Uminit ang Ulo ng Gwardya sa Matandang Gusgusin na Gustong Pumasok ng Bangko, Sa Huli’y Siya pa ang Napahiya Nang Malaman Kung Sino Ito

“Nay, huwag na po kayong makulit. Bawal nga po kayo dito,” iritable na ang tinig ng gwardya dahil sa makulit na matandang kanina pa gustong pumasok sa bangko.

Hindi niya naman maintindihan ang pinagsasabi nito dahil bisaya ang salita ng matanda at hindi siya marunong ng lenggwaheng iyon. Kaya naman pumasok nalang muli siya sa loob ng bangko.

Ngunit napakamot nalang siya sa ulo nang muli na naman kumatok sa pinto ang matanda. Noong una’y nagbingi-bingihan nalang siya sa pagkatok nito. Ngunit nang lakasan pa nito ang pagkatok at may ilang customers na ang tumitingin doon ay napilitan siyang lumabas muli.

Inis siyang bumunot ng barya sa bulsa at binigay iyon sa matandang madusing, “Ayan ‘nay. Sayo na ‘yang barya, baka pwede ka nang umalis. Ako ang matatanggal sa trabaho dahil sa kakulitan niyo eh!”

Pinagtataasan niya na ng boses ng matanda. Ngunit dahil tila hindi rin makaintindi ng tagalog ito ay hindi pa rin umalis sa harapan niya at sa halip ay kumaway pa sa mga boss niya sa loob ng bangko.

“Hindi ka rin naman ho papansinin ng mga iyan at busy po ang mga ‘yan para bigyan pa kayo ng limos,” inis niyang turan dito.

Lalo pa siyang nainis nang batukan siya ng matanda habang salita pa rin ng salita ng lenggwaheng bisaya.

“Umalis na kayo, ‘nay! Hangga’t may galang pa ako sayo!” malakas na talaga ang boses niya. Mabuti na lamang at nakasara ang pinto ng bangko kaya hindi siya rinig sa loob.

Advertisement

Ngunit ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makita ang supervisor nila na kalalabas lang ng sasakyan.

“Anong problema dito, Rick?”

“Eh kasi boss, itong matandang ‘to, napakakulit sabi ko nang hindi pwede ang pulubi dito,” sumbong niya pa dito. “Binigyan ko na nga ng barya, ayaw pa din umalis.”

Hinarap ng supervisor ang matanda at ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makilala ito, “Ma’am Adelaide!”

Kinausap nito sa parehong lenggwahe ang matanda. Gulat na gulat siya sa “way” ng pakikipag-usap ng boss niya dito. Tila kinakabahan na siya sa susunod na mangyayari.

Maya-maya’y humarap sa kanya ang supervisor, “Malaking kasalanan itong ginawa mo, Rick.”

Sinasabi na nga ba niya.

“Si Ma’am Adelaide Hernandez ay isa sa mga VIP natin. Malaki ang pera niya sa bangko natin. At magdedeposito sana siya ngayong araw. Diba dumaan ka naman sa training?” inis na tanong ng kanyang supervisor.

Advertisement

“Opo, kaso po hindi ko naman po akalaing magdedeposito siya dahil bayong po ang dala niya.”

“Hindi naman porke’t bayong ang dala ng tao ay hindi mo na dapat papasukin. Hindi rin dahil sa gusgusin ang ayos niya ay dapat mo nang ituring na mababa,” paliwanag ng supervisor, “Bumiyahe pa daw siya galing Leyte at nasiraan sila ng sasakyan kaya marumi ang suot niiya.”

Labis-labis ang kahihiyang sinapit ng gwardya. Humingi siya ng tawad sa matanda. Mabuti nalang at mabait pa rin itong pinatawad siya. Hindi rin siya natanggal sa trabaho dahil sa pakiusap ng matanda. Lubos ang pasasalamat niya sa kabutihang-loob nito.

Simula noon ay hindi na siya kailanman tumingin sa panlabas na anyo ng isang tao. Siniguro niyang pantay ang pakikitungo niya sa bawat taong nakaka-halubilo niya.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.