Pinagbintangan ng Tindera na Magnanakaw ng Candy ang Bata, Binawian na Ito ng Buhay nang Malaman Niya ang Buong Katotohanan

Matagal nang tindera si Aling Juana, buti na nga lang ay tinatangkilik pa rin ng mga tao ang kanyang sari sari store kahit na ubod siya ng sungit. Siya lang naman kasi ang pinakamalapit na tindahan sa barangay nila, ang iba ay kailangan pang mag-tricycle bago mapuntahan.

“Ano?! Papalitan?! Di ba’t sinabi ko ay bawal nang palitan?” mataray na sabi ng may edad na babae sa isang batang nakikiusap na palitan ang biniling pangbudbod sa ulam.

“Sorry po aling Juana, sabi ho kasi ng nanay ko iyong maliit lang daw pala, mahal daw po kasi ito eh bibili pa ako ng sibuyas po, tsaka konti lang naman po kasi ang sinigang na iluluto.” nakatungong sabi ng bata.

“Ilang ulit kitang tinanong kung maliit o malaki, sabi mo malaki tapos ngayon papalitan. Bwisit, bwisit kayo!” sabi niya na padabog na kinuha ang sinigang mix na ibinalik ng bata at pinalitan iyon ng mas maliit, kasama ang baryang sumobra sa bayad nito.

Ganoon lang siya araw araw, nangbubulyaw ng bibili. Isang hapon, tahimik na nakikinig ng radyo si Aling Juana nang marinig niyang gumalabog ang isang garapon ng mga candy. Kasabay niyon ay natanaw niya ang mga batang nagtatakbuhan, agad siyang lumabas ng bahay at naabutan niya ang isang bata, hinablot niya ang tenga nito.

“Aray!!!” sabi ng bata.

“Kebabata nyo pa eh magnanakaw na kayo! Yan ba ang itinuturo sa paaralan ha?! Ha?!” sabi niya na lalong diniinan ang tenga nito.

“T-teka lang po, kasi po- aray!” sabi ulit ng bata nang lalong idiin ni Aling Juana ang pagkakapingot dito.

Advertisement

“Umalis ka dito! Bago pa kita masaktan lalo, ayaw kong makabalik balik ka. Diba ikaw ang anak ni Marga? Kilala ko ang nanay mo, isusumbong kita at ipababarangay ko kayo kung babalik ka pa. Bwisit kang bata ka!” sabi niya at binatukan pa ito bago pumasok sa loob ng bahay.

Lumipas ilang linggo, napadungaw si Aling Juana nang marinig na medyo maingay sa labas ng kanyang tindahan.

“Psst, Janice. Ano’ng nangyayari diyan?” tanong niya sa isa sa mga babae na nakatambay sa labas, malungkot ang mukha nito.

“Ahh, inilibing na ho kasi ang anak ni Marga. Kawawa nga eh, tinamaan ng dengue ang bata, wala raw kasing pera kaya hindi nadala agad sa ospital.” sabi nito.

Napahawak naman sa dibdib si Aling Juana, anak ni Marga? Hindi ba iyon ang batang, piningot niya ilang linggo na ang nakararaan?

Umupo na lang muli si Aling Juana at nakinig ng radyo, baka naman nagkakamali siya. Humupa na rin ang mga tao at tahimik na ang paligid nang biglang may narinig siyang nagtatawag sa kanyang tindahan.

“Te, te… Aling Juana.” sabi ng tatlong boses ng mga bata.

“Ano yon? Wala akong dynamite!” sabi niya dahil iyon lagi ang candy na binibili ng mga ito.

Advertisement

“H-hindi po kami bibili.” sabi ng mga ito, kapansin pansin na malungkot ang mata ng mga bata.

“Ano palang kailangan nyo?” nakataas ang kilay na sabi niya.

“Hihingi po kami ng tawad, kasi po, kami po ang nagnakaw ng candy noong isang isang linggo po.” sabi ng isa sa mga ito.

Ahh, ito ang mga tumakbong bata!

“Ito po kasi ang palaging sinasabi ng kaibigan naming si Hans pero natatakot po kasi kaming lumapit sa inyo, pero ngayon po kasi, wala na ang kaibigan namin.” napaiyak na ang mga ito.

“I-ibig sabihin, si Hans, iyong, a-anak ni Marga?” di makapaniwalang tanong niya.

“Opo pinigilan niya po kaming magnakaw noong araw na iyon pero di kami nakinig. Tutol po sya noon at di po sya kumuha ng candy sa inyo.” humihikbi pang sabi ng mga ito.

Natulala naman si Aling Juana, naging sobrang mapanghusga siya.

Advertisement

“O ayan, sa iyo na yan ha.” nakangiting sabi ni Aling Juana sa batang bumibili ng pandesal, ibinigay niya na kasi ang sumobrang isa pa. Tutal nakaubos na naman siya ng pandesal at nabawi niya na ang puhunan, kitang kita niya ang saya sa ngiti ng bata.

Natuto na si Aling Juana na maging mabait sa kapwa at huwag maging mapanghusga, lalong dumami ang mga customer niya dahil ngayon ay kagiliw-giliw na ang dating mala-tigreng tindera.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.