Matagal nang OFW si Mea Anne sa ibang bansa. Pinili niya ang mangibang bansa para sa kanyang pamilya. Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay ilang taon na itong tuloy-tuloy sa pagtatrabaho sa ibang bansa at hindi na nakakauwi sa Pilipinas.
Nakapagtapos na ng high school ang kanyang dalawang anak at pinaghahandaan na niya ang pagpasok ng dalawa sa kolehiyo. Ngunit hindi na muna nasunod ang kanyang plano dahil nang ma-contact niya ang kanyang mga anak ay ibinalita ng dalawa na sila ay inaalila ng kanilang tiyahin at ilang beses lang sa isang araw kung pakainin.
Sa awa niya sa kanyang mga anak ay pinaupa na lamang niya ito sa isang maliit na apartment na malapit sa kanyang ina. Bukod sa makakakilos na kasi sila ng maluwag ay maaalagaan rin sila ng kanilang papa matapos mamasada buong hapon.
Naging maayos na ang pamumuhay ng mag-anak at nakapagtapos na ang isang anak ni Mea Anne ng nursing.
“Anak, congratulations! Pasensiya na at wala si mama sa graduation mo. Pero pangako, ‘pag nakapag-ipon na tayo ng malaking pera ay mananatili na ako d’yan sa Pilipinas at magnenegosyo nalang tayo, ha? Mahal na mahal kita anak,” naluluhang sabi ni Mea Anne sa kanyang panganay na si Kristina.
“Okay lang yun, ma! Para sa inyo ‘to nila Jun at Papa. Makakatulong na rin po ako sa inyo. Maraming salamat, ma. I love you!” malambing na pahayag ni Kristina habang lumuluha.
“Anak, nagpadala ako sa account mo sa bangko, hindi naman ganun kalakihan ‘yun pero gamitin mo ‘yun. Regalo ko sa’yo ‘yun. Magpunta kayo sa mall nila Papa at Jun. Pakainin mo sila sa labas at yung matitira ay ibili mo ng kahit anong gusto mo,” nakangiting sabi ni Mea Anne sa kanyang anak. Lumipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Mea Anne nang tawagin siya ng kaniyang amo.
Habang bugbog na sa trabaho ang katawan ni Mea anne ay ang asawa naman niya na si Ed ay lubos na nangungulila na sa kaniyang asawa. Bukod sa namimiss niya ito ay hindi na rin napupunan ang pangangailangan nito sa kanyang katawan.
Sa ‘di inaasahang pangyayari ay nakilala ni Ed ang bayarang babae na si Sabel nang mag-aya na mag-inuman ang mga driver sa isang kabaret. Marami itong kolorete sa mukha at damit panloob lamang ang suot nito sa loob ng kabaret.
Nagtama ang tingin ng dalawa at agad namang lumapit ang babaeng bayaran kay Ed. Dahil sa mabubulaklak na salita ng babae at sa galing nitong mang-akit ay agad nitong nakuha ang loob ni Ed. Nadala rin sa init ng katawan ang lalaki kaya naman agad-agad itong kumuha ng kwarto at ginawa nila ang makasalanang gawain kahit alam ni Ed na siya’y pamilyado na. Inisip na lang ng lalaki na hindi naman nila malalaman kaya ayos na lang na gawin niya ito.
Ilang araw, linggo, buwan, ang lumipas ay napansin na ni Mea Anne na parang nanlalamig na sa kaniya ang kaniyang asawa. Lagi na lang itong may ginagawa o kung hindi naman ay laging nagmamadali na matapos ang usapan. Sabi naman ng mga anak nila ay minsan na lang din daw itong umuwi sa kanila na labis nilang ipinagtataka. Lagi rin daw mainit ang ulo ng kanilang ama nang minsanan itong umuwi.
Ang dahilan ng pag-init ng ulo si Ed ay dahil gusto ni Sabel na maging mag-asawang legal na sila ni Ed. Dahil sa lubos na pagmamahal ng babae kay Ed ay kaya nitong gawin ang lahat para sa kanya.
“Kahit dumaan man ako sa impyerno ay gagawin ko mapasakin ka lang,” ‘yan ang laging sinasabi ng babae sa kanyang isip kapag umaayaw si Ed na pakasalan siya.
“Hindi maaaring mangyari ang gusto mo dahil legal na asawa ko si Mea Anne. Kasal kami sa simbahan, hindi mo ba naiintindihan ‘yun? Mawawalan lang ng bisa ang kasal namin kung mamawala ang isa sa amin,” parating sagot ni Ed kay Sabel.
Makalipas ang ilang linggo ay sumama ang pakiramdam ni Mea Anne, ‘di niya alam kung dahil ba magkakasakit siya o dahil sa pagod sa trabaho. Lagi rin niyang nababanggit sa kanyang anak na laging sumasakit ang pribadong parte ng kanyang katawan. Nagpatingin naman siya sa doctor ngunit wala naman silang nakitang mali sa kanya, kaya niresetahan na lamang siya ng pang-alis ng sakit.
Nang malaman ito ng ina ni Mea Anne ay agad siyang pumunta sa kanilang kamag-anak sa dahil walang tigil ang pagdudugo ng maselang parte ng pagkababae niya at dumudumi na itong ng may kung anong insekto. Minsang nabanggit din ni Mea Anne na may lumalabas na nana sa kanyang dibdib.
Nang malaman ito ng kanyang kamag-anak na manggagamot na si Aling Tessie ay agad na sinabi ng ale na magpadala ito ng damit na kahuhubad lamang at agad naman itong ipinadala ni Mea Anne.
Nalaman nilang palipad hangin ang ginawa kay Mea Anne at tawid dagat daw ito. Dahil nasa ibang bansa si Mea Anne ay sa palipad hangin rin siya ginagamot at pinoprotektahan ng kanyang kamag-anak na si Aling Tessie.
Gagaling na sana si Mea Anne ngunit nalaman ni Kristina, ang kaniyang panganay na anak, na nagpapadala lagi si Mea Anne sa kanyang kamag-anak. Inisip nito na mas nakikinabang na lamang sila sa kaniyang ina kaysa sa kanilang magkakapatid. Kaya naman pag may pinapadala sa kanila ang kanyang ina ay hinaharang niya upang hindi ito mapunta kila Aling Tessie.
Hindi nakinig si Kristina sa kahit anong paliwanag ng kanyang Lola at ni Aling Tessie. Nabulag ito sa inggit kaya hindi ito mapakiusapan.
Dahil hindi natapos ang gamutan nila Aling Tessie at Mea Anne ay bumigay na ang katawan ng babae at binawian na ng buhay. Naubusan raw ito ng dugo at nasira ang mga organ niya sa katawan na parang kinain ng kung anong hayop sa katawan.
Napag-alaman din na ang kinakasama pala ng Ama ni Kristina at Jun ay may alam sa pangkukulam dahil galing ito sa Cebu at doon natuto. Nagwagi ang babae sa pagpalit niya sa pwesto ni Mea Anne at ngayon ay siya na ang kinakasama ni Ed.
Hindi man nakamit ni Mea Anne ang katarungan sa mundong ito ay makakamit niya naman ito sa muling pagbabalik niya sa Diyos Ama sa kabilang buhay. Mula sa langit, susubaybayan niya na lamang ang mga mahal niya sa buhay na naiwan niya sa lupa. Hahayaan niya na lamang din na karma ang gumanti para sa mga taong gumawa ng masama sa kaniya.