinibigay nito, mamahaling mga damit, cellphone, bags. Sa kabila ng lahat ng yan ay naging mabuti ang dalaga at hindi siya naging isang brat.
“Girl, ito!” kinikilig na sabi ng kaibigan nyang si Lori. Hawak hawak nito ngayon ang isang kulay peach dress na sobrang iksi at malalim ang tabas sa bandang dibdib, sapat na upang i-display ang mayaman niyang hinaharap.
“Hala, sure ka ba dyan?” medyo naiilang na sabi niya, hindi niya maitatangging maganda nga ang damit. Kaya lang ay sobra naman yata para sa kanya.
“Gaga! bagay sayo to, kung gusto mong magtagumpay sa mission mo tonight, ito ang perfect dress para sayo ‘te, basta make sure mo lang na hindi pupunta ang daddy mo?” paniniguro nito.
Mamayang gabi kasi ay ang kanyang graduation party,ilang taon na rin ang ang iginugol niya upang matapos ang kursong Psychology. Pero hindi lang iyon ang importanteng magaganap ngayong gabi, target niya rin na tuluyan nang mapasakanya si Brandon.
“Hindi, sabi ko kay Daddy magdinner nalang kaming dalawa.Tsaka, 20 years old na naman ako. I’m sure daddy wouldn’t mind. Lastly, ito na lang ang chance ko kay Brandon.” malungkot na sabi niya.
Si Brandon ay isa sa mga navy na hawak ng kanyang ama, bata pa lamang siya, siguro ay mga 13 years old nang una niya itong makita sa birthday celebration ng kanyang ama. Sa sobrang gwapo nga ng lalaki ay napatid pa siya habang naglalakad at nakatingin dito noon. Buti nalang at trained ito, mabilis ang mga kamay na nasalo siya.
“Ingat ka bata,” nakangiting sabi nito, 18 years old na ito noon.
Alam niya naman na ang tingin lang sa kanya ni Brandon ay isang nakababatang kapatid, nginingitian nga lang nito ang mga pagpapapansin niya. Minsan ay nagnanakaw siya ng tingin kapag nasa bahay nila ito at ka-meeting ang daddy niya, bigla nalang itong susulyap sa kanya at kikindatan sya. Kilig na kilig naman siya noon kahit pa alam niyang biro lang iyon para kay Brandon. Marami-rami na rin ang naging girlfriends nito.
Sa tagal ng panahon ay unti unting lumalim ang pagtingin niya rito, ito ang sumusundo sa kanya sa eskwela kapag di pwede ang daddy nya. Katulong niya ito sa paggawa ng projects, ka-kwentuhan, ka-biruan, ang mga manliligaw niya ay hinaharang nito.Okay na sana ang lahat eh.
Pero iba ngayong gabi.
Kailangan niyang masiguro na sa kanya na ito mapupunta. It’s now or never ‘ika nga, narinig niya kasi ito noong isang linggo na kausap ang daddy niya.
“Sir, pwede na naman siguro akong magpakasal?” konsulta nito.
“Bakit naman hindi? Nasa tamang edad ka na naman,”
“Aalukin ko na nga siya sana eh, naghihintay lang ako ng timing,”
Nagtawanan pa ang dalawang lalaki. Gustong magalit ni Sienna sa daddy niya, di ba alam ng matanda na magiging brokenhearted sya pag nagkataon?
Kaya ito ang kanyang naisip, sa graduation party ay aakitin niya ang lalaki. Gagawin niya ang lahat para iuwi siya nito, malandi na kung malandi, mahal niya ito at ipaglalaban nya yon!
Mabilis lumipas ang oras at nagdatingan na ang mga bisita, sinadya ni Sienna na wag munang lumabas at hintayin si Brandon na dumating para naman hindi pa hulas ang make up niya pag nakita siya nito. Maya maya pa ay nakarinig siya ng mahihina pero natatarantang katok.
“Girl, open up!” si Lori.
“Ano?!” natataranta na rin sya.
“Girl, nandyan na si Brandon! Sheeeet, ang gwapo niya. Hindi siya naka-uniform ng pang Navy ngayon, nakawhite na polo lang at may bulaklak pa for you!” kinikilig na sabi nito.
Nagmamadaling tinignan ni Sienna ang sarili niya sa salamin, buti na lang at hindi pa siya oily at kare-retouch lamang ng kanyang make up. Lumabas na siya, sinusubukang wag ipakita na nate-tense siya. Kitang kita ang ilang mga matang napalingon dahil sobrang ganda nya ngayong gabi. Tignan niya lang kung isipin pa rin ni Brandon na isa syang bata.
“Congratulations Sienna!” sabi ng mga taong sumalubong sa kanya. Sala-salabat ang mga ito at wala sa sariling binati niya, sa isa lang kasi naka-focus ang mata niya, kay Brandon.
Nakatitig ito sa kanya, pero kabaligtaran sa nakasanayan niyang ekspresyon nito na nakangiti at masayahin, nakasimangot ito ngayon. Tila nanlalamig tuloy si Sienna at kinakabahan. Unti unti siyang lumapit sa lalaki, inabot nito sa kanya ang bulaklak pero di pa rin nagbabago ang pagkakasimangot nito.
“Congratulations,” halos lumabas sa ilong nito.
Di ka ba nagagandahan sa akin? Bulag ka ba? halos sabihin niya sa mukha nito pero ngumiti lang siya at nagpanggap na hindi affected dito.
“Since ikaw ang kuya-kuyahan ko, pwede bang sayaw tayo?” nagsimula na siya sa pang aakit pero nang marinig iyon ng lalaki ay gumalaw galaw ang panga nito. Namumula rin ang tenga.
“Sure,” sabi lang nito. Iginiya sya sa dancefloor at isinayaw.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” bulong nito sa tenga nya.
“Sumasayaw,” patay malisyang sabi niya, kahit alam naman niyang ang tinutukoy nito ay ang damit niya at ang pagpapakalasing nya.
“You know what I’m talking about Sienna.”
Di sumagot si Sienna at lalong idinikit ang katawan dito, alam niya namang kung sa pang aakit lang ay nagtatagumpay siya dahil nararamdaman niya ang pagkalalaki nito sa kanyang balakang. Hindi na nakatiis si Brandon, hinila niya ang babae at isinakay sa kanyang kotse.
Pero kung inaakala ni Sienna na hahalikan siya nito at aangkinin ngayong gabi, mali yata siya. Dahil inuwi siya ni Brandon sa bahay nila, tinawagan pa nito ang daddy niya at sinabing abangan siya sa gate. Ang sama sama ng loob ni Sienna, pahiyang pahiya siya. Obvious na naman kasi kung ano ang motibo niya pero tinanggihan pa rin siya nito, siguro ay ayaw talaga sa kanya ng lalaki.Baka ganoon ka-mahal nito ang nobyang pakakasalan kaya hindi siya napapansin.
“Sir, kunin nyo ang dress na iyan ni Sienna at sunugin nyo na. Masyadong pasaway ang babaeng yan, brat.” tiim bagang na sabi ni Brandon.
Natatawa naman ang daddy ni Sienna at inakay na ang walang imik na dalaga,”Salamat sa paghahatid sa kanya Brandon.”
Mula noon ay hindi na dumadalaw sa kanila ang lalaki, isang linggo na ang nakalipas. Ang alam niya ay may misyon ito at ang daddy nya, pero ang kanyang ama ay huwebes palang nakabalik na. Sigurado siyang nakabalik na rin si Brandon, di lang dumadalaw sa kanila dahil abala sa nobya. Aray.
Abala sa kasal, sa date..sa honeymoon. Ah! Kaysa mabaliw si Sienna ay naisip niyang i-text na lang ang manliligaw na ilang beses niya nang binasted dahil sobrang yabang, si Marcus. Wala naman siyang balak na sagutin ang lalaki, pero mas mabuti nang makipag date at maging abala kaysa iniisip niya si Brandon.
“O? San ang punta mo?” sabi ng daddy ni Sienna, nagbabasa ito ng dyaryo.
“Makikipag date lang ako dad, pwede na naman diba?” sabi niya. Nagtaka naman ang kanyang ama.
“K-kanino?”
“Kay Marcus, manonood lang kami ng sine sa SM dad.”
“Pupunta si Brandon mamaya, may meeting kami ulit,” sabi nito sa kanya, di naman lihim sa daddy nya na crush nya si Brandon.
“Hayaan mo sya, naka-move on na ako dun,” sabi nya at kinindatan ito. Hindi naman totoo yun pero umaasa syang maikwento nito iyon kay Brandon, makabawi man lang sya sa pamamahiya ng lalaki sa kanya.
Nasa mall na sila ni Marcus at nakapila sa bilihan ng ticket, showing kasi ng isang sikat na palabas. Nakahawak sa bewang niya ang lalaki, naaasiwa man siya ay di niya naman maalis iyon dahil ayaw niyang ma-offend ito.
“Sienna.”
Napalingon si Sienna sa may ari ng baritonong boses at di nga siya nagkamali,si Brandon. Kasama nito ang isa pang kaibigang Navy na tila walang ideya sa nangyayari.
“Brad, ano ba ito? Kailan ka pa nahilig sa panonood ng sine- hi Sienna!” sabi nito nang makita siya, siniko naman ito ni Brandon.
“H-hi, Darren, Brandon, ito si Marcus- date ko. Marcus, this is Darren and B-Brandon, mga subordinates ni daddy sa Navy,” pagpapakilala nya sa mga lalaki. Diyos ko, ramdam na ramdam ang tensyon sa paligid. Hinigpitan ni Marcus ang pagkakahawak sa bewang niya, pabalik balik ang tingin ni Brandon sa mukha niya at sa bewang niyang hawak ni Marcus, habang si Darren naman ay tila naiipit sa sitwasyon. Nagtanguan lang ang mga lalaki.
Naunang makapasok sina Sienna at Marcus sa sinehan, maya maya pa ay napansin niyang pumasok na rin ang dalawang lalaki. Hindi niya na natanaw kung saan nakaupo ang mga ito dahil masyadong madilim sa loob, nagsimula na kasi ang palabas. Marahil sa sobrang lamig sa sinehan at sa tensyon na rin ay naramdaman ni Sienna ang pagkaihi.
“Marcus, I have to go to the bathroom,” pagpapaalam niya sa lalaki. Tila batang hook na hook naman sa palabas si Marcus at tumango lang sa kanya.
Dali-daling pumunta sa CR ng sinehan si Sienna, hay Diyos ko! Napaka-stressful ng araw na ito,sa dinami rami ng pwedeng makita.
Iniangat niya na ang kanyang pantalon, nakarinig pa siya ng ilang babaeng naghagikgikan bago tumahimik ang paligid. Pagbukas niya sa pinto ng cubicle niya ay natakpan niya ang bibig nang makita kung sino ang nakatayo roon..
Si Brandon.
“A-anong ginagawa mo rito? CR ng babae to!” sabi niya rito, humarap siya sa lababo at naghugas ng kamay, umaaktong parang wala lang sa kanya pero ang totoo ay ang lakas lakas ng tibok ng puso nya.
“Bakit ka nakikipagdate?” sabi nito.
“Bakit hindi?” panunupla niya.
Bumuntong hininga si Brandon,”Sienna, pinapakomplika mo ang sitwasyon, bakit ba ang kulit kulit mo?” halos aburidong sabi nito.
Aba, at siya pa ang may kasalanan ngayon! Nananahimik na nga siya!
“Ikaw ang nagpapakomplika! Bakit bawal akong makipag-date aber? I’m 20, pucha, pwede na nga akong magpakasal eh. Nagpaalam naman ako sa daddy ko at pumayag sya. Tapos ikaw susulpot bigla dito at kukwenstyunin ako? Tsaka pwede ba Brandon, mag move on kana sa buhay mo magpakasal kana kasi ako nagmu-move on nako!” dire-diretsong sabi nya.Hindi niya na napigil ang emosyon na matagal na niyang itinatago. Tutal ito na rin lang, aaminin niya na.
Magsasalita pa sana siya pero natulala sya sa sunod na sinabi ng lalaki.
“I love you.”
“Ano?” nabingi yata si Sienna.
“Bata ka pa lang mahal na kita Sienna pero sobrang nirerespeto ko ang daddy mo. Siya na halos ang tumayong ama ko, napakabasagulero ko noon pero pinasok nya ako sa Navy at nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Kaya nga nangako ako sa kanya na kahit na gusto kita titiisin ko hanggang sa makatapos ka ng pag aaral dahil nag iisa ka niyang anak Sienna, gusto ko karapat dapat na ako sayo pag nagkataon. Pero kung anu anong pinaggagawa mo! Nung party mo, alam mo bang hirap na hirap akong magpigil? Ang kulit mo! Kung hindi lang ako nangako sa daddy mo..
Tapos.. tapos pagkagaling ko sa misyon ay binisita ko yung bahay na pinapagawa ko sana para sa atin kaya busy ako, tapos malalaman ko sa daddy mo nakikipagdate ka sa iba? Diyos ko naman Sienna, halos patayin mo ako sa sakit- anong nginingiti ngiti mo dyan?!” bulyaw ni Brandon, halos maiyak na siya sa pagpapaliwanag ay nakangiti pa ang babae sa harap nya.
“Bakit sabi mo sa daddy 2 weeks ago ready kana magpakasal?” nakanguso ito.
“Ready na magpakasal sayo!” Di na napigilan ni Brandon ang sarili at hinalikan na ang babae, di bale nang mahuli sila ng pamunuan ng mall dito sa loob ng CR. Magpapaliwanag na lang sila.
Paglabas nila ng CR ay naroon ang nakasimangot na si Marcus, tumalikod ito at naglakad na palayo. Habang ang kaibigan naman ni Brandon ay nakangiti, “Sa wakas, nagkaaminan din.”
Mabilis lang ang naging preparasyon sa kasal ng dalawa, magiting na nakatayo ang mga Navy sa gilid ng lalakaran ni Sienna at proud na inihatid siya ng kanyang daddy sa altar. Maluha luhang nakaabang si Brandon sa dulo noon.
Alam ng daddy ni Sienna na magiging masaya ang kanyang unica hija sa piling ni Brandon, na itinuring niya na ring parang anak. Sobrang ligaya niya na ang dalawa ang nagkatuluyan.
Ngayon ay masaya nang namumuhay ang dalawa na biniyayaan din agad ng kambal na anak.