Nagmaldita ang Sikat na Aktres na Ito sa Isang Matandang Babaeng Nakasabayan sa Salon; Napahiya Siya Nang Malaman Kung Sino Ito

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ng sikat na artistang si Ellaine De Pena sa kaniyang sasakyan, agad niyang kinuha ang kaniyang alcohol sa kaniyang bag at parang diring-diring nilagyan nito ang kaniyang mga kamay pati na mga braso. May mga tagahanga kasi siyang nagpakuha ng larawan sa kaniya at nakipagkamayan pa.

“Itong mga dugyot na taong ito, para silang mga bacteria na kung saan-saan nagsusulputan! They are invading my privacy,” bulalas ni Ellaine. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung may mga mensahe ba siya.

young woman in taxi - serious asian woman in the car stock pictures, royalty-free photos & images

“Madam, saan na po tayo pupunta?” tanong ng kaniyang beking alalay na si Jeru.

“Parang gusto ko munang magpasalon. May nakita akong bagong salon na medyo malapit doon sa pinagkainan nating restaurant. Gusto ko masubukan doon. Kumusta ang update sa mga social media platforms ko?” tanong ni Ellaine.

“So far, so good naman madam. Umabot na sa 500,000 likes ang selfie ninyo kanina habang nagme-make up kayo. May mangilan-ngilan lang na bashers pero in-control pa rin naman tayo,” sagot ni Jeru.

“500,000 likes lang? Bakit hindi milyon? Gawan mo nang paraan na kailangan milyon ang likes ng mga social media posts ko, maliwanag ba? Wala akong pakialam kung ilang trolls ang kunin ninyo. Isa pa, kailangang masiraan ninyo sa publiko ang imahe ni Sunshine Mirasol,” saad ni Ellaine. Si Sunshine ay isa pang sikat na artistang kasamahan niya sa TV network kung saan siya pirmadong eksklusibong artista.

“Opo, madam, opo,” natataranta namang tugon ni Jeru.

Sikat na sikat si Ellaine at sa katunayan ay mataas ang rating ng kaniyang teleseryeng panghapon. Sa labis na pagtangkilik dito ng mga manonood, balak umano ng pamunuan na ilipat ito sa panggabing oras, sa primetime, na mas maraming hatak na manonood.

Advertisement

Apat na taon pa lamang siya sa industriya, ngunit sa palagay niya ay maituturing na siyang haligi nito. Pakiramdam ni Ellaine ay wala nang ibang sikat at magaling na artista maliban sa kaniya.

Nakarating na rin sa wakas sina Ellaine sa salon na tinutukoy nito. Nagkukumahog ang mga staff at hairstylist sa pag-asikaso sa kaniya. Bago pa man siya makaupo sa silya, nagpa-selfie muna ang mga ito. Ngunit wala siya masyado sa mood kaya medyo nahalata ng mga ito na tila niirita siya.

“Pakibawasan mo lang nang kaunti ang hair ko. Kaunti lang ah. Kapag hindi maganda ang pagkakagawa mo, ipapatanggal kita rito, hindi ako nagbibiro,” seryosong pagbabanta ni Ellaine sa beking hairstylist na naitalaga sa kaniya.

Hindi naman makapaniwala ang mga hairstylists na maldita de primera pala ang pag-uugali ni Ellaine, na kapag may mga nakatutok na camera, akala mo’t pagkabait-bait, magiliw sa lahat, at hindi makabasag-pinggan.

Nang sinisimulan nang gawin ang pagtabas nang kaunti sa buhok ni Ellaine, isang matandang babae ang dumating at naupong malapit sa kinaroroonan ni Ellaine. Agad itong nilapitan ng isang hairstylist at inayusan ito ng buhok sa pamamagitan ng blower. Puting-puti na ang mga buhok nito at napakasimple ng pananamit. Tila regular na kostumer na ito roon.

happy asian family - old asian woman in salon stock pictures, royalty-free photos & images

Ayaw ni Ellaine na may kahilera siyang iba, kaya sinabihan niya ang mga hairstylists na ilipat ng ibang lugar ang naturang matandang babae dahil naaalibadbaran siya. Isa pa, hindi kasi siya pinansin ng matandang babaeng ito, na nakapagpasaling sa kaniyang ego. Palagay niya kasi ay walang tao sa Pilipinas na hindi nakakakilala sa kaniya.

“Puwede bang pakilipat na lang si Manang sa ibang puwesto? Gusto ko kasing solo ako rito eh, kung itatabi ninyo si Manang dito, pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na rin,” hindi na nakatiis si Ellaine.

Nagulat ang lahat sa tinuran ni Ellaine. Napatingin naman sa kaniya ang matandang babae.

Advertisement

“Excuse me? Ako ba ang tinutukoy mo, ineng?”

Nagulat naman si Ellaine dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagtaray sa kaniya.

“O-Oo Manang. Baka lang kako puwede kayong ilipat. Alam ninyo na, I’m a star kaya gusto ko, solo ko rito. Or else, uutusan ko silang paalisin kayo rito sa salon na ito.”

Nagpanting ang tenga ng matandang babae. Tumayo ito.

“Baka ikaw ang palayasin ko rito sa salon ko at building ko. Yes, you heard it right, ineng. Ako ang may-ari ng salon at mismong building na ito. Star ka ba? Puwes, baka fallen star, hindi kita kilala,” galit na galit na sabi ng matandang babaeng.

Pahiyang-pahiya naman si Ellaine sa kaniyang inasal at agad na silang umalis sa naturang salon. Kinabukasan, naging usap-usapan ng lahat ang naturang pagmamaldita, dahil may ilan pa palang customers na nakarinig at nakuhanan pa siya ng video. Dumagsa ang napakaraming bashers ni Ellaine. Umani siya ng maraming pagpuna at batikos dahil sa kaniyang pagmamaldita.

group of young japanese people with smart phone - asian woman talking about cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

Iyon ang isa sa mga karanasang labis na pinagsisisihan ni Ellaine ngayon, lalo’t bumaba ang kaniyang kasikatan dahil sa hindi magandang publisidad, at dahil sa hindi magandang pag-uugali. Napagtanto niyang hindi dapat umakyat sa ulo ang kasikatan.