Inday TrendingInday Trending
Pinilit Niyang Agawin ang Mister ng Kaibigan; Hindi Niya Akalaing Delubyo ang Pinasok Niya

Pinilit Niyang Agawin ang Mister ng Kaibigan; Hindi Niya Akalaing Delubyo ang Pinasok Niya

Hindi maiwasan ni Sylvia na mainggit sa tuwing nakikita niya ang kaibigang si Marieta at ang asawa nitong si Alex, isang negosyante. Bukod kasi sa mayaman ang lalaki ay matipuno rin ito at sobrang gwapo — mga katangiang hinahanap ni Marieta.

Inggit na inggit din siya sa pamumuhay ni Marieta. Hindi na kasi nito kailangan pang magtrabaho, hindi katulad ni Sylvia na isang call center agent pa rin hanggang ngayon. Palaging nabibili ni Marieta ang kaniyang gusto at talagang makikita mong pinagbibigyan siya ng asawa.

“Kailan kaya ako makakakilala ng katulad ni Alex. Ang swerte mo talaga sa kaniya!” wika ni Sylvia.

“Minsan, mahirap din ang buhay na ganito. Hindi ko laging nakakasama ang asawa ko dahil abala nga sa trabaho. Kaya siguro madalas niyang pagbigyan din ang mga gusto ko. Lalo kung magsho-shopping!” nakangiting sambit naman ni Marieta.

“Iyan talaga ang buhay na gusto ko, Sylvia. Sana ay makahanap din ako ng lalaking kagaya ni Alex,” dagdag pa nito.

“Kahit hindi kagaya ni Alex, Sylvia, basta lalaking mamahalin ka at ire-respetuhin ka, ayos na iyon!” saad muli ng kaibigan.

Para kay Sylvia ay madaling sabihin ito ni Marieta dahil maayos ang kaniyang buhay sa piling ng kaniyang asawa. Pero para sa tulad niyang kapos sa buhay, malaking rason par humanap siya ng mayaman.

Dahil sa pagnanais ni Sylvia na magkaroon ng asawa na tulad ni Alex ay nakipag date siya kung kani-kaninong lalaki na mayaman. Ngunit ramdam niyang hindi siya ginagalang at hindi siya sineseryoso ng mga ito.

Isang araw ay nagpunta ng hotel itong si Sylvia upang makipag date. Akala niya ay ito na talaga ang lalaking para sa kaniya. Matipuno rin ito at may itsura. At higit sa lahat ay negosyante rin.

Ang akala niya ay kakain sila sa isang mamahaling restawran sa loob ng hotel. Nagulat siya nang bigla siyang hinawakan nito at pilit na niyayaya sa isang silid doon.

“Sandali lang! Hindi ako ganiyang tipo ng babae! Pakawalan mo nga ako!” giit ni Sylvia.

“Kunwari ka pa! Hindi ba’t pera ko lang ang nais mo? Para naman may pakinabang ako sa iyo’y pasayahin mo ako kahit ngayong gabi lang. Sandali lang tayo. Pangako ko sa iyo na hindi ka masasaktan sa gagawin ko,” dagdag pa ng lalaki.

Pilit na pumipiglas si Sylvia. Nais na sana niyang mag eskandalo ngunit ayar rin niya ang mapahiya. Hanggang sa may isang lalaki na biglang umawat sa kanila.

“Sinabi na niyang ayaw niya, ‘di ba? Huwang mo siyang pilitin!”

Nagulat na lang si Sylvia nang makita niya si Alex.

“Ayos ka lang ba, Sylvia? May ginawa bang masama sa iyo ang taong ito? Tara na at iuuwi na kita,” dagdag pa ng ginoo.

Hindi na nakapagsalita pa ang dalaga. Pero sa puntong ito ay bigla na lang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Nahulog na siya kay Alex.

Habang nasa kotse ni Alex ay panay pa rin ang titig ni Sylvia dito. Hindi niya napigilan na halikan ang ginoo.

“Sandali, Sylvia, hindi tama itong ginagawa natin. Kaibigan mo si Marieta, ‘di ba?” saad ni Alex.

“Oo, kaibigan ko siya at mali talaga itong ginagawa ko. Pero hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa iyo. Ikaw ang lalaking matagal ko nang pinapangarap, Alex. Pero alam kong tali ka na. At wala nang pag-asang maging tayo. Hayaan mo naman akong mahalin kita. Hindi naman ito kailangang malaman ng asawa mo, e. Matitiis ko naman kung itatago mo ang relasyon natin. Ang gusto ko lang ay makasama ka,” naiiyak na wika ni Marieta.

Dito na gumanti ng halik si Alex. Sa mga sandaling iyon ay nagtungo na sila sa isang hotel ay doon na nangyari ang kanilang pagtataksil.

Mula noon ay naging kabit na itong si Sylvia. Ngunit hindi siya mananatiling pangalawa dahil gagawin niya ang lahat upang maangkin ang asawa ng kaniyang kaibigan.

Walang kaalam-alam si Marieta sa panloloko sa kaniya ng dalawa. Madalas magkita ang mga ito lingid sa kaniyang kaalaman at pinagsasaluhan ang init ng kanilang mga kasalanan.

Hanggang isang araw ay hulog na hulog na nga itong si Alex kay Sylvia.

“Bukod sa mas maganda at mas magaling ka sa kama ay mas masarap kang magmahal, Sylvia. Gusto ko na palagi kitang kasama,” wika ng lalaki.

“Kaya ako na lang ang piliin mo. Hiwalayan mo na yang si Marieta, tutal ako naman ang nakakapagbigay sa iyo ng aliw na gusto mo,” wika naman ni Sylvia.

Sa panunulsol nga ng dalaga ay tuluyan nang hiniwalayan ni Alex ang kaniyang asawa.

“Anong ibig sabihin nito, Alex? Bakit kailangan kong umalis ng bahay na ito? Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba’y sayo lang ako?” pagtangis ni Marieta.

“Noon ‘yun! Noong may halaga ka pa sa akin. Ngayon ay hindi na kita mahal. Hindi na kita gusto. Wala ka nang bilang sa akin. Umalis ka na rito at hindi na kita kailangan pa!” pagtataboy ni Alex sa kaniyang misis.

Hindi na lumaban pa itong si Marieta at tuluyan nang umalis ng pamamahay na iyon. Nagulat siya nang makasalubong ang kaibigang si Sylvia.

“A-anong ginagawa mo rito, Sylvia? Huwag mong sabihin sa akin na ikaw ang bago ni Alex?” saad nito.

“At ano naman sa iyo ngayon? Narinig mo naman si Alex, ‘di ba? Ayaw na niya sa iyo! Wala ka nang halaga sa kaniya dahil ako na ang mahal niya ngayon. Kaya tanggapin mo na lang ng maluwag, Marieta. Umalis ka na ng payapa dito sa bahay na ito dahil ako na ang bagong reyna dito!” pagtataray pa ng kaibigan.

“Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo, Sylvia. Kaya kung ako sa iyo, habang may panahon ka pa’y umalis ka na,” sambit naman ni Marieta.

“Sinasabi mo lang ‘yan dahil inggit ka sa akin dahil nabaling na ang atensyon ni Alex sa kagandahan ko. Huwag mo nang pagmukhaing kawawa ang sarili mo. Umalis ka na bago pa kita ipagtabuyan!” dagdag pa ni Sylvia.

Naging malaya na sina Sylvia at Alex na mahalin ang isa’t isa dahil wala nang hahadlang pa sa kanila. Noong una ay naging masaya naman ang kanilang pagsasama. Wala nang mahihiling pa si Sylvia dahil ibinibigay ng ginoo ang lahat ng kaniyang hiling.

Ngunit habang tumatagal ay nagbabago na ang ugali nito. Naging mahigpit na ito sa kaniya at madalas nang magduda kung sino ang kaniyang mga kausap at kasama. Hindi na rin siya p’wedeng umalis ng mag-isa. Ayaw nito na hindi siya nakaayos. At higit sa lahat ay kailangan niyang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos nito dahil kung hindi ay masasaktan siya.

Ang dating paraisong buhay ay bigla na lang naging delubyo.

Isang araw, sa sobrang galit ni Alex ay muli niyang nasaktan ang kinakasama dahilan para dalhin ito sa ospital.

Doon ay nakita niya si Marieta at buntis ito.

“Huwag kang mag-alala at hindi namin anak ito ni Alex. May bago na akong asawa. Matino at mapagmahal hindi kagaya ni niyang si Alex,” wika ng dating kaibigan.

“A-anong ibig mong sabihin? Alam mo ang tunay na ugali ni Alex? Naranasan mo na rin ba ito sa kaniya?” ipinakita ni Sylvia ang lahat ng pasa sa kaniyang katawan.

“Iyan ang dahilan kung bakit pinapatakas na kita noon. Hindi ko kayang makitang saktan ka rin ni Alex. Mukhang maganda lang ang buhay ko noon dahil iyon ang gusto niyang isipin ng tao. Pero ang totoo’y miserable ako, Sylvia! Walang araw na hindi niya ako sinaktan. Ayaw niyang magbuntis ako. Ayaw niyang masira ang pigura ko dahil ikakahiya niya raw ako. Mabuti lang ay nakalaya na ako sa kaniya at nahanap ko na ang tunay na lalaki na magmamahal sa akin,” pahayag pa ni Marieta.

Kung alam lang sana ni Sylvia ang tunay na pagkatao ni Alex ay hindi na niya siya mangangahas na makipagrelasyon dito.

“Patawarin mo ako, Marieta, sa lahat ng nagawa ko sa iyo. Marahil ay ito na ang karma ko sa pang-aagaw ng asawa mo! Kinain ako ng inggit! Ang sama-sama kong kaibigan,” saad pa ni Sylvia.

“Huwag kang manghingi ng tawad sa akin dahil maayos na ang buhay ko ngayon. Humingi ka ng kapatawaran sa sarili mo, Sylvia. Kahit na hindi maganda ang nagawa mo’y hindi pa rin dapat na maranasan mo ang ganito. May oras ka pa. Iligtas mo na ang iyong sarili,” dagdag pa ni Marieta.

Nagpasya na si Sylvia na tuluyan nang iwan si Alex at magbagong buhay. Labis ang kaniyang pagsisisi sa ginawa niya sa kaniyang kaibigan kaya tanggap niya ang masamang nangyari sa kaniya.

Sadyang walang magandang maidudulot ang inggit. Kapag ito ang namutawi sa puso mo’y lalamunin ka nito at ikaw mismo ang mapapahamak.

Advertisement