Gabi-gabing Nagpapakalango sa Bar ang Lalaking Ito na Walang Pakialam sa Mundo, Hindi Niya Namamalayang Tumatanda na Pala Siyang Mag-isa

Bukas na ang ika-35 kaarawan ni Robbie at excited na siyang makipag inuman sa mga kumpare. Matagal na panahon na rin ang nakalipas nang huli niyang makasama ang mga ito.Kadalasan kasi ay mga ka-opisina o siya lang mag isa ang nagsasaya, paano kasi, may mga sariling pamilya na ang mga kaibigan.

Pagsapit ng kaarawan niya, napili niyang I-celebrate iyon sa isang bar. Maingay at patay sindi ang ilaw, maraming alak, sigarilyo at syempre, mga babae. Late na dumating ang mga kaibigan niyang si George at Mike.

“Pasensya na pare, nahirapan akong magpaalam kay kumander,” nakangiting sabi ni George.

“Ako naman na-traffic lang. Pero di ako pwede magpaabot ng super late pre, mga hanggang 11pm lang ako.” sabi naman ni Mike.

“Ano ba yan? Mga high school ba kayo? My God, pareng Mike, ikaw ba yan? Uuwi ng 11 eh nagsisimula palang ang gabi non, super corny hahaha” sabi niya sa mga ito.

Napailing nalang ang dalawa at umupo na sa tapat niya. Di nagtagal, nakailang bote na sila ng alak at tinatamaan na ng espiritu ng alcohol si Robbie.

“Kaya ako, enjoy ako sa buhay binata. Like look at you guys, I’ll never be like you. Walang kalayaan, walang saya.” sabi niya.

“Grabe ka, masaya kami no. Ibang definition na kasi ng saya ang mayroon ka sa amin, sayo ang pagsasaya ay ganito, paglabas-labas. Kami, masaya na kami sa bahay kalaro ang mga bata.” sabi ni George.

Advertisement

“Kahit na, hindi naman ako nangarap maging babysitter ano. Tapos pag-uwi mo nakasimangot pa ang misis mo, no way! Ayaw ko, okay nako ng ganito. Living life at its fullest,” nakangisi niyang sabi na iniangat pa ang baso ng alak at tinungga iyon, tila iniinggit ang mga kaibigan niyang hindi tulad niyang ‘malaya’.

“Maiintindihan mo rin, pagdating ng panahon.” nakangiting sabi ni Mike.

Lumipas ang gabi at nag-uwian na ang dalawa niyang kaibigan. Matigas pa rin sa paniniwala si Robbie na ang pagpapamilya ay kunsumisyon.

Lumipas ang maraming araw, buwan, taon. Hindi niya namalayang mahina na siya. Gabi na nang makauwi siya sa apartment na tinutuluyan at nakasalubong niya ang isang pamilyang kapit bahay niya pala. Halos ka-edad niya ang mag asawa at may dalawang anak ang mga ito.

Medyo masakit ang likod ng lalaki at inaalalayan ito ng misis, ganoon din ang dalawang anak.

“Pa, dahan dahan. Sabi naman kasi sayo wag masyadong nagpapakapagod eh ayan tuloy. Yan, pasok na sa loob. Ipagluluto kita ng nilaga, I love you Pa.” nakangiting sabi ng misis nito, at pumasok na ang pamilya sa loob ng bahay.

Naiwang nakatulala si Robbie. Naalala niya ang sinabi niya sa mga kaibigan maraming taon na ang nakalilipas, “Kaya ako, enjoy ako sa buhay binata. Like look at you guys, I’ll never be like you.Walang kalayaan, walang saya.”

Pero may nakalimutan palasiyang idagdag,at ngayon niya lang nare-realize iyon..

Advertisement

Walang pamilya, walang nagmamahal.

Sinayang niya ang ilang taon ng buhay niya sa pag inom ng alak at pagpapaka-‘saya’ at ngayon ay naiwan siyang nag iisa.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.